CHAPTER 17: Pain To Delight

962 28 132
                                    

Caution.

Chapter 17: Pain To Delight

Eleinah's Point of View

Nagmamadali akong naglakad nang makarating na ako sa factory. Nang marinig ko kasi kanina sa trabahador na tumawag na naaksidente si CJ ay kinabahan agad ako at nag alala.

Naabutan ko silang tinutulungan si CJ na makaupo sa silya. Nang makalapit na ako ay binigyan nila ko ng daan para makita ang nangyari. Nang makita ko ang kaliwa niyang braso ay may sugat doon na hanggang ngayon ay nagdudugo parin.

"Anong nangyari?" tanong ko habang sinusuri ang braso niya. "Sobrang sakit ba?"

Hindi siya nagsasalita pero kitang kita ko sa reaksyon niya na nasasaktan siya. Mahina rin siyang dumadaing at napapapikit. Ako naman ay aligaga at hindi malaman ang gagawin.

"Pumunta nalang tayo sa ospital, halika." sambit ko.

Kinuha ko muna ang panyo na nasa bag ko at maingat iyong itinakip sa sugat niya para patigilin ang pagdudugo no'n. Pagkatapos ay tinulungan siya ng ilang trabahador sa paglalakad hanggang sa makasakay na kami sa taxi dahil hindi ako marunong mag drive.

The nurses immediately treated CJ when we got to the ER. Medyo nakahinga naman na ako ng maayos at naghintay nalang sa visitor's chair.

While waiting for the results, I suddenly remembered how Justin looked earlier. He looked sad and disappointed and somehow okay about it. I felt guilty for leaving him earlier. Gusto ko rin naman kasi siyang makausap pero bigla namang na aksidente si CJ, mas kailangan niya ako sa ngayon. Pwede ko parin namang kausapin si Jah sa ibang araw.

I already realized that if everything that Justin said is true, then CJ might be fooling me for years. Marami nang nabubuong ideya sa isip ko at hindi ko na alam kung ano ang dapat paniwalaan. Sobrang gulo ng buhay ko.

Pagkatapos ng ilang minuto ay maayos nang nagamot ang sugat ni CJ, tsaka ko lang din nalaman ang nangyari nang sabihin niya sa doktor.

Nagmamartilyo raw siya ng pako nang may tumalsik na bagay sa mata niya, dahil doon ay napaatras siya at hindi niya napansin ang lagari sa likuran niya, doon siya nagtamo ng medyo malalim na sugat. Nawalan pa siya ng balanse dahil sa upuang nakaharang kaya nahulog din siya sa sahig.

The doctor gave him an anti tetanus shot and pain reliever. He also gave us medicines to buy for CJ's wound to heal faster. Mabuti nalang at walang naging malalang injury ang pagkakahulog niya sa sahig.

The next day, he insisted on going to work but I insisted for him to rest first. Sa huli ay nanalo ako at nanatili nalang siya sa bahay. Ganon ang nangyari sa loob ng tatlong araw at pagkatapos ay bumalik na ulit siya sa trabaho pero pinagbawalan ko muna siyang tumulong sa factory hangga't hindi pa gumagaling ng tuluyan ang sugat niya.

When Sunday came, we both decided to go to the mall to buy groceries, para na rin bumili ng mga gamot niya. At ang sabi pa niya, gusto raw niyang makapag bonding kaming dalawa.

I wasn't hesitant to agree but it felt like I have to do something else rather than walking around the mall. Something more important than pretending to be okay in front of him whilst my head is full of thoughts and questions.

Simula noong nagkausap kami ng mga magulang ko, palagi na nila akong tinatanong kung kailan ba ako bibisita sa kanila at kung kailan ako uuwi sa bahay namin ni Justin. Wala naman akong magawa kundi mag sinungaling sa ngayon.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Where stories live. Discover now