CHAPTER 3: Mimi & Dada

954 33 56
                                    

Chapter 3: Mimi & Dada

Nang magising ang diwa ko ay naghikab agad ako. Iminulat ko ang mga mata ko at napagtanto ko nalang na nakatalikod na ako kay Justin at nakayakap siya mula sa likuran ko...

Nagulat ako nang mag buntong hininga siya dahil ramdam na randam ko ang init ng hininga niya sa buhok ko. Lumipat siya ng pwesto, tumihaya na siya.

Maingat akong humarap sa kaniya at pasimple ko siyang niyakap ulit. Nagulat naman ako nang yumakap din siya sa'kin pabalik. Akala ko tulog pa siya!

He sighed heavily. "Six na pala. Nagugutom ka na ba?" he asked with his raspy voice. Tunog bagong gising.

Gabi na pala. Mahaba-haba rin pala ang tulog namin.

Nang hindi ako sumagot ay humarap siya sa'kin tsaka niya ako niyakap at hinalikan sa ulo. I was speechless. I don't know what to say, I don't know what to do.

"I love you." aniya sa mahina ngunit malambing na boses.

It was unexpected so I was unable to say anything. Nanlaki nalang ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko rin ang kiliti sa muka at tiyan ko.

It's my first time hearing those words from him. Sa loob ng limang buwan matapos naming maging official, ngayon ko lang narinig mula sa kaniya ang mga salitang 'yon.

He sighed again then hugged me tighter. Ano na, Eleinah? Paki follow up naman yung I love you too.

"A-Ahh, ano," ni-hindi nga ako makapag salita ng diretso dahil sa emosyon!

He chuckled. "Ano?" natatawa niyang tanong.

I laughed awkwardly too. "Sorry, nabigla ako." sambit ko. "Uhm, I-I love you too." utal kong sabi.

Nagtatalo ang hiya at kilig ko ngayon kaya mas isinubsob ko nalang ang muka ko sa dibdib niya. Nag iinit ang pisngi ko at nagwawala na rin ang internal organs ko. It's our first time to exchange I love you's with each other and it's quite new to me but it feels so heartwarming.

Mahina siyang natawa dahil siguro naramdaman niya ang hiya ko. Hinaplos niya ang likod ko.

"Weh? Isa pa nga." aniya sa nanunuksong boses.

Hindi ako nagsalita kaya natawa nalang siya. Bumitiw kami sa yakap at tinignan ang isa't isa. Nakangiti siya habang hinahaplos ang buhok ko. I can clearly see the happiness in his eyes. Kumikinang ang mga mata niya.

Napangiti nalang din ako. Sunod-sunod akong kumurap nang unti-unting lumapit sa akin ang muka niya hanggang sa dumikit ang labi niya sa noo ko. I feel so loved and secured. Hinaplos pa niya ang pisngi ko habang malalim parin ang tingin sa akin.

Tuwing magkasama kaming dalawa, ibang Justin ang nakakasama ko. Well, cute at bubbly parin siya pero ramdam ko rin yung pagiging gentle at pagmamahal niya sa'kin sa bawat galaw at tingin palang niya. I really love it when he only show that side of him when he's with me. I feel really special.

"Teka, check ko lang phone ko. Baka may chat sila Josh." paalam niya bago siya tumihaya ng higa.

Naka paikot parin naman sa likod ko ang isa niyang braso, pinipisil pa nga niya ang balikat ko. Nakayakap din ako sa kaniya habang nakatingin sa phone niya.

Tinapatan ko ang ulo niya para mas makita ko siya ng maayos, nakakangawit kasi tumingala. Tinitigan ko lang siya habang busy naman siya sa cellphone niya. Sobrang tangos talaga ng ilong niya. Ang kinis pa ng muka at kita ko rin ang mga nunal niya.

I unconsciously brought my face closer to him. Slowly, I closed my eyes until my lips touched his cheek. It lasted for seconds before I pulled away.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora