CHAPTER 7: Steamy

1.5K 24 104
                                    

⚠️: Caution. Zondrox area.

Since exam na namin next week, slow updates is on nanaman.

Enjoy reading!

Chapter 7: Steamy

I scratched my head when I woke up. Kumunot ang noo ko nang makaramdam ng mabigat na bagay na nakapatong sa braso ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Justin na nakaunan sa kaliwa kong braso at nakasubsob ang muka sa dibdib ko habang hinahaplos ang likod ko. He's really like a baby.

Tiningala niya ako tsaka siya ngumiti. "Goodmorning." bati niya sa akin.

Ngumiti nalang din ako tsaka ko hinawi ang buhok niya. "Goodmorning. Ang aga aga, nagpapa baby ka nanaman, hmm?" malambing kong sabi.

Mas lumawak ang ngiti niya dahil doon. Mas sumiksik pa siya sa akin at mas hinigpitan ang yakap kaya niyakap ko nalang din siya pabalik tsaka ko ipinatong ang baba ko sa ulo niya. Ang cute cute naman ng baby damulag ko.

Maya maya pa ay bumitiw na siya sa yakap pero nakapatong parin ang braso niya sa bewang ko.

"Gusto mo ba ng hot chocolate?" tanong ko.

Tumango siya. "Sige."

"Oh sige, ipagtitimpla ko na ang baby damulag ko." panunukso ko pa sa kaniya.

Umangat na siya ng pwesto at ako na ngayon ang nakatingala sa kaniya. Inunan niya ako sa braso niya at ako naman ngayon ang nagmumukang baby sa pwesto naming dalawa.

"Sumasakit parin ba yung," tumingin siya sa ibaba ko. "ano mo?" tanong niya.

Yumuko ako dahil sa biglang hiya na naramdaman. "A-Ahm," pinakiramdaman ko muna ang pagitan ng mga hita ko. "h-hindi naman siguro." sagot ko.

"Nag search ako kanina sa internet, nakakatulong daw yung pag i-stay sa maligamgam na tubig sa bathtub para hindi masyadong sumakit. Gusto mo bang maligo muna?" tanong niya ulit.

I smiled because I appreciate the effort. "Hmm, titignan ko." hindi naman kasi ako sure kung masakit pa ba.

Bumangon na ako tsaka ako nagsuot ng tsinelas bago ko sinubukang tumayo. Hindi naman siya masakit pero may part na hindi ako komportable sa tuwing iginagalaw ko ang binti ko.

Bumangon na rin siya tsaka ako inalalayan sa braso. "Ano?" tanong niya.

"M-Medyo hindi lang komportable." nahihiya at mahina kong sagot.

"Gagawin mo ba yung sinabi ko?" tanong ulit niya.

"S-Sige." pag payag ko. Ayoko namang masayang ang pag sesearch niya sa internet.

"Hawak ka sa leeg ko. Bubuhatin nalang kita para hindi ka mahirapan." aniya.

I quickly wrapped my arms around his neck then he carried me gently in bridal style. Parang madali lang iyon para sa kaniya. Sa bagay, medyo magaan lang naman siguro ako.

Dumiretso siya sa banyo at doon niya ako ibinaba.

"Aayusin ko na yung tubig."

Tumango nalang ako at hinayaan siya sa ginagawa niya. Busy siya sa pagpupuno ng tubig sa bathtub at ako naman ay nagdadalawang isip kung iihi ba o hindi.

Pero ihing ihi na 'ko!

"J-Jah, weewee lang ako ah." nahihiyang paalam ko sa kaniya.

Nilingon niya ako tsaka siya tumango. "Sige lang." medyo natatawa pa siya dahil siguro sa sinabi ko.

Parang wala nalang sa kaniya iyon. Sabagay, ano pa nga ba ang dapat kong ikahiya eh nakita at nahawakan na namin ang katawan ng isa't isa kagabi.

Pero normal lang naman kasi sa'kin ang mahiya eh.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Where stories live. Discover now