CHAPTER 11: Hiring

540 24 136
                                    

Unedited

Chapter 11: Hiring

"Thank you for coming po ma'am." bati ko sa customer pagkatapos kong ibigay ang order niyang take out.

Nginitian niya ako bago siya tumalikod at lumabas mula sa pinto. Bumuga ako ng hangin tsaka ako pumunta sa kwarto ng mga crew at inalis ang apron kong suot.

Tapos na ang shift ko ngayong hapon, uuwi na ako.

Tinanggal ko na rin ang suot kong face mask. Nakasanayan ko na kasi ang pagsusuot nito tuwing lumalabas ako sa bahay para maitago ang peklat sa muka ko. Sa lahat ng pupuntahan ko basta maraming tao ay nagsusuot ako nito. Nakakahiya naman kasi.

Isa pa, baka mandiri ang mga customer namin kapag nakita nila 'to at baka hindi na ulit sila bumalik dito. Ayoko namang mangyari 'yon.

Isinilid ko na sa bag ko ang apron at hair net ko. Isinuot ko na ulit ang facemask ko tsaka ako lumabas doon para mag out.

"Lei, may nalipatan ka na?"

Nilingon ko si Cora na katrabaho ko dito. Siya ang pumapalit sa akin kapag tapos na ang shift ko ng 5 PM.

"Hmm, wala pa nga eh. Ikaw ba?" sagot ko.

"May nakita akong job hiring dun sa bagong bukas na cafe, ayun sinubukan ko pero wala pang update. Baka gusto mo rin i-try?" suggestion niya.

Tumango ako. "Sige ba, saan ba 'yon?"

"Doon lang sa ikalawang kanto. Makikita mo naman agad 'yon kasi dinadayo ng mga kabataan ngayon."

"Sige, susubukan kong mag apply. Salamat ha."

Tumango nalang siya tsaka ngumiti kaya nginitian ko nalang din siya pabalik bago ako tuluyang naglakad paalis.

Magsasara na kasi itong shop na pinagtatrabahuhan namin dahil ibinenta na raw itong lupa kaya ipapa demolish na. Ang tagal ko na ring nagtatrabaho dito kaya medyo nakaka lungkot lang.

5:30 nang makarating ako sa bahay, wala pa si CJ. Kaya nanood nalang ako ng mga videos ng SB19 na hindi ko pa napapanood. Hindi ko kasi nagagawa 'to tuwing nandito siya, hindi kasi siya pabor sa pagiging fangirl ko.

Alam kong masama na may itinatago ako sa asawa ko pero wala naman akong nakikitang mali sa ginagawa ko. Napapasaya ako nung lima at wala naman silang masamang dulot sa buhay ko kaya para sa akin, wala namang mali sa pag iidolo sa kanila.

Nang mapagod na ako sa panood ay pinatay ko muna ang laptop ko tsaka ako luminga sa paligid para ipahinga ang mga mata ko. Napatitig nalang ako sa ilang marka ng itim na usok dito sa bahay mula sa nangyaring trahedya halos dalawang taon na ang nakalipas. Gusto ko sanang sabihin na hinding hindi ko makakalimutan 'yon pero hanggang ngayon, hindi parin bumabalik ang buo kong alaala.

Hanggang ngayon, hindi ko parin naaalala ng buo ang asawa ko, hindi ko parin naaalala ng buo ang tungkol sa sarili ko. Pero masaya parin naman ako dahil nandito naman si CJ sa tabi ko.

Sinalubong ko ng ngiti ang babaeng mag iinterview sa akin kahit na nakasuot ako ng facemask, siya ata ang manager ng cafe na 'to.

"Good morning, have a seat." magalang niyang sabi.

Tumango ako tsaka naupo sa visitor's chair. "Thank you."

"So, your name is?" she asked while holding my resume.

"Lei Dela Torre po." sagot ko.

Tumango siya tsaka niya tinignan ang mga papeles ko. Sobrang kinakabahan ako at hindi mapakali ang mga kamay ko. Pagkatapos ng isang minuto ay inayos na niya ang kumpol ng papel tsaka niya ako muling tinignan.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang