CHAPTER 8: Parted Departure

1K 29 99
                                    

⚠️: Caution! Wet kittycat ahead. 🙀

The lyrics fits the situation. ⬇️😂

Chapter 8: Parted Departure

Magkahawak ang mga kamay namin ni Justin habang nakasakay sa train papunta sa next destination namin. Nagkaroon kami ng time ngayon para kamustahin ang pamilya at mga kaibigan namin na nasa Pilipinas.

Hindi naman ganoon kalayo ang biyahe kaya mabilis din kaming nakarating sa accommodation. Parang bahay lang ito, simple pero maganda parin. Maganda ang paligid at maganda rin ang itsura sa loob.

The accommodation has a small living room, one room, bathroom and a kitchen. May second floor din ito at may balcony sa taas. Magandang tumambay doon tuwing gabi para maghintay ng Northern lights.

This place is really beautiful. Hindi nga ako inantok kanina sa biyahe at nakatingin lang ako sa labas dahil sa ganda ng scenery dito.

Pagkadating namin sa bago naming accommodation ay inayos muna namin ang mga gamit namin. Magdidilim na rin noong nakarating kami dito kaya pagkatapos naming mag ayos ay kumain na rin kami ng hapunan, nag half bath at nagpahinga na.

We used our time to make a lot of memories and do some activities that we can only get to do here. Sobrang dami rin naming pictures at videos. Sabi sa'kin ni Jah, i-uupload niya ang mga videos namin dito sa Youtube channel niya soon.

We also spent our days talking about random stuffs while walking through the icy streets, our hands clasped with each other. And of course, we also make love in our dimmed room.

Sobrang bilis lang na natapos ng tatlong linggo namin dito sa Finland. Parang ayaw ko pa nga umuwi next week pero wala naman kaming choice dahil kailangan naming harapin ang responsibilidad namin sa Pinas.

Pumunta kami sa isang clothing shop para bumili ng damit na ipapasalubong din namin sa mga pamilya namin at syempre, para na rin sa'min.

Nagsusukat ako sa fitting room ng dress na nagustuhan ko. Ang ganda kasi ng itsura, pwede ko itong isuot tuwing may date kami ni Justin.

Lumabas ako sa fitting room para ipakita sa kaniya ang damit na sinukat ko pero nang buksan ko ang pinto at hindi ko siya naabutan doon. I wandered my eyes around until I saw him in front of a stall while holding a nice dress in his hands.

Lalapit na sana ako sa kaniya nang may dalawang babaeng blonde at may lahi ang lumapit sa kaniya. Muka silang magkaibigan. Sobrang lawak pa ng ngiti nila habang nakatingin kay Justin at kakaiba pa ang ngiti nung isa.

"Excuse me, are you alone?" the blonde lady asked.

"Uhh, no." mabilis na sagot ni Justin sa magalang parin na paraan, halatang naiilang siya at umiiwas ng tingin na para bang may hinahanap.

"You're cute. How about we invite you for lunch?" the other blonde lady said.

Umiling agad si Justin. "I'm married." aniya habang ipinapakita sa dalawa ang kamay niyang may suot na singsing.

"Oh," mukang gulat pa ang dalawa habang nakatingin sa singsing niya. "Cool, sorry." she apologized.

Ngumiti lang si Justin at tumango. Umalis na rin ang dalawang babae at mabilis niyang ibinalik sa lagayan ang dress na suot niya tsaka siya nagmamadaling bumalik dito.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora