CHAPTER 18: What About Me?

664 26 110
                                    

Chapter 18: What About Me?

Justin's Point of View

Nag inat agad ako nang magising na ang diwa ko. Inaantok pa ako at gusto ko pang matulog kaya sumiksik ako sa katabi ko at mas humigpit ang yakap ko, pero kumunot ang noo ko nang iba na ang maramdaman ko.

Nang buksan ko ang mga mata ko, unan nalang ang yakap ko, wala na si Eleinah sa tabi ko. Bumangon agad ako tsaka ako luminga sa paligid, wala na rin ang mga gamit niya, umalis na siya, iniwan na naman niya ako.

Inihilamos ko ang kamay ko sa muka ko tsaka ako marahas na bumuga ng hangin. Sinabunutan ko ang sarili ko tsaka ako yumuko.

Yesterday was great, I just made love with her after a very long time. Sobrang na-miss ko siya kaya sinulit ko na ang bawat minuto na kasama ko siya. Pagkatapos ng pagtatalik namin ay hindi agad ako natulog. Tinitigan ko lang siya habang hinahaplos ang muka niya. Natatakot kasi ako na baka pag gising ko, wala na naman siya, at 'yon nga ang nangyari. Sana pala binantayan ko nalang siya.

Pero hindi ko maikakaila ang saya na naramdaman ko pagkatapos ng nangyari. Ngayong mas marami na siyang naaalala ay nararamdaman kong unti-unti na rin siyang babalik sa akin. She even gave me permission to make love with her. Nararamdaman kong unti-unti na ring babalik ang lahat sa dati. Babalik na ang Mimi ko at magiging masaya na ulit kaming dalawa.

Nagsisimula palang ako.

...

Eleinah's Point of View

Nagising ang diwa ko dahil sa liwanag na nagmumula sa labas. Nag mulat agad ako ng mga mata at si Justin ang bumungad sa akin. Naka unan siya sa braso ko at nakayakap siya sa bewang ko, naka siksik din ang muka niya sa dibdib ko. Mahimbing parin ang tulog niya. Maingat kong hinaplos ang ulo niya at bahagya akong ngumiti. Muka siyang baby.

Natigilan ako nang maalala ko ang itsura ni CJ. Ang salubong niyang makapal na kilay at ang panga niyang gumagalaw dahil sa galit. Napa lunok nalang ako.

Maingat kong inalis ang pagkaka unan ni Justin sa braso ko, pinalitan ko rin ng unan ang yakap niya tsaka ko inayos ang kumot niya.

Walang ingay kong kinuha ang mga damit kong nagkalat sa sahig tsaka ko iyon isinuot. Kinuha ko rin ang cellphone sa bag ko tsaka ko tinignan ang oras, alas otso na ng umaga.

Sobrang daming text at missed calls ni CJ ang bumungad sa akin. Tinatanong niya kung nasaan ako, kung bakit hindi pa ako umuuwi, kung anong ginagawa ko, may ilang message din siya na may pinaghalong pag aalala at galit. Yung iba pa nga ay ala una at alas kwatro ng umaga niya sinend.

Bumilis agad ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Inayos ko agad ang sarili ko pati na ang itsura ko. Kailangan ko na ring mag isip ng mga sasabihin sa kaniya mamaya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na pumunta ako sa bahay ni Justin at nakipagtalik at doon na rin natulog.

I ran my fingers through my hair because of frustration. I felt like what Justin and I did was wrong but it also felt right. And I'm feeling guilty for CJ. Mukang hindi pa siya nakatulog ng maayos dahil sa pag aalala sa akin, samantalang ako ay kasama si Justin at may nangyari pa sa amin.

I pulled my hair hard because of frustration, my mind is going to blow up!

Nang maayos ko na ang sarili ko ay muli akong tumingin kay Justin. Naguiguilty din ako dahil aalis ako nang walang paalam pero kailangan ko na talagang umuwi.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon