CHAPTER 24: Overthinking

751 30 70
                                    

Ganda talaga ng mga ganitong songs hahaha, I really love ballad songs for brokenhearted pips.

This song fits the situation. 😂 Sa last chap ko pa dapat talaga ilalagay 'to, nakalimutan ko lang.

Chapter 24: Overthinking

Eleinah's Point of View

"Are you crazy? Anong wag na?"

Ang kulit naman ni Mela eh.

Umiling ulit ako. "Wag mo na siyang contact-in, wag mo na siyang tawagan. Hayaan mo na siya."

"Why?"

"Basta wag na! Wag mo na siyang istorbohin, siguradong nakaalis na rin siya ngayon sa bansa." Papahina kong sabi. "Hindi rin naman niya papansinin yung mga text at tawag mo." Nagtatampo kong sabi.

"But Lei," Mela sighed then sat on the edge of the hospital bed, humawak din siya sa braso ko. "you need to tell him, anak niyo 'yan. He also have the rights to know."

"Alam ko." Sagot ko agad. "Pero ayoko parin, wag na muna, ayaw kong maging pabigat sa kaniya." Kunot noo kong sabi.

"Bakit ka naman magiging pabigat sa kaniya? It's his child too, you two won't be a burden to him. Isa pa, baka isa na rin 'to sa maging daan para magkaayos kayo ulit, 'di ba? Lei, hindi na uso 'yang taguan ng anak kasi sa huli magkakaroon na naman kayo ng hindi pagkakaintindihan dahil do'n" Naguguluhan niyang sabi.

"Mela, nagtatrabaho siya doon. Kasabay ng paglayo niya sa akin dahil sa trabaho niya, sinusubukan niya ring kalimutan yung sakit na ibinigay ko sa kaniya. He's just starting to move on and forgive me for what I did. He needs time for himself. Ayokong gamitin ang anak namin para lang pabalikin siya. I don't want to pressure him." Paliwanag ko.

She sighed. "Eh anong balak mo? Hindi mo talaga sasabihin sa kaniya?"

"Hindi..." Umiiling kong tugon. "Hayaan nalang muna natin siyang makapag isip. Nandito lang naman ako eh, hindi naman ako aalis, alam naman niya kung saan ako mahahanap. Kung bumalik man siya, tatanggapin ko siya nang walang pagdadalawang isip tsaka ko sasabihin sa kaniya ang tungkol dito. Kung hindi naman, ayos lang din." Natigil ang pagsasalita ko dahil sa pag hikbi. "Kakayanin ko naman siguro."

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at nagpatuloy nanaman ako sa pag iyak. Pilit naman akong pinakalma ni Mela sa pamamagitan ng yakap.

Ang bigat sa pakiramdam, nasasaktan ako para sa anak ko, gusto ko rin namang sabihin kay Jah ang totoo dahil kailangan ko siya pero hahayaan ko namang piliin muna niya ang sarili niya ngayon. Gusto niyang magpahinga kaya ibibigay ko iyon sa kaniya. Hindi ko na muna siya guguluhin.

Naniniwala parin naman ako na babalik siya. Naniniwala parin ako na mabubuo rin ulit kami at magkakaroon ng buong pamilya ang anak ko. Magkakaayos din kami, mapapatawad niya rin ako, at mabubuo niya rin ang sarili niya.

For now, I'll just endure the pain and continue to live. Kailangan kong maging maayos hindi lang para sa akin kundi para sa anak namin.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant