CHAPTER 5: Great Days

908 26 69
                                    

Chapter 5: Great Days

Pagkatapos ng nangyaring proposal sa studio ay nag picture muna kami ng sandamakmak. Tsaka ko nalang din nalaman na may mga hidden camera pala. Kanina pa pala ako vinivideo pagkapasok ko palang sa building.

Pagkatapos namin doon ay nag dinner kami kasama ang mga pamilya namin. I'm with my parents and Mela too, I want her to be my bridesmaid. Si Jah naman ay kasama ang mga magulang niya pati ang Diko niya.

"Sabihin mo kay Jah magpapaulit ulit kang lumakad sa aisle hangga't hindi siya umiiyak." bulong sa'kin ni Mela na ikinatawa ko.

"Ikaw talaga." umiiling kong sabi.

We talked about random things but more on about me and Jah, and of course, about our plan for the wedding. May ilang na-settle na, mabuti nalang at maraming connections si Justin para makatulong sa amin.

Pagkatapos ng dinner ay balak ko munang sumama kay Jah sa bahay nila sa Malabon para kami naman ang makapag usap at makapag bonding na rin dahil halos matagal na rin naman nung huli kaming nag bonding ng kaming dalawa lang.

Nagpaalam siya sa'kin kung pwede raw ba siyang mag live stream kahit na isang oras lang para kamustahin ang mga fans nila at sino ba naman ako para hindi pumayag?

"Gusto mo ba maglaro? Halika, laro tayo." aya niya sa'kin.

May dalawang set up na kasi siya ng computer dito sa kwarto niya at minsan ay ginagamit namin iyon parehas para sa paglalaro. I don't know how to play computer games before, he just taught me how and I find it enjoyable especially whenever I'm playing with him.

"Sa susunod na siguro, time mo 'yan para sa mga fans mo. Sila muna yung pagtuunan mo ng pansin." sabi ko naman.

"Ayos lang naman kahit kasama kita eh." nasubukan na rin naman niya akong isama dati sa livestream niya at parehas kaming naglaro.

"Jah, focus ka muna sa fans mo. Ang tagal mo kayang hindi nakapag livestream. Tsaka dito lang naman ako eh, pwede naman akong lumapit lapit sa'yo." sabi ko sa malambing na boses.

Pinaupo ko siya sa tabi ko tsaka ako yumakap mula sa gilid niya. Niyakap din naman niya ako pabalik at isinandal pa niya ang ulo niya sa ulo ko. Hanggang ngayon, hindi parin talaga ako makapaniwala na engaged na kami.

"Sa susunod, sasama ulit ako sa'yo." tiningala ko siya tsaka ko siya nginitian.

Ngumiti rin siya pabalik. "Sige na nga."

Pinisil niya ang pisngi ko at sabay nalang kaming natawa ng mahina.

"Magsisimula na ako para hindi na ako gabihin." aniya. "Pwede kang maupo do'n sa kabilang gaming chair kung gusto mong manood, hmm?" paalala niya.

I nodded. Bumitiw na kami sa yakap at pinanood ko nalang siyang maupo sa gaming chair niya. It's currently 9:30 in the evening. He spent some time fixing his set up before finally airing live.

"Hi guys, good evening. Kamusta kayo?" panimulang bati niya. "Kumain na ba kayo?"

Nanatili nalang ako sa kama niya at inatupag ang cellphone ko. Actually, nanonood ako ng livestream niya kahit na nasa iisang kwarto lang naman kami. Kita pala ako doon sa camera niya. Inayos ko ang upo ko dahil naka above the knee dress lang ako.

He greeted some of his fans first before starting to play. Sobrang daming nanonood sa livestream niya, ang dami ring nagsesend ng pera na iba't ibang lugar ang pinanggalingan.

Moments later, someone knocked on the door. Nang bumukas iyon ay si Tita Gemma ang bumungad.

"Lei, manggang hinog oh." ani Tita habang nakasilip sa pinto.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Where stories live. Discover now