CHAPTER 14: Visitor

516 18 135
                                    

Chapter 14: Visitor

Eleinah's Point of View

Pagkatapos ng pagpunta ko sa bahay ni Justin ay hindi na ulit muli nasundan pa iyon, dahil siguro sa busy schedule nila. Well atleast, nakasama ko parin siya at nakapunta pa ako sa bahay niya kahit na isang beses lang. Malaking bagay na iyon para sa akin bilang fan nila.

I haven't heard of Justin after that bonding on his house. Hindi ko na rin siya nakikitang mag online sa IG. At hanggang ngayon, palaisipan parin sa akin kung bakit nagkita at nag usap si Mela at si CJ sa tapat ng bahay namin noon. Halata naman kasi na gusto ni Mela si Justin kaya niya ako pinapalayo kay Jah. Kung ganon naman pala, tungkol saan ang pinag usapan nila ni CJ?

Every day, me and CJ's situation is getting better. Mas napapadalas na ang pag uusap namin ngayon kaysa dati pero wala parin kaming pormal na paghingi ng tawad sa isa't isa.

It's currently dark outside and I'm waiting for CJ to come home before dinner. Inaayos ko na ang lamesa dahil ilang saglit lang ay siguradong dadating na siya.

And that's like what I thought, I heard the sound of his car outside.

Sinalubong ko siya nang makapasok na siya dito sa loob. Tutulungan ko na sana siya sa pagbubuhat ng gamit niya pero iba ang inabot niya sa akin. Dalawang paper bag na may masarap na amoy.

"Ilagay mo nalang sa lamesa 'yan, ako na'ng bahala sa sarili ko." simple niyang sabi.

Hindi na ako nagsalita at sinunod nalang siya kahit na nagtataka pa. Nang mahawakan ko na ang dalawang paper bag ay pinanood ko nalang siyang umakyat sa hagdan.

Pumunta na ulit ako sa mesa para ayusin ang mga pagkain na binili niya, it's from a fast food chain. It's been quite a while since I had these kind of foods. Tuwing may inuuwi kasi siyang pagkain ay puro ulam na may sabaw o may sarsa. I'm even surprised because I think this is the first time he went home with fast food.

Pizza, fries and fried chicken on the first bag and sundae and drinks on the second. Sobrang dami nito, mukang hindi namin 'to mauubos lahat.

Saktong pagkatapos kong ayusin ang inuwi niyang pagkain ay ang pagbaba naman niya sa hagdan. Dumiretso siya dito at naupo na kaya naupo na rin ako.

He started putting foods on his plate so I started to get some for me too. Nilagyan niya ng manok ang plato ko at inilapit niya rin ang isang fries, sundae at drink sa akin.

"Sa'yo 'yan, tig isa tayo." kaswal niyang sabi tsaka naman niya inilapit ang mga natirang fries, drink at sundae sa kaniya.

Bahagya nalang akong ngumiti tsaka tumango. Nagsimula na akong kumain at ganon din siya. Inabutan niya ako ng ketchup tsaka gravy para sawsawan ng fries at fried chicken.

I took the gravy but didn't mind the ketchup. Hindi ko gustong pinagsasawsawan ang ketchup kahit na sa fries, mas gusto ko ang gravy.

We continued to eat silently until we're both almost finished. Ice cream nalang ang kinakain ko at siya naman ay inuubos nalang ang natira niyang fries.

"Uhm," ako na ang babasag sa katahimikan. "B-Bakit pala may ganito? M-May good news ba?" tanong ko.

Madalas kasi tuwing may pasalubong siya galing sa trabaho ay may good news siya sa akin.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon