CHAPTER 2: Warm Love

1K 34 132
                                    

Dedicated to: jahh_panizz

Chapter 2:  Warm Love

'Pwede ba kitang ligawan?' - Jah

Hindi agad nag process sa utak ko ang nabasa ko. Para akong teleponong nag hang at hindi na nakagalaw sa pwesto. Nakatitig nalang ako doon at hindi man lang kumukurap.

Narinig kong bumuga ng hangin si Justin sa tabi ko kaya mas kinabahan ako. Ano bang dapat kong gawin? Anong dapat kong sabihin? Hindi ko alam. Naninibago ako.

"Uhm," idinaan ko nalang ulit sa tawa ang hiya. "ano, bakit may ganito?" nahihiya pero tumatawa kong tanong.

"Pwede ba?" tanong naman niya sa boses na halatang nahihiya.

Hindi ko na napigilang ngumiti nang lingunin ko siya. Muka kasi siyang kinakabahan at nahihiya kahit na nakangiti siya.

"S-Seryoso?" tanong ko.

"Oo nga." sagot niya. "Pwede ba kitang ligawan?" tanong pa ulit niya.

Umiwas ako ng tingin bago ko pinakawalan ang ngiti sa labi ko. Jusko, hiyang hiya ako! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kasi naman eh, Justin de Dios siya, si Eleinah Lourdes David lang naman ako. Grabe yung layo ng agwat namin sa isa't isa.

"Ahh, sorry. Nabigla lang ako." sambit ko nang lingunin ko na ulit siya. "Sigurado ka ba? I mean," tinuro ko pa ang sarili ko. "sure ka?"

He chuckled. "Oo nga, seryoso." itinapat pa niya ang kamay niya sa kaliwa niyang dibdib. "Tignan mo nga oh, kinakabahan ako."

Nahihiya akong ngumiti at umiwas pa ng tingin. Napansin ko naman ang nag iisang fortune cookie na nasa jar. Nakaisip ako ng idea.

Kinuha ko iyon tsaka ko binuksan. Kung ano ang sinasabi ng fortune cookie na 'to, doon ako magbabase ng isasagot ko.

'Just go for it.'

Natawa nalang ako nang mabasa ko ang laman no'n. Mukang gusto nga talaga ni tadhana na um-oo ako.

"Bakit? Anong sabi?" tanong niya.

Nilingon ko siya habang nakangiti parin. Kalaunan ay tumango ako.

"Sige, payag ako." sagot ko habang kinakamot ang batok dahil sa hiya.

Isa pa, nasa tamang edad naman na ako tsaka hindi ko naman itinatanggi na noon pa man, may pagtingin na talaga ako sa kaniya na pilit kong itinatago. Sobrang nagulat nga ako dahil pagkatapos ng ilang taon, mukang parehas lang pala kami ng nararamdaman at wala lang nagtangkang umamin sa amin.

"Seryoso?" siya naman ang mukang gulat ngayon.

Tumango ako. "Oo nga, seryoso. Tignan mo nga oh, ang bilis ng tibok ng puso ko." paggaya ko sa sagot niya sa akin kanina.

Tumawa nalang din siya at nagtakip pa ng muka dahil siguro sa hiya. Tumawa nalang din ako at yumuko. Ramdam na ramdam ko ang pag iinit sa pisngi ko ngayon pati na ang mga kiliti sa muka at tiyan ko na madalas kong nararamdaman sa tuwing nakikita ko siya noon.

I just can't actually believe that a person like him, an ideal guy and a famous talented man would actually ask to court me. Hindi ko inaasahan na isang kagaya niya ang magtatanong sa akin ng mga salitang 'yon.

"Ah, thank you." sabi niya habang malawak ang ngiti. Kinuha na rin niya sa akin iyong jar tsaka niya ibinalik sa sahig. "Nagpakahirap pa kami ni Stell na mag bake niyan."

"Kayo yung gumawa no'n?" gulat kong tanong.

"Hmm-mm, bakit?" natatawa pa siya.

"Madaya, kaya pala puro ganon yung nakasulat." pasimple kong reklamo.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon