Chapter 21 - Favor

1.3K 62 19
                                    

CHAPTER 21

FAVOR


Iris' POV


"Get on the bus! Sinabi na ngang tama na 'yang kaka-selfie! Doon na kayo mag-picture-an." I did my best not to chuckle as I heard one of the professors shouting at a group of girls sitting here in the lobby. Kanina pa kasi niya pinapaalis ang mga iyon pero matitigas talaga ang ulo nila.

I grabbed my jacket and bag before joining my classmates that are already walking towards the parking lot. May joint tour ngayon ang Architecture and Engineering department. It is an on-site real construction field trip.

"Tabi tayo, Iris!" one of my friends said.

"Sure." Sumakay na kami sa bus at umupo sa bandang gitna. Ang gugulo ng lahat at halatang mga excited.


While waiting for the bus to be filled with people, I yawned and lazily put on my earphones. Iiglip na muna ako. Sobrang aga pa kasi, 5 am pa lang. Busy naman ang katabi ko kakadaldal sa iba pa naming mga kaklase kaya tingin ko ay ayos lang na gawin ko ito. Besides, they already know I'm the quiet one. Hindi na sila nao-offend kung hindi ako palasalita.


I woke up an hour later when my seatmate asked me if I'd like to join them into going to the comfort room. Tumingin ako sa labas at doon ko lang napagtanto na nag-stop over pala kami sa isang gas station. May mga food stores din dito.

"Sige, sama ako." Tumayo na ako at iniwan ang jacket ko sa upuan. After the quick CR break, sumama na rin ako sa kanila upang bumili ng mga makakain. I didn't eat breakfast at home since it's too early in the morning. Hindi sanay ang tiyan kong kumain kapag sobrang aga.


I bought a croissant and hot chocolate then I headed back to the bus. Nauna na ako dahil wala pa silang balak bumalik. Kanina pa kami nagpi-picture-an pero parang hindi sila napapagod.

Pagsakay ko, napansin kong may ilang mga Architecture students ang nakikigulo sa amin. Ganito kasi tuwing may joint tour. Never nagkaroon ng seating arrangement. Kung saang bus mo gustong sumakay, bahala ka. Basta kapag nag-attendance sa site, kailangan present ka.


"I can bake better than this," I mumbled as I tried to finish the bread that I'm eating. Hindi magaling ang gumawa. How can they sell this? Mygosh. Parang medyo hilaw pa. "Mag-complain kaya ako?" I whispered but the store's too far from here. Nakakapagod maglakad.


"You can have mine." I glanced at the guy who spoke and got shocked to see Dashiell. He's handing me a cheese burger.

"Hi," natatawang bati niya. "Good morning."


"Oy sino 'yan pre?"

"Si Ms. Iris pala kausap kaya malaki ngiti sa mukha!"

"May something ba kayo? Parang meron e! HAHA"

"Nice Cap! Pumapagibig!"


"Mga sira ulo!" Parang batang tinulak ni Dash ang mga kaibigan niya kaya muntik na ang mga ito matumba. One of his friends pushed him back playfully, making him lose his balance. My eyes widened when he almost fell to me. Mabuti na lang ay agad siyang napahawak sa mga upuan.

Torn in Two (Elite Girls 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon