Chapter 42 - Patches

1.1K 67 25
                                    

CHAPTER 42

PATCHES


Iris' POV


"Sis?" Nagising ako nang marinig ko ang pagkatok ni Ate Irene sa kwarto ko. I yawned and glanced at the clock. Magtatanghali na pala. Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog sa sobrang pagod ko kahapon. I'm still even wearing my gown from yesterday's event.

Pagkauwi ko kasi mula sa bahay nila Dash ay nagkulong lang ako sa kwarto ko. I cried and continuously tried to call his number but to no avail.


"Hey. Good morning." Ate Irene opened the door and went to sit at the end of my bed. Umupo ako at chinarge ang lowbatt na phone ko. "Did I wake you up?"

Umiling ako at inayos ang magulong buhok ko. "What's up?" Hihikab-hikab na tanong ko.

"Pupunta ka ba sa hospital ngayon? Kumusta na raw ba ang papa ni Dash?"

I frowned at her. "Huh?"

"Wait, you didn't know?"

"Know what?"


Agad niyang pinakita sa akin ang news. I was shocked to learn that Tito was rushed to the hospital last night. Walang sinabing dahilan kung bakit pero nakahinga ako ng maluwag nang marinig kong maayos na ang kalagayan nito.

Nagmadali akong tumayo at chineck ang phone ko. But there's not a single text or call from Dash. Maski si Damian ay tahimik.

Kumusta kaya sila?



"Ano pang ginagawa mo dito? Your boyfriend needs you right now. You should be on his side." Walang kaalam alam si Ate sa lahat ng mga nangyayari kaya madali para sa kanyang sabihin iyon.


Kung hindi naman kami nagaway ni Dash, malamang kanina pa ako nandoon sa hospital.

But now, I'm not sure if it's the best thing for me to do. Ayokong makadagdag sa stress niya.

He pushed me away yesterday. Paano kung ulitin niya iyon mamaya?


"Hey, why are you spacing out? Are you okay?" worried na tanong ni Ate.

"Y-yeah. Maliligo lang ako, Ate. Pakisabi naman kila Manang, paghandaan ako ng almusal. Kakain muna ako bago ako umalis."

"Tama lang kumain ka at parang na ngangayayat ka nitong mga nakaraang araw. You're tiring yourself so much at work. Wag ganyan." Tumayo na siya at umalis ng kuwarto ko.


I hesitated at first. Ilang segundo rin akong nakatayo lang at nakatitig sa cellphone ko hanggang sa nilakasan ko na ang loob ko. I sent a text message to Dashiell and told him I'll be visiting his Dad today.

I waited for a few minutes but he didn't read it. Either he's asleep or he's still ignoring me.


*****


It was a mistake to eat at home. Mom's still here. Akala ko kasama siya ni Papa pero pagbaba ko ay nandoon siya sa dining room. She also woke up late. At dahil sa naabutan niya ako ay nagkaroon siya ng pagkakataong tanungin ako ng tanungin tungkol sa amin ni Dashiell.


"At bakit wala siya sa Opera House? I saw Damian's pictures. Anong meron at hindi ka niya sinamahan? And mygosh Iris, you barely smiled at your photos! You looked like a depressed teenager. Ayokong ganyan ang maging itsura mo sa susunod na event ni Senyor ha. I am one of his sponsors so I want you to look your best at all times. Ang baba na nga ng votes na nakukuha mo from the public, ayaw mo pang mag-effort para umangat. Why can't you be like Caylee? Aba, bali-balita na ang anak ni Cassandra ang susunod na mananalo. Kailan naman kaya ikaw? Why won't you take this seriously?"


Torn in Two (Elite Girls 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon