Chapter 25 - Feelings

1.4K 71 12
                                    

CHAPTER 25

FEELINGS


Iris' POV


"Oh. Use this," utos ni Caylee habang nagaayos siya dito sa loob ng CR ng school.

I raised an eyebrow and stared at the concealer she's trying to give me. Alam niyang hindi ko ugaling magsuot ng make-up dito sa campus. I usually just use powder and liptint.

"Hindi na, thank you na lang---"


"You need it. You look horrible. What's with the dark circles under your eyes? Nagpuyat ka?"

Shet.

Tinanggap ko na ang concealer bago ako tumingin sa salamin. She's right. I look like a mess.


"Nahirapan kasi ako makatulog..."

"Ulit? At bakit?"

Since Saturday, I couldn't get enough sleep. Palaging pumapasok sa isip ko ang mga sinabi ni Dashiell. What he said stayed in my mind up to this day.

To be honest, I wasn't expecting Dash to like me. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya pero simula nung umamin siya, na-realize kong may mga pagkakataong iba na rin ang pagtingin ko sa kanya.


"Maybe because of stress," bulong ko na lang habang naga-apply ng concealer sa eyebags ko.

"Uh same! I still can't believe Zin won the Elite game." Sumimangot si Caylee at nag-cross arms. "I mean, he barely did anything useful! Nagpakita lang ng abs, binoto na ng mga tao. How shallow of them." She's been ranting about this since yesterday over the video call.

"Bawi ka na lang next time. Sobrang lapit ng total votes niyong dalawa, sayang nga at hindi ka nanalo. Here, I'm done. How do I look?"

"Much better but you definitely need to get some good sleep na. Or if you want, you can join me on my beauty sesh this weekend. I have an appointment with my dermatologist."

"Okay, count me in."


Lumabas na kami ng CR at naglakad na habang nagkukwento siya tungkol sa nalalapit na social event.


Malapit na ako sa Engineering Department nang may mapansin ako.

"Is it just me or everyone's looking at you?" Halos lahat ng mga estudyanteng nakakasalubong namin ay nagbubulungan at tumitingin sa gawi namin.

"Not me but you," natatawang bulong ni Caylee.

"Huh? Bakit? Wala naman akong ginagawa ah."

"Have you forgotten what happened on Dashiell's birthday? Nung hinawakan niya ang kamay mo at hinila ka papasok ng bahay? People automatically speculated that you guys are dating. Iba kaya kayo magtinginan, nakakakilig!"


I bit my lower lip and looked down so that my hair could act as a curtain, hiding my face from all the judgmental eyes.


"Siya ba 'yon? 'Yung babae sa video?"

"Oo siya nga! Maganda naman pala."

"Girl, ang puti. Parang papel."

"No wonder captain likes her. She's a Goddess."

"Kay Charmaine pa rin ako noh! Mas maganda 'yon."

"True. That Iris girl is too shy. Ngayon ko nga lang narinig ang pangalan niyan."

Torn in Two (Elite Girls 2)Where stories live. Discover now