Chapter 47 - Unsettled

1K 58 37
                                    

Trigger warning: Sexual Violence.

Read at your own risk!


----------------------


CHAPTER 47

UNSETTLED


Damian's POV


The party was huge. Hindi ko inaakalang ganito kadami ang iimbitahan nila. My Dad was of course against it. As a very private person, he does not approve of allowing Dash to use our house for Iris and my brother's comeback event, but I managed to convince him. Ako na mismo ang nakiusap sa kanya dahil alam kong sa ganitong paraan ako makakabawi kay Dashiell.

Dad eventually agreed even though he doesn't like the fact that numerous strangers would be roaming at our home. So instead of dealing with it and getting pissed off, my parents both went to US last night. Napagdesisyonan nilang doon na muna sila mananatili para mas makapag-focus si Papa sa health niya at para makapagpahinga na rin mula sa mga stress sa kumpanya.


"Take care of our company while I'm gone," bilin niya sa akin.

"I will. Don't think about it, Pa. You need the time off. Enjoy the vacation."

"Talk to my business partners. Kunin mo ang loob nila. I've already arranged meetings---"

"Dad, alam ko na," tatawa-tawang sambit ko.


Ililipat na rin kasi sa akin ni Dad ang seventy percent ng shares niya, thirty percent will be Dashiell's.

His wife didn't like it. Syempre gusto niya malaki rin ang makuha ni Dash but she couldn't force my father to do that. Alam ko unfair iyon para sa kapatid ko pero mas panatag ako kung sa akin mapupunta ang pamamahala. I know to myself that I can handle the job. Kaya kong mapatakbo ang DLCDI pagka-graduate ko.


"I can't believe you're here, enjoying the party," tatawa-tawang asar ni Nigel habang pumipili siya ng alak na iinumin.

"I can't believe I'm here as well." Napailing na lang ako at tumingin sa paligid.


Hindi naman sa pagiging martyr pero gusto lang talagang ipakita sa kapatid kong determinado akong ayusin ang problema namin. If he sees me here, celebrating with them, he'd know that I've finally made up my mind, that I am sticking to my promise and that I'm true to my words. Hindi na ako manggugulo sa kanila ng girlfriend niya.


"So you're really moving on this time?" He asked, grabbing a bowl of chips from the table. Ngunguya nguya pa siya nang tingnan niya ako. "For real?"

"Wala naman akong choice. It's for the better."

Tinitigan niya ako bago siya tumango. "Sana nga, pre. Sana totoo na 'yan ngayon."

"What the f*ck does that even mean?"

Humalakhak siya. "You always change your mind, Damian. Ngayon determinado ka sa desisyon mo pero kapag may nagbago sa mga pangyayari, nagbabago rin ang isip mo kaagad."


Magsasalita pa sana ako ng biglang nagbago ang itsura niya. Nawala ang kakulitan sa mukha niya. I followed his eyes and almost burst out laughing when I saw his sister Naomi talking to some guy. Nagbubulungan pa sila dahil sa lakas ng music.

Torn in Two (Elite Girls 2)Where stories live. Discover now