Chapter Fifteen

23.3K 720 90
                                    

Chapter Fifteen

Three days. Three days nang walang paramdam sa akin ang devil's spawn a.k.a Tristan Vinielle Delevinge.

Sinilip ko muli ang cellphone ko hoping na baka nag text siya but wala. Even the boys don't know where he is.

When he dropped me off nung isang araw, mukhang ayos naman siya. Well, he was a bit off but hindi naman mukhang seryoso.

He bade me goodbye like the usual at nag patuloy rin ang buhay ko.

The next day I was expecting him to pick me up but si Rix ang bumungad sa akin, and then nalaman ko na absent siya nung first break. I shrug it off because nangyari na naman ito noon but then nagtuloy tuloy ang no show niya hanggang dumaan na ang tatlong araw.

Bigla ko na namang narinig ang pag ta-tap ng ballpen sa table. Ethan's at it again.

Mukhang nasasanay na siya sa paligid niya. Base iyon sa kwento niya sa akin. Yes, nag uusap kami tuwing lunch, minsan sa classroom but Logan will throw him a dirty look kaya napuputol ang usapan namin.

But besides that, Logan hasn't said a thing about Ethan. I'm not gonna conclude na oblivous ang black blade about kay Ethan. If it's my life then alam nila kung ano ang nangyayari. Ang nakakapag taka lang ay wala pa silang sinasabi tungkol dito, ni isang imik o banggit ng pangalan ni Ethan wala. And that makes me suspicious.

Back to the Vini subject.

Bago pumasok ang teacher namin for the last period, nilabas ko ang phone ko. I texted Vini asking him where he was, after a few minutes wala parin akong natanggap na reply so I returned my phone in my pocket then sighed in defeat.

"Wala ba talaga siyang sinabi sa inyo?" I asked Logan. He's writing something on his notebook.

"Wala" Was his casual answer. Ibinaba niya ang ballpen niya at tinignan ako. "Don't act like he's been gone for three weeks, it's only been three days. I'm sure he's still alive and kicking"

Iyan ang hirap kapag alam mo ang kalokohan sa buhay ng taong malapit sa'yo. I know him, the three days can be crucial. What if nasa hospital na siya? What if he got stabbed or masyadong nabugbog sa isang gang fight at walang may alam sa amin na nangyari iyon? Ayoko namang mahanap nalang ang kawatan niya kung saan.

Okay, I'm overthinking and overthinking is no good.

Pinag aalala ko lang sarili ko.

I'm just not used to him not being here. Feeling ko hindi kumpleto araw ko!

"If it makes you feel better then I'll drop you off at his house mamaya" Logan said.

"But you have basketball practice" Ngumuso ako.

"You always come first" He smiled at me. "Saka sandali lang naman iyon, I'm sure coach will let me off"

"You don't have to Logan, I'm sure Rix and Jace are willing to drive me there. Isa rin naman sa kanila ang mag uuwi sa akin."

Malapit na ang game nila, and I know it's serious kaya kailangan nila ng training. Ayoko namang maka sagabal pa.

The bell rang. Logan respected my choice kaya hindi na siya namilit pa. Inayos ko na ang gamit ko ang gave Logan my books.

"Bye Calliope, I'll talk to yah later!" Ethan said and brushed pass me.

Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak ni Logan sa kamay ko but wala siyang sinabi. Lumabas na kami at naka abang na roon ang kambal at si Rix.

Inilagay ko muna ang mga gamit ko sa locker bago sila harapin.

"Rix will drive you there." Logan said. He kissed my forehead. "I'll see you tomorrow baby, batukan mo si Master para sa akin okay?"

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now