Chapter C

16.8K 433 46
                                    

Chapter C

"I'm still waiting for the call kung naka pasa nga ako para sa publication..." Niyakap ko ang unan, mabigat na ang mata ko but I wanna stay up. After a long tiring day alam kong kailangan ko ng mahabang pahinga but this is the only time he's available. Sayang naman kung bitawan ko pa.

Humikab muna ako bago mapatuloy sa pag kwento. "Start na ng Audition ngayong friday, pinag iisipan ko kung tutuloy ba ako. Mukha kasing wala naman akong actress blood, baka mapahiya lang ako don"

Vini laughed. "You're a great liar, you can pull it off"

"I know, right?" I flipped my hair kaya tumawa siya ulit. "Pero seryoso, I can't wing it. Baka mag mukha talaga akong tanga don. Mas kaya pa ata ni Chloe yun eh. I didn't know na Theater actress siya nung High School. Is there anything that girl can't do?"

Ngumiwi ako nang maalala iyong mga ipinakitang videos ni Seth. Halos lahat ata ng performance ni Chloe ay meron siya.

"Pag hindi ako pumasa sa publication tsaka nalang siguro ang mag o-audition para sa Theater"

Sinubsob ko yung mukha ko sa unan. Last week ay nag take na ako ng exam para sumali sa pulication ng SAU. Kinaya ko naman iyon exam nila. I applied as a writer and photo journalist. Pwede naman daw kasing dalawa, tsaka sabi nila tatawag sila before mag acquiantance party dahil kailangan i-cover iyon. Magsisilbi ring debut ang event para sa new members. Hanggang ngayon wala pang tumatawag.

I know I did well, maayos naman ang mga nagawa kong article at ang napasa kong portfolio. Naisip ko tuloy na baka mali yung number na nailagay ko.

"Hala baka mali nga..."

"Anong mali?"

"Yung number na nailagay ko sa info sheet baka mali!"

"Hindi naman siguro, kabisado mo naman number mo kahit yung telephone number niyo dyan. Kahit ako kabisado ko na"

"Napaka stalker mo talaga" inirapan ko siya. Inaatake tuloy ako ng worst case scenario! Kasi naman eh! Bakot ba wala pang tumawag o kahit text man lang!

"Ugh. College is killing me!"

"Jace told me the same line when he called,"

"Speaking of Jace..."

My door slammed open and a voice sang, "Baby, I got fooddddd!!!"

Tamad kong nilingon si Jace na may dalang chinese take-out. Nag text siya kanina na pupunta raw siya dito to spend the night since wala siyang pasok bukas pero kami ni Logan meron. It's already quarter to 12, hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa isip nito ay dumayo pa talaga dito.

"Is it him?" tanong ni Vini at uminom ng kape. Pangalawang baso niya na ata iyan. He's doing some paper work kaya it's safe to say na busy siya ngayon. Ngayon lang ang oras na hindi siya ganon ka busy so he immediately called.

Kanina pa niya talaga gusto tumawag kaso may klase ako.

Tumango ako bago bumaling ulit kay Jace, who is now grinning at me like an idiot.

"Ever heard of knocking, Jace?"

"I have peace offering," itinaas niya ulit iyong dala niya. "And besides, it's not like you two are doing something inappropriate... or are you?" he wiggled his brow kaya inirapan ko siya.

"Shut up and gimme my food"

"Why are girls so demanding?" sumimangot siya bago lumapit sa'kin.

"Ewan ko sa'yo" inabot na niya sa'kin yung pagkain at umupo sa tabi ko bago kumaway sa camera.

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now