Chapter Twenty-two

19.5K 581 262
                                    

Chapter Twenty-two

   Nagtawanan ang dalawang bata dahil may isang batang lalaki na may dalang nurf gun ang nagpakita sa kanila at tumakbo rin patungong garden kaya't sumunod ang dalawa. Nanatili ako naka tayo at pinagmamasdan ang dalawa.

Hindi ko na pala kailangan mag act as cupid dahil siya na ang gumawa lahat. Damn. Devil's Spawn was fast.

Siguro tama nga si Ethan, both of them were past the 'getting to know each other' stage because they're long time friends. I know Vini has an outside social life, iba yun sa amin, iba kaming lima. Parang kami iyong mga kaibigan sa Cavite, habang may mga kaibigan rin siya dito sa Manila.

Siguro ay parte 'non si Chloe. But he never mentioned her, not even once.

And here I am claiming that I've already cracked him.

Looks like he still has a few tricks up his sleeve, ang mga tricks na hindi ko alam at wala akong ideya.

There is still a part of him na hindi ko alam, na hindi ko kabisado.

"Uh, why didn't anyone tell me our barbeque tonight requires a plus one?" tanong ng isang di familiar na boses, cutting off my gaze.

Inangat ko naman ang tingin ko sa hagdan kung saan ito nanggaling.

A guy, who freakishly looks like Ethan but more older, was standing there with his eyebrow raised. And he's damn shirtless. Exposed lahat ng muscles niya habang hawak naman niya sa kaliwang kamay ang t-shirt.

Naka tingin siya sa akin, unti unti namang sumilay ang ngiti sa labi niya kaya napaiwas ako ng tingin sa hiya.

Napa ayos ng tayo si Ethan at tinignan rin ang lalaki.

"Because your Harem isn't welcome here" a new voice retorded.

Ryla walks out of a room, na mukhang kitchen nila dahil may dala siyang mga plato, katulad ni Ethan ay naka uniform rin. Diretso siya sa paglalakad, inirapan muna niya ang lalaking nasa hagdan bago ituon ang tingin sa akin.

"Hi Cara" may pagka pormal pa ang boses niya, sa bilis ng pag bati niya ay ganon rin ang bilis ng paglabas niya.

"A harem, Quin? Seriously?"

Ang tawa ni Ethan ang nakapagbalik ng atensyon ko sa lalaking nasa hagdan.

"Quinton Joshua Dela Cruz" pakilala niya sa akin sabay ngisi, isinuot na rin siya ang kanyang shirt. Thank god.

Ang awkward kapag shirtless ang kausap o kahit kaharap kahit na wala kang gusto.

"You must be Cara," sambit niya at bumaba ng hagdan. "What's your real name again? Diba mahirap i-pronounce yun?"

"It's Calliope, but it's pronounced as as Cal-lee-yop not Cal-lio-pe" sagot ni Ethan sa kanya, he looks proud of himself dahil na explain niya ng maayos kay Quinton ang pangalan ko.

"Cool" Quinton smirked, shoving both of his hands in his pocket.

I'm suprised na pinagusapan nila ako. Ryla knows me, hindi ko alam kung through Ethan ba o Logan, but she knows me, she's civil despite the mataray aura.

"Kagigising mo lang?" tanong ni Ethan kay Quinton, hinapit niya braso niya sa bewang ko at tumungo na kami palabas.

"Jetlag" Quinton replied bago pasadaha ng tingin ang buong area. "Tayu tayo palang?"

Ginawa ko rin 'yon. Malaki ang garden nila at may pool pa, parang normal thing sa isang mansion. May dalawang long table at naka set up sa tabi nito ang isang malaking grill, may lalaki na nag iihaw duon kaya medyo mausok. Nakita ko namang nag s-set ng table si Ryla, naglalagay siya ng plato kasama ang isang babae. Ang mga bata naman ay naglalaro sa pool side habang naka bantay ang mga yaya nila sa tabi.

The Gang's Prized PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon