Chapter G

15.9K 476 44
                                    

Chapter G

Naging mababait na little dwarves ang boys sa pag tulong sa'kin sa pag bukas ng gifts. Plano talaga nila mag basketball court kaso tinawagan ako ni Mom at sinabihang umuwi muna dahil hindi pa nila nakikita ni anino ko nang maka tapak kami sa Cavite. Nasa HQ kasi kami buong umaga. Inaya rin niya mag merienda ang boys sa bahay bilang suhol. Gusto kasi talaga nilang mag basketball dahil napag usapan ang magiging laban ng SAU vs. DMU ngayong season. They're mortal enemies sa kahit anong sport pero wala namang tension pag nasa labas na ng Uni.

Pagkatapos naming mag merienda, sinabihan ako ni Daddy na buksan ko na ang mga regalo ko. Ang mga natanggap kong pera ay naka lagay na daw sa account ko, nung sinabi niya 'yon tsaka ko lang natandaan na may natanggap pala akong money. I'll save it for now dahil wala naman akong naisip na bilhin, kung meron man then for sure niregalo na sa'kin yon.

Naka urong ang mga furniture sa isang tabi, lahat kami ay nakasalampak sa carpet kasama ang mala bundok na gifts galing sa debut ko.

Inabot ko ang isang box na kulay pink, halos lahat nga pink. Hindi ko naman favorite ang pink! Pag babae talaga nag a-assume na sila na pink ang color na gusto! Red is actually the color of women habang pink ang men! Sabi iyon sa Sociology class ko!

Namula agad ang pisngi ko nang mabuksan ko ang regalo. Binato ko naman ang takip ng box na iyon kay Rix dahil sa kanya galing. "Pakyu ka ulol"

"Calliope Rain! That's unladylike!" Jace faked gasped with matching hawak sa chest pa.

Si Rix naman ay halos gumulong na sa carpet kakatawa. Logan and Josh stared at us in confusion. Si Vini naman ay naka higa sa hita ko kaya nga limitado lang ang galaw ko. Nang makita ko kasi ang laman ng regalo ng walang hiya kong pinsan, gusto ko na siyang sugurin at sunugin don sa garden kaso hindi nga ako maka galaw ng maayos dahil may inaatok na demonyo na naka higa dito sa hita ko. Kasi e, ang aga gumising. 'Yan tuloy.

"Anmeron?" asked Josh.

Rix was still laughing habang naka higa na sa carpet, naka taas na nga ang shirt nya.

"I think we should distance ourselves from her," iling ni Logan. "Nakukuha na niya ang mga sinasabi natin. It's not good"

Minulat naman ni Vini ang mata niya at tinignan ako. Ang pula parin ng cheeks ko! Para na akong tomato. Jeez. Curse you Rixon Santos for putting me in this situation!

"Oh wow! Victoria's Secret!" Jace whistled nang makita niya kung ano ang nasa loob ng box.

Yes, my devil of a cousin bought lingerie.

"Seriously, Rixon?" Vini's forehead creased.

Rix's laugh subsided. Tinignan naman niya kami. "Bakit ba? Niregaluhan ko nga siya ng panty nung pasko ah! Nag level up lang ngayon! And she's my cousin, wala naman mali don. Wag lagyan ng malisya mga dude"

"Ewan ko sa'yo! Lamunin ka sana ng semento!"

"Love kita baby," was his reply. "Marami pa 'kong gift. Malas mo lang kasi yan yung una mong nabuksan"

It's true. Ngayon palang nakikita ko na ang mga regalo na galing sa kanila. Tinotoo nga nilang hindi lang iisa ang regalo nila sa'kin.

"Dapat nga sa La Perla ako bibili kaso sabi ni Chloe mas maganda daw pag VS. Swak na swak yung pag pasok ko don! Puta ang ganda ni Candice!"

"Saksakan niyo nga wrapper 'yan sa bibig" Utos ni Vini at dinuro pa si Rix.

"I prefer Behati kaso taken na" dagdag ni Jace.

"Meg!" I called my little sister na nasa kitchen lang.

"What?"

"Packing tape nga!"

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now