Chapter Twenty-five

17.3K 562 87
                                    

Chapter Twenty-five

"Perfect fit!"

Pumalakpak si Mards nang umikot ako sa kanyang harapan. Suot ko ngayon ang isang long lavander colored gown, na fit sa bandang bewang ko at umaalon naman pababa. Masyadong mahaba kaya kailangan ko na ng alalay para maglakad at kailangan pa nilang ayusin ang pagkakalatag nung gown bago ako kuhanan.

"Nako, tamang tama talaga ang desisyon mong pumayag dito. Naka tadhana kayo ng gown na 'yan" tawa ni Mards at inayos ng kaunti ang buhok ko.

"Nagsisimula na ba sila?"

"Ay oo girl, kanina pa. Ang alam ko nay shoot rin ang girls kasama ang boys pero di ko alam kung sino sa kanila ang makakasama, dalawa lang ata. Tapos pagpipilian pa kayong dalawa."

Dalawa kaming babae sa shoot ngayon. Ako at si Ean, ang best friend ni Chloe na aspiring model. Half Indian si Ean na laking Pinas at may pamatay na body. Grabe. Halos hindi ko matanggal ang mata ko sa kanya kanina nang naglalakad siya sa dressing room ng naka bra at boy shorts. Sabi ni Chloe ay toned dow dahil sa pagsasayaw. Kanina ay kasama ko si Chloe but umalis rin dahil nagsimula na nga ang shoot.

She was so delighted nang pumayag ako. Ethan too, he said it'll make suffer kapag kasama niya ako. I just shrugged it off.

Lumabas naman si Ean, wearing a bright yellow gown na bumagay sa kulay niya. Ito ang susuotin namin for the main shoot at meron pang iba para sa catalog. Nagpaalam naman ako kay Mom at Dad dito, they said it was fine kung kasama ko naman ang boys and Mom was familiar with C.D Royals.

"Ay Ean, ang taray! Ikot ka nga!" pumalakpak muli si Mards nang umikot si Ean na may malaking ngiti.

Napailing ako. Halos kanina ay hindi siya magkandugaga sa pag impit na tili nang makita niya akong papasok ng studio kasama ang Black Blade. Doon ko napagtanto na siya iyong babae sa concert nila Seth. The fangirl with a friend.

It took Chloe a few minutes to calm her down dahil hindi pala nito alam na kami ang makakasama nito sa shoot.

Chloe wanted her clothes to be modeled by the people she knew, kaya nga pati si Sanz ay narito. Kaya may pitong lalaki at kaminh dalawang babae. Pagkababa ko palang ay hair and make up na ang sinabak ko.

Pero pinakilala muna kami sa photographers bago iyon. Tatlong lalaking photographer na kaibigan ni Chloe.

Ilang minuto pa ay pinatawag na kami.

Nang bumukas ang pinto ay nakita ko agad si Logan na nag aayos ng colar ng kanyang suit. Namataan niya akong palabas kaya ngumiti siya.

"You look like a princess" he said once I was close enough. Si Mards naman ay naka alalay sa likuran ko.

Nakipag usap muna si Ean sa babaeng nakilala ko kanina, si Anieza, isang artist at kaibigan ni Chloe at boyfriend niya rin ang isa sa photographers.

"Sandali! Smile baby!" minuwestra ni Rix ang iPhone niya sa harapan ko kaya napilitan akong ngumiti.

"Ganda ganda talaga ng pinsan ko!"

I rolled my eyes at him. Kinawayan ko naman si Ethan sa kabilang dako ng studio kasama si Sanz. The twins were eating ice cream, I don't know kung allowed na silang kumain pero mukhang wala namang paki si Chloe dahil busy siya sa pakikipag usap sa isang photographer atpag tingin ng mga pictures kanina. Lumapit ako doon at nakitang ang mga pictures na pala ni Vini ang tinitignan nila.

"Ang ganda ng anggulo ng panga niya 'no?" ngiti niya sakin. Puro fierce ang expressions nila at kung siguro nasa side line na naman ako sa shoot na ito ay tinatawanan ko sila sa gilid. I had to admit, my boys looked like professionals. Tamang tama ang bawat anggulo nila sa camera. Oh and Ethan worked the peace suit. Bumagay sa kanya. May picture siyang kasama si Logan na suot iyon habag kay Logan naman ay Red. I think tig da-dalawang suit ata sila for this shoot.

"Where's Vini?" tanong nang mapansin kong wala siya sa paligid.

"Lumabas. May kausap sa phone" sagot ni Josh sa akin na ngayon ay binalingan ni Chloe.

"Wag mong dudumihan iyan suit!" sita niya dito.

"Opo Ma'am" Josh just gave her a mock salute and continued eating his ice cream. Ngimisi lang si Jace.

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now