Chapter Sixteen

22.2K 644 42
                                    

Chapter Sixteen

"Tingin mo magkano makukuha natin pag binenta natin 'to?"

"Gago gusto mo bang mamatay? Si baby ang papatay sa'yo at hindi si Master tanga!"

"Kung ganon edi pwede niyang patayin nalang ako sa sarap?"

"Tangina naman pre. Walang ganyanan! Pinsan ko yan!"

     My eyes flew open 'cause of the fucking voices. Lalo pang nanlaki ang mata ko nang lahat sila naka tingin sa amin. Naka angat ang cellphone ni Jace, naka simangot si Rix at ang sama ng tingin kay Jace, si Logan naka upo sa isang stool sa dulo ng kama, at si Josh naman nasa paanan ko.

I bet the last voice came from Rix.

"Ibenta ang ano Jace Parker?" My voice was husky at inirapan ko si Jace. Naka angat pa rin ang phone niya.

"Wala po hehe" Nginitian niya ako at ibinaba ang kanyang phone. Humalaklak naman si Josh.

"Tiklop ka pala e, gago ka kasi" Tawa ni Josh sa kanya.

Sinenyasan ko sila na tumahimik dahil tulog pa si Vini. I carefully take his arm of na naka yakap sa akin. Ginawa niya talaga akong unan. Tinali ko ang buhok ko at dahan dahang tumayo.

"Labas!" I hiss at them at tinuro ang pinto.

Bumalik ako sa higaan at hinipo ang noo ni Vini.

I frowned. Ang tagal na ng lagnat niya, mainit parin siya hanggang ngayon. Mamaya ko pa siya gigisingin, 10 pa ang medicine time niya and it's only 7 am. Hindi ko alam kung anong trip nong apat kung bakit ang aga aga nilang mang sira ng araw.

Nag hilamos muna ako bago lumabas, naabutan ko silang naka tambay sa living room.

"Manang, may breakfast na po?" Tanong ko nang makita ko si Manang.

"Meron na po Ma'am"

"Pahanda na po, saka yung kay Vini rin po. Salamat"

Hinarap ko naman ang apat. Ngayon ko lang napansin na naka sweatpants lang sila. Naka hoodie naman si Logan at Jace at pawis na pawis, nag jogging ata. Si Jace at Rix naman naka simpleng t-shirt lang.

Hindi pa sila lahat naliligo.

I raise a brow at them. "So? What are you guys doing here?"

"Makiki breakfast" Sabay sabay nilang sagot.

"Baby kasi, minsan lang magka sakit si Master at tuwing nagkakasakit siya ayaw niya dito sa bahay nila. Diba gusto niya sa bahay nila don sa Forbes?" Ani Josh at umiling pa.

"Saka sinusulit na namin ang mga huling araw na kasama namin siya" Jace said amused.

"Hindi pa ko mamamatay gago"

Nilingon ko si Vini na nasa taas ng hagdan. He's looking down at us. Bumaba rin siya, naka simangot parin.

He kissed my forehead. "You were gone" He whispered.

"Because of these four" Natatawa kong sabi.

"Makiki kain lang naman kami" Jace said.

"Mahirap lang kami! Wala akong ipapakain sa inyo! Magsilayas kayo! Chupi! Shoo! Labas!" Vini made a dismissing manner to the four at dumiretso sa dining room. I laughed and made a peace sign at them. They know how he is tuwing my sakit siya, kung hindi isip bata, seryoso naman. Feeling ko talaga iba ng epekto ng mga gamot sa kanya.

Naka hain na ang lahat nang pumasok kami. Tumabi ako sa kanya, at si Rix naman ang umupo sa gawing kanan ko.

"May practice game kami sa lunes, baby. Kailangan namin ng suporta" Josh smiled at me. Hindi naman niya kailangan pang sabihon iyon dahil pupunta naman talaga ako.

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now