Chapter Eleven

30.5K 700 65
                                    

Chapter Eleven

"Bantayan niyo si Megan,"

"Siguraduhin mo na alam niyo ang pupuntahan niyo,"

"Just bring Leandre with you para mas sigurado,"

I rolled my eyes at that. "He has a job Mom"

"Don't worry Tita I'll take care of them" Wika ni Vini at hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya. Hinampas ko naman ang kamay niya ngunit lalo pang humigpit ang kapit niya. Pinisil pa niya ang hips ko making me shoot daggers at him.

"Mom, don't tell me hihintayin mo pang makasakay kami?" Bored na sabi ni Megan at tinaasan siya ng kilay.

"O sya. Mag iingat kayo" Muli niya kaming niyakap at tinapik niya ang balikat ni Vini.

"Banatayan mo ang dalawang prinsesa ko ha? Lagot ka sa akin kapag may nangyari sa kanila"

 "Yes Ma'am" He gave her a mock salute kaya natawa si Mama.

Umalis na rin si Mom. Sinalpak ko muli ang earphones ko at pagkatapos ng isang oras ay tinawag na ang flight namin.

Katabi ko si Megan at katabi naman ni Vini ang isang bodyguard na kasama namin. Nagdala lang ako ng libro at nakasalpak ang aking earphones, si Megan naman ay tulog sa tabi ko kaya tahimik ang buong flight namin. Thirteen hours ang flight kaya sa oras na iyon nilibang ko lang ang sarili ko.

Alas siyete na nang makarating kami sa Charles de Gaulle Airport. Agad na tinext ni Vini si Lee para sunduin kami, naka palupot ang braso ng bagong gising na si Megan sa bewang niya at kumukurap kurap. Pinalupot niya rin ang isang braso niya nang muling pumikit ang kapatid ko.

Huminga ako ng malalim breathing in the Paris air. Napangiti ako sa busy'ng tunog ng airport. What I'd give to live here.

Paris, France. Definitely a trip to remember.

"Pahinga na tayo at bukas na maglibot," Sabi ni Vini.

Tumango ako at pumasok na sa kararting lang na sasakyan.

Inaasahan ko na si Lee ang bubungad sa akin ngunit walang tao sa loob. Inilagay na ang gamit namin sa likod. Humilata agad si Megan at ipinatong ang hita niya sa amin. Hindi talaga sanay 'to sa mga mahabang biyahe pero siya ang pumilit sa Paris trip na 'to.

"Kuya I wanna puke" Ungol niya habang naka yakap ang kanyang braso sa kanyang tyan.

"Puke on the Hotel floor Meg" Natatawang sagot ni Vini sa kanya. Hinampas ko naman ang braso niya. He looks at me with a 'What' look.

"Don't teach my sister stupid things"

Nginisian niya lang ako at hindi na sumagot.

  Namangha ako sa pagkakagawa ng Delevinge Hotel dito. Dalawang taon palang ang nakakalipas nang magsimula ito dito sa Paris at halos inabot rin ng limang taon ang paggawa. Madalas na ring lumilipad papuntang Paris noon si Lee para i-check ang paggawa dito kaya siya nalang ang inatasan ni Tito na mag manage ng Hotel, kasama niya dito ang kapatid ni Bommie na si Lance at isa rin sa manager ng Hotel.

Sabay silang dalawa umuwi para i-close ang deal at sabay rin silang bumalik.

Doon natulog si Josh sa bahay nila Vini noong gabi ng Ball. Syempre he wants to hang out with Lee at hindi rin siya nakasama nang mag bar hopping sila. Wala namang date si Josh 'non, he said he was too lazy to find one. Kung tutuosin ang mga babae na mismo ang lumalapit sa kanya noong 'Hunting' season ng boys. I don't really know what's wrong with him. Feeling niya ata lahat ng babae ay may disease pero minsan naman napaka playful niya.

The Gang's Prized PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon