Chapter Eight

27.6K 754 64
                                    

Chapter Eight

    Kinabukasan ay si Jace ang sumundo sa akin para sa game nila Logan. Tahimik ang biyahe namin. Himala ay tahimik ang isang ito ngayon.

  Maingay ang buong gymnasium, nasa labas palang ako ay rinig ko na ang tugtog ng drums. Pumayag lang naman akong sumama dito para suportahan si Logan, pass raw muna si Josh dahil sa masyadong hands on siya sa company nila kaya hindi siya nakapag practice, ayaw niyang sumabak sa game nang wala man lang ensayo. Sa totoo ay tutol pa ako sa masyadong pagiging seryoso ng kambal sa pag ma-manage ng company nila, I mean we're only 17. Dapat ay sulitin namin ang pag eenjoy sa buhay. Ewan ko ba sa utak nong dalawang 'yon, saka palang naman nila tuluyang mahahawakan ang company pag natapos na sila sa college.

  Nakipagsiksikan kami sa bleachers, hawak ni Jace ang kamay ko at nagpatianod ako sa hila niya. Hindi ko alam kung nandito ba sila o kaming dalawa lang ni Jace. Tumigil kami sa gitna, halos takpan ko na ang tenga ko sa lakas ng sigawan. Sana'y naging cheerleader nalang silang lahat kung ganon lang sila makapag cheer. Napa irap ako sa kawalan, why am I so annoyed with people today? Hindi talaga maganda ang timpla ng mood ko ngayon. Mula pag gising palang ay mainit na ang ulo ko, gisingin ba naman ako ng napaka aga para dito sa game. Puyat ako kagabi, ayaw pang mag paawat ni Ethan kaya nahumaling akong kausap siya. Gumaan naman ang mood ko kahit papaano.

Inayos ko ang hoodie ni Logan na suot ko ngayon, to show some support of course. May number pa niya ito sa likod.

Biglang lumitaw sa tabi ko si Josh na suot ang hoodie niya na kulay navy blue na official color ng Bridgeway High. Binigyan niya ako ng matipid na ngiti at pumalakpak nang lumabas na ang mga player. Nakisabay na rin ako "GO LOGAN!!"

Puno ng ingay ang buong gymnasium kaya nagulat ako nang humarap sa in si Logan at biglang kumaway. Naghiyawan naman ang mga babaeng nag che-cheer sa banda namin.

Natawa naman ang kambal ay nag high five sa harap ko. Sunod sunod pa ang hiyaw nila ng panlalait. Umangat nalang sa ere ang middle finger ni Logan bilang sagot.

"16 Akin ka nalang!!" Pang asar na sigaw ni Josh nang mag simula nang game, he's shouting Logan's number.

  Nakiki-cheer lang ako. Minsan ay dumadayo ang mata ko sa grupo nila Natasha na naka cheerleading uniform. Panay rin ang cheer nila, hindi na nga sila sumasayaw. Sigaw at palakpak nalang nang umiinit na ang laro.

Tumalon ako nang maka shoot ng three points si Logan. Pawis na pawis na siya at mukhang pagod, pumikit siya ng mariin nang magkaroon ng time out.

Nang nagpatuloy ang laro ay namataan ko sa Rix na nasa pintuan ng gym, nakahalukipkip at nanonood rin. Kumunot ang noo niya ng magtama ang mata namin, nasa bandang taas kami kaya mabilis niya kaming nakita. Bago pa man ako makababa para puntahan siya ay agad na siyang tumalikod at nag lakad palayo.

"Hayaan mo na. Mainit ulo 'non" Ani Josh na nakatingin rin sa direksyon na kinatatayuan ni Rix kanina.

"Bakit? Anong meron?"

  Hindi niya ako sinagot at nanuod na ulit ng laro.

  Panalo ang Team ng Bridgeway High. Hindi naman masyadong big deal ang larong ito. Pagkatapos ng sem break pa naman magsisimula ang High School sports fest, regionals rin 'yon para sa mga dancers. Sigurado ako ay ipu-push na naman ni Logan ang katawan niya sa darating na sports fest. Ganon naman siya palagi, kahit na nagsisimula palang siya sa team noong freshman kami. Deserve niya ang pagiging captain ng basketball team, nag give way na si Josh para sa kanya dahil alam ni Josh na hindi naman siya ganon ka seryoso pag dating sa basketball tulad ni Logan.

Nakipag high five ang kambal sa kanya nang bumaba kami para i-congratulate sila. Nilahad niya ang kamay niya para yakapin ako ngunit umaatras lang ako habang tumatawa. Ayoko nga, pawis na pawis siya eh.

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now