Chapter Twenty-six

20.5K 820 296
                                    

Chapter Twenty-six

"Food!"

Kanina pa nag c-chant ng 'Food' ang apat habang ako ay tahimik lang. Chloe's words were floating in my head.

She didn't confirm it, she didn't have to.

I just felt really stupid and harsh sa sarili ko dahil doon ko lang napagtanto. Even if I refuse to believe it, I saw that different glim in his eyes habang pinagmamasadan niya ako.

Maybe all these years I just kept fooling myself na wala talagang meaning ang lahat ng ginagawa niya. All these years tinatak ko lang sa isip ko na hindi pwede. Ako lang yung pinapaniwala ang sarili ko.

Maybe I didn't want it to happen dahil ayaw kong may magbago sa amin.

I don't want to hurt him dahil hindi ko maibabalik ang nararamdaman niya. I refuse to hurt Vini.

Dahil pag nasaktan siya masasaktan rin ako.

Napili nila ang isang nearby resto na hindi matao. I was fine with it. Umiwas muna ako, hindi ko pa kayang maglapit kami. Napaggitnaan ako ni Rix at Logan, napansin kong nangunot ang noo niya.

Mas lalo akong nagiging attentive sa mga reactions niya ngayon.

Gusto kong batukan yung sarili ko dahil sa pagiging manhid. Pinaniwala ko lang talaga ang sarili ko na walang meaning iyong mga ginagawa niya para sa akin. Doon niya kasi ako sinanay. He was there to answer to my ever bidding. He spoiled me rotten.

Sigurado naman akong hindi lang recent iyong nararamdaman niya. Chloe metioned that it was years. Years!

It's been years...but throughout those years kitang kita ko kung paano niya paglaruan ang mga babae.

Maybe I'm just on pedestal?

"Mukhang malalim ang iniisip natin ah," puna ni Jace. Inirapan ko naman siya.

"I asked Chloe kung pwede nya kong bigyan ng copy nung picture natin. Ipapa-frame ko sana. Bagay yon sa HQ" sabi ni Josh.

"Oo nga no!" excited na sambit ni Rix at nag high five pa ang dalawa.

"Dapat mag schedule tayo ha? Kahit isang gabing bonding time lang." Ngumiti si Logan kaya napa ngiti rin ako.

"We're going to face hell. Ngayon palang pinapa asikaso na ko ng College admission requirements ni Mom." Rix groaned.

"Hindi ka nag iisa." Tumawa ako. Last week ay inutusan ako ni Mom na asikasuhin ang admission requirment ko at choices ng Universities. Iniisip ko na sa Manila ako mag aral, wala pa namang definite choices ngayon.

"May nag offer na pala sa'kin"

Pumalakpak ako sa sinabi ni Logan. Isa lang ang ibig sabihin non! Mas magiging comfortable ako pag sa Manila mag aral dahil naroon na si Logan.

"Saang school?" tanong ni Jace.

"San Antonio."

Bumaling sa akin si Rix. "Diba first choice mo rin yun, baby? Doon ka nalang! Para magkasama kayo ni Logan"

"Baka after grad ko na ayusin yung requirements ko para don." Tumango ako. Sa ngayon ay dalawa lang ang choices ko at mukhang sigurado na sila sa descisions nila.

"Dela Merced kami." Sabay na sabi ng kambal.

"Malapit lang sa San Antonio, alam niyo na ha?" humalakhak si Jace at ngumisi si Josh. Nag high five pa nga ang dalawa.

"Wala pa kong future!" umiling si Rix kaya tumawa ako.

"Ikaw, Master?" biglang tanong ni Logan kay Vini. Kumabog naman bigla ang puso ko. Iba na talaga ang perspective ni heart pag dating sa kanya.

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now