Chapter Six

24.3K 692 53
                                    

Chapter Six

   Nakarating kami sa Rest house nila Vini na tirik na ang araw. Nag stop pa kasi ang mga 'to sa The District at kung anu-ano ang binili.

"Akala ko ba sa Hotel nyo?" Tanong ko kay Vini nang lumabas kami ng sasakyan.

"Change of plans" Sagot ni Logan at ngumisi.

Umihip ang sariwang hanging ng Tagaytay at napangiti ako. I love this place so much.

Ipinasok na nila ang lahat ng gamit at nagpasyahan nilang mag kita sa pool pagkatapos mag ayos. Dumiretso ako sa kwarto kung saan palagi ako natutulog tuwing pumupunta ako rito ngunit nasa hallway palang ako ay pinigil na ako ni Vini.

"What?" Naka kapit ang kamay nga sa kaliwang braso ko.

"Doon ka sa tabi ng kwarto kasama si Rix, sila Natasha ang dyan"

Ngumuso ako "But I always sleep there"

"Not this time"

Inirapan ko sya "Fine. Whatever"

Pumunta ako sa kwarto na tinutukoy nya at naabutan na doon si Rix.

"O 'bat nandito ka?" Sinulyapan nya ako sa gitna ng paghahalungkat nya sa kanyang bag.

"Tss" Ang tanging nasabi ko nalang tumalon sa kama.

Narinig ko syang tumawa at hinila ang paa ko "What's with you?"

"Bakit ba kasi kailangan may isama pa kayo?" Bagot kong tanong.

"Akala ko ba okay ka lang kayla Mackie, you were always cool with Logan's Team mates"

Inangat ko ang ulo ko "I'm not cool with the girls" Pag ungol ko at ibinaon ang aking ulo sa unan.

"What's wrong with 'em? Afraid that they'll take all of our attention na dapat ay sayo lang?" Aniya

"You just made me a sound an attention seeker. This is Tagaytay, I want to enjoy myself "

"You are going to enjoy yourself" Umupo sya sa tabi ko.

"Not with Natasha here" Ngumiwi ako "I mean who invited her anyway?"

"Si Master" Sagot nya at ngumisi.

Of course he did. Ano ba ang pinaplano no'ng mokong na 'yon?

  "You fucktard. What are you planning?" Bulong ko kay Vini nang tumabi ako sa kanya, lahat kami ay na andito sa pool. Ang mga lalaki ay naka topless at sila Natasha naman ay naka bikini, lantad na lantad ang kanilang katawan. They have the rights to flaunt, hindi na ako magsisinungaling, Magaganda ang katawan nila dahil si Lana at Natasha ay kasama sa cheerleading team habang yung isang babae naman ay kilala ko ma kasama sa Modern Dance group ng school namin at kasama rin sa Journalism team, hindi ko parin alam ang pangalan nya hanggang ngayon.

"Ikaw ang may gusto nito diba? Ginagawa ko lang kung ano ang gusto mo" Sagot nya at inilapit ang kanyang labi sa aling tainga.

Amg mata ko ay naka pokus sa aking harapan samantalang ang atensyon ko ay nasa kanya nang buong buo.

Humalukipkip ako at ngumisi "Masyado mong sineseryoso ang mga sinasabi ko"

Nagkibit balikat sya "Alam mo namang wala akong magawa sa buhay, so I thought this will be fun"

Humalakhak ako at tinapik ang kanyang balikat "If you two do it tonight, keep your voices low. Nasa kabilang kwarto lang ako"

Iniwan ko na sya roon at narinig ko pa ang pag tawa nya bago umupo sa lounge chair.

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now