Prologue

52.9K 1.2K 50
                                    

Prologue

   "Cara!" Sigaw ng isang pamilyar na boses galing sa likod ko.

Hingal na hingal si Bommie na nakatuon ang dalawang kamay sa tuhod habang nakatingin sakin. Tinaasan ko sya ng kilay at sinarado ang binabasa kong libro.

Tumuro sya sa direksyon ng Science Building "Yung Ano..." Hindi pa nya ma kompleto ang sinabi dahil naghahabol parin sya ng hininga.

Ano kayang tinakbo nito dito? Alam naman nyang peace time ko to at ayaw ko ng mambubulabog sa katahimikan ko.

"Ano?" Tamad kong tanong at tinaasan ulit sya ng kilay.

"Yung Black Blade nakikipag away na naman!" Mabilis nyang sigaw.

Na naman? Langya. Tatlong buwan palang pagkatapos mag simula ng klase ilang away na ang nasimulan nila!

Inis kong kinuha ang bag ko at tumayo, Lunch time at may mga araw na mas gusto kong mapag isa para mag basa ng libro at isa ito sa mga araw na yon pero hindi ko ata makakamit ang katahimikan dahil gagampanan ko na naman ang matagal ko ng trabaho. Ang maging dakilang referee sa away ng limang tukmol kong mga kaibigan.

Dinala ako ni Bommie sa 'War Zone' at agad kong nakita ang Black Blade doon na nakikipag rambulan sa mga lalaki. Binilang ko muna sila bago pumagitna.
Isa...dalawa...tatlo...apat...teka nasan yung isa?

Hinanap ko muna ang kulang at ayun! Tumatawa doon sa gilid habang pinapanood makipag away ang mga ka grupo nya. Babatukan ko to mamaya.

May mga estudyante nang nakita ako at hindi sila nag dalawang isip na bigyan ako ng daan.

Pumagitna ako sa rambulan at agad naman silang tumigil. Hindi ko na kailangan mag salita dahil alam na naman nilang lahat kung ano ang ginagawa ko.

Bumitaw kagad si Rix nang makita ako tumayo ng maayos, si Jace at Logan ay ganun din pero si Vini hindi. Patuloy nyang pinapaulanan ng suntok ang lalaking hawak nya.

"Vini tama na" Mahinahon kong sabi.

Bumuntong hininga sya bago sinuntok pa ng isang beses ang lalaki.

Bumitaw na sya at hinarap ako. Tumabi na si Jace,Rix at Logan sa kanya. Naririnig ko parin ang walahiyang tawa ni Josh.

Nauna akong maglakad palayo at sumunod na sila. Tahimik naming tinahak ang hallway na punong-puno ng mga naiintrigang estudyante.

Dumaan ako sa locker para kuhanin ang first aid kit kong nakatira na doon at dinala sila sa lugar kung saan ako.nakatambay kanina.

Sabay sabay silang umupo sa ilalim ng puno na pwesto ko kanina at lahat ay naka iwas ng tingin sakin.

Galit ako at alam nila yon.

Bumuntong hininga ako bago magsalita.
"Ano na naman ba to ha?"

"Sorry Cara" Si Rix ang unang nagsalita. Na sinundan naman ng 'Sorry' ni Logan at ng Kambal pero ang isang 'Sorry' na hinihintay ko ay hindi ko narinig.

Nakatingin sya sa malayo at nakakuyom ang panga. Putok ang labi nya at may pasa sa pisngi. Hindi nya napuruhan ngayon. He has days more worst than this at ayoko nang balikan ang mga panahong yon.

Umiling nalang ako "Sinong nagsimula?"

Walang sumagot, lahat sila ay nakaiwas sa tingin ko.

Kung titignan ng iba, para akong nanay na nagagalit sa mga anak nya. Naka sermon mode ako ngayon pero ayoko talagang pagalitan sila. Dapat ay masanay na ako, pero kaibigan parin naman nila ako kahit papaano. Ayaw kong nasasaktan sila.

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now