Chapter Three

28.9K 848 39
                                    

Chapter Three

The ride home was silent.

We dropped off a very drunk Seth sa Delevigne Tower kung saan sya tumutuloy ngayon. Inalalayan sya ni Drake at Logan papasok, naghintay nalang ako sa loob ng sasakyan ni Logan kasama ang kambal.

Lumipat ako dito para iwasan si Vini. Wala naman kumwestyon sa paglipat ko, except for Logan's scruitinizing eyes but he never said anything.

Ibinaba nila ako sa tapat ng bahay at lumabas na ako agad nang walang paalam. Nang makapasok ako ay dumiretso agad ako sa kitchen para gumawa ng sandwich dahil hindi pa ako nag di-dinner. Bago kami umalis ng bar ay nag aaya si Rix na mag dinner sa isang resto doon pero hindi ako pumayag. Gusto ko nang umuwi.

Naabutan ako ni Megan sa kitchen nag naglalagay ng lettuce sa tinapay. Pumasok sya na nakasuot ng pajama at sando habang nakatutok ang atensyon sa tablet nyang hawak. Diretso sya sa sa ref at kinuha ang bote ng Mogu-mogu, umupo sya sa harap at uminom.

"Nasa Paris pala si Kuya Lee" Aniya.

Tumango ako at pinagpatuloy ang paggawa ng sandwich "Paano mo nalaman?"

"Tita Liana told Mom kanina"

Tita Liana is Vini and Lee's Mother.

"Tingin mo papayagan tayo ni Mom kapag nag request tayong mag out of the country ngayong Sem break?" Tanong nya at tinignan ako.

"Depends"

"Depends on what?"

"Depends sa grades natin at kung saang bansa" Sagot ko at kumagat sa sandwich.

"Wala namang problema sa grades" Aniya.

Tinaasan ko sya ng kilay "Ano namang bansa ang gusto mong punatahan?"

"Korea" Mabilis nyang sagot at ngumiti "But I want to visit Paris too"

I want to visit Paris too Meg.

"Pwede ka namang pumuntang Korea this summer, Paris nalang tayo"

"Hmmm Pag-iisipan ko pa but sabihin mo na kay Mom. Papayag yun pag ikaw yung nagsabi"

Bigla syang ngumiti at lumiwanag ang mukha "Ang ganda ganda nya talaga!"

"Sino?"

"Si Claire De Vera" Aniya at pinakita sakin ang picture nung Claire na nakasuot ng magandang damit sa runway ng kung saang fashion show.

"Sya yung supermodel diba?"

Tumango sya "Nag model sya sa New York, Milan, and Paris Fashion Week. Nandito na sya ngayon para i-model yung bagong line ng Mommy nya"

"Sya yung anak ng sikat na Fashion Designer?"

"Para ka namang nakatira sa ilalim ng bato Ate! Oo sya nga yon! Pamilya nila ang may ari ng C. D. Royals!"

"Malay ko ba? I'm not that interested in Fashion"

"Ooooo!!! Ate Look!!" Biglang sigaw nya at nginudngod sakin ang Ipad nya.

"Megan!" Reklamo ko at tinulak ang Ipad palayo sa mukha ko.

Bahagya nyang nilayo ang Ipad at nakita ko ng malinaw ang picture.

"Sino naman yan?"

Pinakita nya sakin ang picture ni Claire De Vera na may katabing babae, nakapalupot ang kamay nya sa bewang nito at may malapad na ngiti. Mukhang anghel ang babae, kahit na babae ako ay masasabi ko talagang napaka ganda nya.

"Chloe De Vera. Claire's Sister, kasama sya sa campaign ng bagong line ng C.D. Royals, marami na rin syang photoshoot noon pero ngayon lang ulit sya nagpakita sa media" Aniya.

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now