Chapter E

17.2K 514 69
                                    

Chapter E

"What's with the camera, Jace?"

Maluhaluha kong nilingon ang malaking LCD. Naagaw nito ang atensyon ko dahil sa video na nag p-play.

Nag p-play ang isang video na mukhang recent. Humalakhak ako nang mapagtantong yung gabi ito ng Acquaintance party namin dahil sa damit ni Logan.

Iritado siyang pumasok ng Van kung nasaan ang iba na nahahagip sa camera na hawak ni Jace.

"Memories pre" natatawang sagot ni Jace kahit na hindi kita sa camera.

"What a girl" I heard Rix say. Nasa front seat siya dahil bumaling doon ang camera.

Nahagip rin ang driver na si Calixx.

"So were heading to the airport..."

Napasinghap ako sa sinabi ni Jace. Inikot pa niya ang camera kaya nakita ko na kasama si Josh, Ivan, Iver, Keanu, at Leon.

Iniharap naman ni Jace ang camera sa mukha niya at tinignan ang kanyang wrist watch. "Isang oras nalang"

"Hindi ba naka halata si Cara, Logan?" tanong ni Rix galing sa front. Tanging mga boses lang nila ang naririnig sa video dahil naka tapat ang camera sa labas ng bintana.

"On our way to NAIA..." I heard Jace whisper. "This is part of our birthday gift for you baby"

A wave of tears fell right there. Kahit na alam kong kasama ko lang sa function hall na ito si Vini, hindi ko parin matanggal ang mata ko sa screen. Alam kong nanunuod rin siya.

"Hindi naman," sagot ni Logan sa tanong ni Rix. "Pagtutuonan non ng pansin yung pub tsaka wala naman ang ginawa para mag hinala siya."

"We need to keep this a secret hanggang sa gabi ng debut. Walang dapat maka alam." Matamang sabi ni Rix.

"Heard that Jace?" Josh said. Alam kong sinabi niya iyon para mairita ang kambal niya.

"Hey! I can keep secrets!" Mabilis na angal ni Jace.

Binaling naman niya ulit ang camera sa mga taong nasa likod. Tahimik lang si Iver at Ivan na parehas naka earphones. Si Keanu naman ay naka tuon ang atensyon sa phone. While Leon's just staring out of the window with his hood up. Nagtaka ako kung baki siya kasama.

Sa lahat ng members, siya ang pinaka mailap para sa'kin. Madalang lang kaming magpansinan. Kung hindi pa binanggit ni Logan, hindi ko pa malalaman na siya pala ang Team Captain ng Basketball Team ng SAU.

The boys starter bickering about food hanggang sa makarating sila sa NAIA. On-going parin ang video kaya kitang kita ko kung paano binatukan ni Rix si Jace dahil si Josh na ang may hawak ng camera.

"I seriously find this video thing girly," Josh said to no one in particular. Kaya naisip kong nagsasalita siya mag isa dahil nauuna siyang maglakad sa iba.

"But Jace said it'll make Cara happy..." he trailed "Since you're not here baby C, we're going to video it for you para hindi ka ma left out. I know you badly want to be here pag nalaman mong uuwi siya. We're sorry if we have to keep this a secret. It's part of the surprise"

"Hindi naman makakalabas agad sila Master, tara kain muna tayo!" Aya ni Ivan nang makarating sila sa waiting area.

"Tsaka nalang!" Angal agad ni Rix at tinignan rin ang kanyang wrist watch. Tinignan rin niya ang screen na malapit sa kanila.

"Via Singapore yung flight nila diba?" Tanong ni Calixx at uminat. Para bang nakikihintay rin ako sa kanila habang nanunuod sa video. The nerves were there. Kahit na umiiyak parin ako. Feeling ko nakikihintay rin ako kasama nila.

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now