1.

683 17 4
                                    

First Encounter

Inayos ko ang suot-suot kong salamin at tumingin sa paligid. Nangunot ang noo ko nang makitang iisang direksyon lang patungo ang mga kasabayan kong students na late din.

Oo, thursday naman na kaya okay lang ma-late. Ano kayang meron? May ceremony ba? Alam ko bukas pa ang flag retreat kasi friday.

"Uy, Alora Mae! Late ka din! Sabi ko na nga ba eh."

Nilingon ko yung tumawag sa'kin. "Na late kasi ako ng gising. 'Di naman ako kagaya mong nagpapa-late talaga" saad ko nang nasa harapan ko na siya.

"Tara na sa room!" Balewalang sabi ni Diya.

"Diya Mae, kita mo bang iisang direksyon lang pinupuntahan ng mga tao?" Alanganing tanong ko sa kaniya.

Wala kasi siyang pake sa paligid niya. Si Diya ang pinakamakulit sa'min at siya din ang sobrang matigas ang ulo. Alam kong madaming naiinis sa kaniya dahil mukha daw siyang mayabang dahil siga nga siya kung kumilos.

Ako, si Alora. Ang pinaka-cute sa'ming magkakaibigan. Grade 12 student na kami at STEM ang kinuha. 17 years old na kami, turning 18 next year malamang.

"Kaartehan lang nila 'yan. Thursday magpapa-ceremony?" Sarcastic na aniya.

Sa university kasi naming 'to ay may ceremony pa din pero buti na lang ay every monday lang ang flag raising ceremony and friday naman ang flag retreat. Hindi ko alam kung ba't naiisip pa 'to ng school eh matatanda naman na kami? Pwede naman siguro gawin nalang sa mga preschool and elementary to junior high school.

"Tara, sundan na lang natin sila" aya ko sa kaniya at hinila na siya.

Nakisabay lang kami sa mga kapwa naming late at napadpad kami sa Auditorium. Eh? Anong gagawin namin d'yan? May event ba?

"Elementary ba tayo para pumila pa?" Tanong ni Diya dahil may pila nga bago ka makapasok sa auditorium.

Sumilip ako sa unahan kung ano ang ginagawa at nakahilera ang mga student council ng senior high school sa gilid at chini-check ang mga uniforms and bags ng mga students.

"Tara, dun tayo sa dulo."

Hinila naman ako ni Diya Mae papunta sa likod ng pila kaya kami na ang pinakahuling papasok.

"Diya Mae, late na tayo tapos dito ka pa pu-puwesto." Saad ko at sumilip ulit.

Medyo mahaba ang pila dahil nga nasa likod kami. Nang unti-unting mag forward ang pila ay halos kalahati na lang bago kami makapasok.

"Anjali Mae! Chanelle Mae!" Sigaw ni Diya.

Tinignan ko kung saan siya nakatingin at sabay naman naming kinawayan sila Anjali at Chanelle na kaibigan namin at part ng student council.

Natahimik ako nang makitang tumaas ang isang kilay ni Chanelle habang nakatingin sa'min ni Diya. Sabay pa sila ni Anjali na naglakad papunta sa pwesto namin ni Diya.

"Ang aga-aga galit na naman 'yang mukha mo, Chanelle Mae!" Pang aalaska ni Diya nang makarating yung dalawa sa'min.

"Ayusin niyo yung mga uniform niyo" sabi ni Anjali.

"Anong mali sa uniform namin, bes?" Tanong ko at sinipat ang suot ko.

"Proper way of wearing a necktie." Sagot ni Chanelle. Halatang bad mood 'to dahil ang sungit.

Pinakamasungit sa'min si Chanelle kaya once na taasan kami niyan ng isang kilay ay parang maamong tupa kaming tatahimik, nakaka-trauma pag nakita mo 'yang magalit, siya din ang ate sa group namin.

Falling for Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon