18.

77 4 4
                                    


Kakatapos ko lang maligo at magpalit ng pantulog. I sat down sa dulo ng kama ko at kinuha ang cellphone. Una kong tinignan ang facebook ko. May mga reactions kasi akong na-receive doon sa story ko kanina.

I even saw all of my friends' reaction and their replies.

Anjali Miranda
❤️❤️❤️
Kabog ang bading

Chanelle Valencia
❤️
Passenger's princess yarn

Diya Mae
❤️❤️❤️❤️❤️
Kilig ka malala niyan.

Sofie Aguilde
❤️❤️❤️❤️❤️
Ey, that's my girl!

Napapangiwi ako sa mga reply nila sa story ko. Ang iingay talaga ng mga 'to. Bantay sarado talaga nila ang story ko dahil alam nilang lumabas kami ngayon.

Yung mga kaklase ko rin na iba ay nag react sa story ko pero hindi ko na pinansin. Curious lang ang mga 'yon sa ganap ko eh.

Nag view lang ako ng mga story nila. May iba sa mga kaklase ko ang umuwi ng province since we have 2 weeks vacation before ang start ng second semester, ang iba naman ay nag outing or staycation na.

I don't know kung anong gagawin ko ngayong semester break namin. Nakahinga naman na ako sa exam and I am sure na pasok naman na sa banga yung grades ko doon.

Should I advance reading for this second semester? Sana wala naman math ulit. I don't have plans talaga not unless mag set ng gala yung mga kaibigan ko pero maybe kasama nila family nila para sa bakasyon.

Sila mommy, uuwi pa ba kaya 'yon? I don't expect naman na lalabas kami ulit like before. I am very understanding person that's why it is okay with me even if they don't have time to bond with me.

Sometimes, oo sometimes lang, nag ke-crave ako for parents time and affection pero nawawala rin naman agad. Siguro dahil na rin sa binibigyan na love and affection sa 'kin ng friends ko. I am content naman.

As I tap the right side of my phone for the next story ng kung sino man sa facebook friends ko, I saw my figure. Agad kong tinignan kung kaninong story 'yon.

It is from Geovana. Geo Allegra. Her facebook story was me looking at the car's window, tamang tama ang papalubog na araw sa picture at naka-side view ako doon. Medyo madilim, tama lang para hindi gano'n malaman kung sino agad. My cheek and nose lang ang maaaninag doon and the rest was the beautiful sunset outside.

The caption was, "Thank you for today, pretty."

Ayan na naman ang namumuong kilig sa pagkatao ko. I screenshot it and tap the heart reaction multiple times. I also replied to her story saying thank you too, and she's beautiful.

This is cringe but I don't care. Eh sa ganito yung nararamdaman ko, what will I do then? Nag pop up naman ang group chat namin na panira sa pag e-emote ko dito.

Chanelle
Sent a photo.
Soft launch na medyo hard??

It was the screenshot of Geo's story. Sabi ko na nga ba't makikita nila at syempre isesend sa group chat namin 'yon. Mga gawain ng kaibigan kong chismosa eh.

Maya-maya lang ay nag vibrate na ang phone ko, indicating that someone's calling. As usual, ang mga kaibigan ko na naman. Labag sa loob na sinagot ko ang tawag.

Humiga na ako sa kama at pinakinggan muna ang sunod-sunod na bungad ng mga kaibigan ko.

"So ano, anong nangyari?" Sofie. Syempre siya ang may pakana nitong group call.

"Umaasenso si bading, na-flex sa story." Si Diya na tumatawa-tawa pa.

"Kamusta naman yung labas niyo?" Si Anjali.

Falling for Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon