19.

63 4 11
                                    


Antok na antok ako habang nakaupo dito sa harap ng vanity mirror ng kuwarto nila Mommy. Kung anong late namin natulog kagabi, iyon naman ang aga ng gising namin.

I'm really not a fan of biglaang set ng kung ano man. May part sa 'kin na naiinis ng onti dahil hindi man lang ako in-orient nila Mommy ng maaga, kahit sa text or pinasabi na lang sana kay Manang.

Papikit-pikit ako dito habang inaayusan ng kinuhang makeup artist and hairstylist. Medyo nag aalangan pa ako dahil I don't trust anyone except for my friends when it comes to makeup.

"Please, huwag po heavy yung foundation and may I request po yung no makeup, makeup?" I ask. Meron 'yon, ginagawa nga 'yon si Sofie tuwing papasok. It looks normal on her pero may makeup naman talaga siya sa mukha niya.

"Sure, Ma'am." Napangiwi naman ako sa tugon nito. Hindi talaga ako sanay na tinatawag na Ma'am.

Nag umpisa na silang galawin ang mukha at buhok ko. Nakakailang talaga kapag ibang tao ang nakakaharap ko.

I don't have a clue kung anong event naman ang pupuntahan namin, kung may theme ba or ano. Sabi naman ni Mommy na huwag na ako mag alala sa susuotin kong dress. Sinukatan lang ako ng mga designer kagabi sa baba.

Nang matapos akong makeup-pan ay agad akong tumingin sa salamin. Wow! Nag mukha akong tao. Wala akong suot na salamin dahil contact lens ang nilagay. Nakakatakot man pero tinuruan naman nila ako tanggalin 'yon in case na maging uncomfortable ako.

Light makeup lang nga ang nilagay nila, medyo makinang lang ang mukha ko dahil sa eyeshadow na glittery at sa highlight.

Nakaayos din naman ang hanggang malikat kong buhok, kinulot lang ang dulo nito at naka-half ponytail.

"Ma'am, puwede na po kayong mag bihis." Saad nung nag aayos sa 'kin.

"Sige po, salamat." Tumayo na ako't pumunta sa closet nila Mommy.

Nakita ko ang naka-sampay na pinagawa naming damit kagabi. I feel bad for the designer kasi pinag-puyatan nila 'to. I requested my dress to be this simple, it looks like a casual but maxi dress na color sky blue and may ruffles lang siya. Sinuot ko naman na sunod iyong 2 inch heels na color white naman.

-----

Nandito ako sa sasakyan at nakanguso na nakatingin sa labas. We're already here sa event, ang kaso ang bagal kasi umusad ng nasa unahan. Marami ng sasakyan sa likod namin and I think nasa apat na sasakyan pa ang nasa unahan.

"Ano bang meron, Mommy? Bakit ang tagal namna po umusad." Hindi ko na mapigilan na itanong. Hindi ko pinahalata ang irita sa boses ko.

"There's a red carpet, anak. Let's wait for a bit and it's our turn na rin naman." Si Daddy ang sumagot na nasa kabilang side ng sasakyan.

Hindi ko alam kung bakit nag si-siksikan kaming tatlo dito sa backseat kung puwede naman umupo ang isa sa passenger's seat.

Mabuti na lang at hindi gano'n kainit ngayon at hindi nahuhulas ang makeup ko. Nakakaramdam lang ako ng irita. Napabuga na lang ako ng hininga nang umusad nga ang kotse pero isang spot lang.

Natawa naman ang Mommy sa gilid ko, "Don't be irritated, my love. Malapit na tayo." Aniya. Sana talaga malapit na.

Kahit nauubos na ang pasensya ko ay matiyaga ko pa rin na hinintay ang time namin makababa. Nang isang sasakyan na lang ang pagitan, doon ko lang nakita ang nangyayari.

May red carpet nga at may mga photographer, kaliwaan ang flash ng camera. Nakita kong pinagbuksan ng lalaking naka-tuxedo ang sasakyan sa harap at mula doon bumaba ang mga babaeng naka-casual or formal dress din gaya sa suot namin ni Mommy. Lumakad ang mga ito at sandali pang huminto para ngumiti at kumaway sa camera.

Falling for Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon