9.

109 8 1
                                    

Waist Grab

"Let's go." Saad ni Xirano.

Tapos na kasi kaming kumain. "Wait lang," sabi ni Chanelle at Anjali tapos pinagpatong-patong ang mga platong ginamit namin pati na rin ang baso at mga kutsara.

Kinuha ko ang mga gamit na tissue at inilagay din sa taas ng plato. Ganito kasi ang gawain namin ng mga kaibigan ko kapag kumakain kami lalo na kapag nasa labas or kahit anong kainan. Iyong ililigpit namin ng maayos ang pinagkainan namin para isahang dampot na lang ang maglilinis ng table.

Nakatingin lang naman yung mga Allegra sa'min. Parang namamangha pa nga sa nakikita nila. Siguro napapaisip sila na bakit ginagawa pa namin 'to even if this is someone's job— na linisin ang pinagkainan ng mga tao.

Nang matapos kami sa pag aayos ay bigla naman inilahad sa'kin ni Geovana ang alcohol niya. Ibinuka ko ang mga palad para malagyan ako ng alcohol sa kamay. Ganoon din ang ginawa niya sa mga kaibigan ko.

"Tara, hatid namin kayo sa room niyo." Sambit ni Xirano nang sinukbit na namin ang mga bag.

Nagkatinginan kami ni Chan dahil sa sinabi nito, she also sense na there's something weird going on.

"Hala, sure po ba kayo? Kahit hindi na" sagot ni Anj. "Baka po may classes pa rin kayo and ma-late" she added.

"Stop using po to us." Saad ni Geovana.

"True!" Gatong ni Xirano.

As usual, what do we expect to our ice princess? Wala, pinaghili ata si Arcane sa yelo dahil tahimik lang 'to at bored na bored na ang itsura.

Nag simula na kaming maglakad at nasa gilid ko si Geovana na katabi ni Arcane, ang mga kaibigan ko naman at si Xirano ay nasa unahan.

Napatigil kami nang huminto si Xirano and look at me, "Hey, tara dito!" Aniya at hahawakan na sana ako upang tumabi sa kaniya nang mas naunang hawakan ni Geovana yung braso ko.

"No."

Nangunot ang noo at napalingon na rin ang mga kaibigan ko. "There's no space in there." Dagdag nito.

Oo nga naman, kung sasama pa ako sa linya nila ay masyado ng masikip at for sure masasakop namin ang daan.

Huling huli namin ang pag irap ni Xirano kay Geovana bago ito humarap. Nagkatinginan kaming lahat ng mga kaibigan ko. Their stares saying something and obviously there's a conclusion in their heads na.

Nagkibit-balikat na lang ako. Hinawakan ni Xirano sa braso si Chanelle na katabi niya at nag simula na silang maglakad. Hawak din ni Geovana ang braso ko.

Nakakahiya naman kung tatanggalin ko ang kamay niya 'di ba. Atsaka, ang lambot ng kamay niya. Pa-simple kong tinignan iyon na nasa braso ko, ang ganda ng kamay niya, wala kang makikitang kalyo or kung ano mang dead skin dito. She also have a long nails na may nail polish na kulay red.

Hindi ko ugali ang cosmetics at kung ano pang pag-papaganda, minsan lang ako mag nail polish kung kina-kailangan gaya kapag may event sila Daddy na pupuntahan at kasama ako, nagpapa-salon talaga kami ni Mommy.

"Y'all are STEM 'no?" Xirano asked.

"Opo," sagot ni Anj.

"Yah, I told you to cut po. We're not that old." Natatawang aniya.

"Sorry..."

"So why y'all choose STEM?" Xirano. Ang daldal talaga niya since noong isang araw. What's with her kaya? I still remember her aura when we first saw her, parang gaya lang dito kanila Geovana.

"Connected kasi sa course namin na kukunin sa college" sagot ni Sofie.

"Same kayo ulit?" Ang cute naman niya mag tagalog. Fluent naman sila, pero ayon nga lang hindi halata sa itsura dahil halata na may lahi sila.

Falling for Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon