22.

79 4 41
                                    


"Alora, may naghihintay na sa'yo sa baba," rinig kong tawag ni Manang matapos kumatok sa pintuan ng kuwarto ko.

"Wait lang po!" Sigaw ko at dali-daling sinuot ang sapatos at hinila ang bag at patakbong pumunta sa pintuan ng kuwarto ko.

Agad na akong tumakbo pababa ng hagdan. Nakakainis naman kasi at na-late ako! Paano kagabi ay inutusan pa ako nila Mommy na ayusin ang papers nila para sa business. Kaya nga ako nag STEM para wala akong alam doon and hindi nila ako kuligligin.

"Be careful."

Nasa gitna na ang ng hagdan nang tignan ko siya mula sa baba. Nakaupo ito sa sofa namin at nakatingin sa 'kin. When will I be used to her? Para akong na-starstruck sa ganda niya, as usual naman. Suot nito ang binigay ko sa kaniyang jacket at pinarisan niya lang ng top na puti at skirt. Mistulang model ito sa ayos niya ngayon— lagi naman, naka-dekuwatro itong nakaupo sa sofa at nakahalukipkip.

Malaya naman ang buhok nitong nakalugay, mukha natural sa kaniya iyong wavy niyang buhok, sa tabi niya ay iyong sling bag niya na puti. Mag mu-mukha na naman akong alalay nito. Hindi ko alam kung bakit kahit simplehan man niya ang suot, parang modelo pa rin siya, eh ako?

Dahan-dahan naman akong bumaba sa hagdan, medyo naiilang pa ako dahil nakatingin pa rin ito sa bawat hakbang ko. Nang makalapit ako sa kaniya ay gano'n pa rin.

Nakatayo lang ako sa harapan niya kung kaya't nakatingala siya sa 'kin. I open my mouth to say something pero tinikom ko rin naman agad.

Tinaasan ako nito ng isang kilay. Maganda pa rin kahit nag su-sungit! Para akong bata na pinapagalitan ng nanay sa ayos namin ngayon.

"You'll say something?" She ask.

"Ang ganda mo." Ang nasabi ko, lumitaw naman ang isang ngisi sa labi niya. "I mean, este, ano! Sabi ko sorry if nag hintay ka hehe," agap ko sa nasabi.

Hay, ito na naman ako whipped sa kaniya.

"You're beautiful too," saad nito.

Iniwas ko ang tingin at tinikom ang bibig. Nag iisip ako ng puwedeng sabihin para mawala iyong hiya ko sa kaniya. Bakit naman kasi ganito siya kung makatingin, akala mo eh kinukuha pagkatao ko.

Hinawakan ko ang strap ng sling bag ko at tumingin sa kaniya, "Tara?" Tanong ko na lang.

Hindi naman ito sumagot. Muli niya akong tinaasan ng isang kilay at nandoon pa rin ang ngisi sa labi niya. Nakatingin lang siya sa 'kin na akala mo eh pinagti-trip-pan ako.

"Ano?" Inosente kong tanong sa kaniya.

Napa-nguso naman ako nang makitang unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. Sabi na nga ba't pinagti-trip-pan lang ako nito eh.

"Why are you scared with me?" Nakangiti na niyang tanong.

"Huh?" Iwas ko. Ayoko ngang sagutin. Well, totoo naman na may part pa rin sa 'kin na natatakot sa kaniya dahil sa aura niya pero more on hiya naman ang nararamdaman ko.

"Tara na, una na ako..." Saad ko ulit at iniwan siyang nakaupo sa sala.

Ang lakas ng trip niya ngayon ah. Naramdaman ko naman ang pag sunod niya sa 'kin papalabas ng bahay.

"Avoiding my question, eh?"

Napapikit ako at hindi na lang sinagot iyon. Binuksan ko na ang gate at nakita yung sasakyan niyang naka-park sa harap.

"Saan tayo pupunta?" Pag iiba ko ng usapan at nilingon siya nang nasa harap ko na yung sasakyan niya.

Nakita ko naman itong tumawa at umiling. "That's a secret." Sagot nito at pinagbuksan ako ng pinto.

Falling for Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon