17.

52 5 4
                                    


I still can't believe. Para akong lumulutang. This is the very first time. I don't know if I should be thankful that, finally after how many weeks? I figured it out or should I avoid this feeling 'cause I know this is not going to work out?

I don't have such experience when it comes to relationship but I know that the person you like have a high chances of not reciprocating the feelings.

Ang OA! Aamin ba?

Why I am so scared na hindi niya ma-reciprocate 'yong feelings ko eh hindi naman niya alam? 'Di ba! My friends will freak out once I told them about this.

"Hey, are you okay?" Napalingon ako sa kaniya. Oo nga pala, nandito pa kami sa mall. "It seems like you're spacing out?" Patanong niyang ani.

"A-ah, h-hindi ano..." Ang lapit niya! Pinilig ko ang ulo dahil nauutal na naman ako. Mukhang bumabalik yung Alora na first time niya makilala. "May iniisip lang. Sorry, may sinasabi ka ba?" Tanong ko.

"Wala, I'm just asking if you want to eat early dinner."

Napatingin naman ako sa cellphone ko. May mga notification doon but I don't mind, tinignan ko na lang yung oras. Hapon na, malapit na rin naman lumubog yung araw.

"Puwede naman. Ikaw ba? Baka hinahanap ka na sa inyo?" Nag aalala kong tanong.

Obviously, she came from a wealthy family. Wala man akong gaanong alam sa kaniya, pero halata naman kung saan siya galing. Talk of the university din siya. I sometimes envy some of my schoolmates dahil parang kilalang kilala nila si Geovana.

She chuckles. "Let's eat dinner here." Nakangiti niyang sagot sa 'kin.

"Eh, paano kapag pinagalitan ka?"

"Don't mind it." Balewalang sagot niya.

Napatigil naman ako sa paglalakad at tinignan siya. She looked at me confused ngunit tumigil din naman. Nakatingin din siya sa 'kin.

You can do it, Alora! Kaya mong tapatan 'yang tingin niya sa 'yo.

Kahit na nahihiya at kinakabahan pa rin ako dahil parang any moment ay mangangatog ang tuhod ko sa way ng tingin niya ay tinignan ko pa rin siya at nag salita.

"Next time na lang, baka pagalitan ka." Sa 'kin naman kasi walang magagalit. Natatakot ako na baka mapagalitan siya, gaya sa mga kaibigan ko na kapag late nakakauwi or sa exact time na pinaalam ay papagalitan ng parents.

Naranasan na kasi namin 'yon, lalo na kay Diya. Kailan niyang umuwi sa sinabi niyang time kay Tita, kasi kapag hindi, pati kami lagot.

"Why?" Kunot-noo niyang tanong.

"Eh kasi ayokong mapagalitan ka, baka hindi na 'to maulit."

Sumilay naman ang ngisi sa kaniya. Gusto kong sampalin ang bibig ko. Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kaniya.

Ibang klase ba naman kasi yung ganda na mayroon siya. Kahit ngiti, ngisi, pout or resting face ay maganda talaga siya. Nasabi ko na bang arabian beauty siya? Mukhang manika.

"Don't worry, nag paalam naman ako." Hinawakan naman niya ako sa siko at nag simukang maglakad kaya napasunod din ako sa kaniya.

"And probably, mauulit naman 'to." Nilingon niya ako at ngumiti na naman.

Sus, alam na alam kung paano ako mapapahulog sa kaniya.

Charot! Nag patay-malisya na lang ako sa mga ngiti niya. I'm actually lucky kasi she smiles often at me, unlike sa mga tao sa school na hindi niya man lang tinatapunan ng tingin, ngiti pa kaya?

Falling for Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon