3.

134 13 1
                                    

A goodluck and potential

Araw na naman ng lunes at may pasok na naman. Examination day namin kaya maaga akong gumising para lang mag ayos. Nakaupo ako dito sa may vanity mirror ko at bino-blower ang maiksi kong buhok.

Cosmetic products is not my thing. Si Sofie lang ang may pakana ng vanity mirror na ito dahil maarte siyang babae. Kung sa kaniya ay punong puno ng make up or kung anu-ano ang vanity mirror, sa'kin naman ay walang laman bukod sa suklay na nakasabit sa gilid.

Once I entered university, lalo na sa university na pinapasukan ko ay maaayos manamit, yung tipong junior high school pa lang dalagang dalaga na kumilos. Sila, naka-make up or anything na masasabi mo talagang ginagawa ng isang babae para lalong maging maganda ay ginagawa nila.

I really don't like those things. Mararanasan ko lang mag make up kung pipilitin ako ni Sofie. Mag se-selfie lang ako if gusto ko, which is super dalang.

Some of my classmates way back junior high keeps calling me manang because of the way that I am. Hindi naman ako manang manamit eh, siguro they called me that kasi nga I am not like them, hindi ako sabay sa kung anong uso gaya ng pag papaganda or paglalagay ng make up sa mukha.

Plus the part that I am wearing eyeglass and I also wear braces. Nerd kung tawagin ng iba. 'Di naman ako na hu-hurt kasi wala naman akong paki sa sasabihin nila.

But, may paki lang ako kapag naiinis ang mga tao sa'min dahil sa ingay ng bunganga ni Sofie at Diya.

Nang matapos kong iblower ang buhok ko ay sinuot ko naman ang salamin ko tapos tumayo na ako't kinuha ang bag ko.

"Hello, good morning po!" Bati ko sa mga kasambahay na nadadaanan ko pababa.

"Good morning, Alora" bati din nila sa'kin.

Napangiti naman ako dahil binanggit nila ang pangalan ko. Nakailang pilit pa ako sa kanila bago alisin ang ma'am na tawag sa'kin.

"Good morning, Manang!" Bati ko nang makita ko siyang naghahain sa dining.

"Oh, hija. Kumain ka na dine nang maihatid ka na sa paaralan ninyo" nakangiting sabi niya.

Ngumiti ako pabalik at umupo sa upuan, pinag-sandok naman ako ni manang ng pagkain. "Join me po, Manang" I said as I starts eating.

"Hindi ba't exam ninyo ngayon?" Tumango ako sa tanong niya. "Galingan mo, Alora ah. Ay siya nga pala, may tsokolate akong binili kahapon noong nag go-grocery ako. Alam kong paborito ninyo ng mga kaibigan mo ito lalo na kapag exam ninyo" nakangiti niyang sabi habang nagsasandok ng pagkain niya.

I smiled sweetly dahil sasabayan niya ako kumain. Minsan kasi ay nakakailang pilit at pa-cute pa ako bago niya ako sabayan.

"Opo, Manang! Favorite po namin 'yon"

Ilang beses na din kasing pumunta ang mga kaibigan ko dito kaya kilala na sila ng mga tao. They are happy kasi finally daw I have my friends na.

"Papuntahin mo ang mga kaibigan mo dito kay namimiss na namin sila" aniya dahilan para mas lalo akong mapangiti.

I am so lucky to really have them.

Natapos kaming kumain at pinabaon nga sa'kin ni manang yung mga chocolates na binili niya. Nang makarating sa school ay binilisan ko na lang ang paglalakad dahil baka may Allegra na naman akong makita at mahiya na naman ako.

I don't know why I am like that when the Allegra's around. It's so weird of me naman kung sobra akong nagagandahan sa kanila since it's been like almost 1 week since I first saw them and still I can't get over and that's the reason why I am so damn red whenever we're looking at each other? May ganon ba?

Falling for Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon