24.

58 6 40
                                    


Araw ng unang pasukan para sa second semester namin. At usual, morning classes till afternoon na naman. 6:00 AM pa lang at gising na ako para mag asikaso. Iyong schedule namin nalabas naman na a day after nung enrollment namin.

Aantok-antok pa akong pumasok sa CR at ginawa ang routine. Grabeng 7 AM first class kasi 'yan. Ang maganda lang this semester ay wala na kaming math. Yes! Pero may research pa rin.

Akala ko pa naman Practical Research 1 and 2 lang, may 3 pa pala, iniba lang ng pangalan which is III or Inquiries, Investigation and Immersion. Wala na rin kaming science bukod sa General Biology na for sure patayan na naman ng braincells.

Halos 1 week na rin ang nakalilipas simula noong enrollment namin at kung saan nalaman ko na lalayuan niya ako kapag nalaman niya na gusto ko siya. Hindi ko nga alam bakit kasi tinanong ko pa 'yon. But, nagkakausap pa rin naman kami, hindi naman natigil 'yon. Pero sa loob ng isang linggo na 'yon, ayon lang ang naiisip ko. Nakakatakot.

Hayaan ko na lang siguro. Mawawala rin naman 'tong nararamdaman ko... Siguro, lalo na kapag hindi na-reciprocate. Gano'n kasi ang observation ko sa mga taong nakakasalamuha ko. Like, if their crush can't reciprocate their feelings, eventually, mag fe-fade rin yung nararamdaman nila.

Nang matapos ako sa loob ng CR ay agad na rin naman akong lumabas para mag bihis. Habang nakatingin sa salamin at inaayos ang necktie ko, naalala ko na naman yung una naming pagkikita. Ang encounter pa ay dahil sa necktie namin ni Diya.

Time flies too fast pala talaga ano. Parang dati lang sobrang natatakot pa ako sa kaniya dahil ang intimidating niya, ang indenial ko pa noon dati, ngayon...

Pinilig ko na lang ang ulo ko para alisin yun sa isip. Nang matapos akong mag ayos ay kinuha ko na sa table ko yung eyeglasses ko at sinuot tapos ay kinuha na rin ang bag ko at bumaba.

"Hindi ka ba muna kakain?"

Nahinto ako sa dire-diretsong paglalakad ng marinig ang boses ni Manang. Nasa bungad ito ng dining namin.

"Hindi na po, baka ma-late po ako eh," agad kong sagot.

Eme lang, wala lang talaga akong gana kumain. Umalis na naman kasi agad sila Mommy. Ni hindi man lang naisipan muna na hintayin or sabayan ako kumain bago umalis. Atsaka, alam ko rin naman na hindi ako male-late kasi first day of class pa lang, tamad pa magturo ang mga teacher diyan.

"Ay hindi, teka lang! Gagawan kita ng sandwich mo para may makain ka sa sasakyan o hindi kaya'y sa klase mo," dali-dali naman itong bumalik sa kusina kaya hindi na ako naka-angal pa.

Lumakad na lang ako sa kung saan pumunta si Manang. Nakita ko itong pini-prepare na nga ang sandwich na ipapabaon niya sa 'kin. Agad naman akong napa-ngiti.

I'll feel so lonely here talaga if wala sila Manang or ang ibang kasamahan ko sa bahay. Though, I rarely talk to them due to they always do their job on household chores and I am also busy studying. 'Di bale, I'll make time for them na lang sa bakasyon.

"Oh ito anak, kainin mo ah. Huwag kang magpapalipas ng gutom," nakangiting inilahad sa 'kin ni Manang yung dalawang sandwich na hawak niya. "Ingat sa pagpasok," dagdag pa niya.

Nakanguso ko naman itong inabot. I'm so emotional talaga! "Thank you so much po, Manang! Love you!" Dinamba ko naman siya ng yakap at hinalikan sa pisngi.

"Hay nako bata ka! Baka mamaya ma-out of balance tayo," natatawa naman niyang saad.

Kinalas ko na ang pagkakayakap sa kaniya at ngumiti, "Thank you po, I really don't know what to do if you're not here." Nag pout ako ulit para iwasan ang maluha.

Ang aga aga nag da-drama na naman ako!

-----

Nang makapag-park ang sasakyan namin dito sa parking lot ng school ay agad na rin naman akong bumaba.

Falling for Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon