15.

84 6 7
                                    

Courage

Gabi na, kanina pa ako tapos kumain at nakapag-night routine na ako pero imbis na matulog ay ito ako nakaupo sa kama. Hawak ang cellphone ko habang nag bo-browse ng pictures na minention sa 'kin ng mga kaibigan ko.

It was a group photo naming lima. Salamat naman at walang nakalagay na kung anong caption doon sa picture. Ni-restory ko na lang yung mga pictures. Pero in-exclude ko iyong picture namin na kasama sila Geovana. Nakakahiya, may mga ka-batch and schoolmates pa naman akong friend and followers ko sa Instagram.

Baka sabihin pa nang mga 'yon na feeling close kami sa mga head. Siguro nga may part na nakakalimutan na naming may mataas na katungkulan iyon sila kung makihalobilo kami.

Nag scroll lang ako sa Facebook at nire-replyan ang mga chat ng kaibigan ko sa group chat namin. Alive na alive na naman si Sofie at Diya doon. Muli kong nirefresh ang feed ko sa Facebook at nakita ang mga nakahanay na stories ng friends ko.

I saw Geovana and Xirano's re-story of what Sofie uploaded on Instagram. Iyon yung pictures namin na kasama sila na hindi ko ni re-story. I tap her story and then the heart reaction.

Nakita ko na lang ang sariling nagtitipa ng mensahe doon sa story niya na may message na nakalagay. I want to ask her if she's free doon sa alok kong ililibre siya kaso nahihiya ako.

Baka ayaw niya na sumama sa 'kin dahil kanina ay sobrang sama ng tingin niya sa 'kin. Mayaman siya at totoong hindi niya kailangan ng libre ko dahil kayang kaya niya gumastos para sa sarili niya.

Halos mapatalon na naman ako nang biglang mag flash sa screen ang tawag. Nakakainis at magugulatin ako pati dito sa ring lang.

Sinagot ko ito at pinindot ang speaker.

"Bakit?"

Nasa group call na ang tatlo, pang apat ako. Wala si Chanelle.

"Wala lang, I just want kausap." Si Sofie at umayos ng upo. Ipinatong niya ang cellphone sa gilid that's why we can now see that she's sitting in front of her vanity mirror. "Habang nag me-make up."

Nag on cam na rin naman si Diya. She's wearing her headphones. "Tawag ka na naman, naglalaro kami!" Aniya at isinandal din naman ang phone.

"Kasama mo bebe mo?"

Ngumiwi naman si Diya, "Tanga! Si Chanelle ang kalaro ko." Oh, that's the reason why wala siya dito sa call.

"Akala ko nagtatampo kaya hindi sumali." Natatawang komento ni Anjali.

Ayon din ang akala ko. "Oo nga, kanina pa bugnot 'yan eh." I commented.

"Bitter lang 'yan si Chanie. Don't mind her na lang." Si Sofie habang nag sisimulang mag make up. "Anyway, I already messaged Xi about our planned gala." Pagtutuloy niya.

"Oh, anong sabi?"

"She said she's gora daw. I already told her the date and time and where."

"Gaga ka? Paladesisyon 'to." Anjali said. "Paano kapag hindi pala kami free niyan?" She added.

Buti pa sila may gala at plano na. Kami kaya ni Geovana... I am hoping na she's free tomorrow. I really want to treat her to express my gratitude pero mukhang busy na ata siya.

"Oo nga, baluga ka talaga! 'tsaka kami ang best friend mo. 'Di ba dapat sa 'min mo muna sinabi bago sa kaniya?" Hindi na nakatingin si Diya sa camera ng phone niya dahil nag sisimula na naman ulit silang maglaro.

I don't really know how to play games especially if barilan. Ang daming kailangan pindutin at kalikutin. Nakakahilo siya.

"Tangina, Chanelle!" Napapikit pa ako sa biglaang sigaw nito. Mukhang tense pa siya sa nilalaro.

Falling for Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon