12.

103 9 2
                                    

Hi! It's my birthday today and I just wanna update since there are scenes that popped up into my mind earlier. But, don't expect too much, I just got home from the agenda for today's. I went out together with my different circle of friends e. So yeah, happy reading!

---

Literal na lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Anong klaseng tanong naman 'yon? Bahagya pa akong napa-ubo.

Nakatingin lang naman ito sa 'kin na para bang hinihintay niya yung sagot ko. I was about to open my mouth and say something when Chanelle's voice echoed in the whole cafe.

"Hey, Diya!" Malakas na sabi nito. Marahas pa akong napalingon dito, it's not her attitude kasi to shout especially in this kind of place, she always have that manner na kapag alam niyang tahimik and decent ang lugar, tahimik din siya.

Nakangiti pa itong nakatingin sa may entrance ng cafe at kumaway, I guess Diya is really here na. Nang ibaba na nito ang kamay ay nawala ang tingin niya nang mag tama ang mata namin, seryoso ito, her usual resting bitch face.

Nangunot ang noo ko nang malipat kay Geo ang tingin nito, mas lalong naging seryoso ang mukha ni Chan at parang may pinaparating ang mga titig niya. I look at Geo and she's also looking straight into Chan's eyes. Ibinalik ko ang tingin kay Chanelle, halos mapa-nganga pa ako nang makitang pa-simple itong umirap kay Geovana.

She just did that? What's wrong with her?

Napatingin naman ako kay Diya nang hawakan nito ang balikat ko, "Hi!" Aniya at bahagya pang pumisil. "Doon ako kay, Xirano. Hirap pa kasi ako sa subject na 'yon." Matalino naman si Diya sa Chemistry pati sa Math, sadyang tamad lang siya. Problema niya lang talaga ang mga essay or hindi kaya kapag mayroong readings sa subject dahil tamad siya magbasa.

Ilang sandali lang din ay dumating na yung ibang kasama namin sa tutor pati na rin sila Pat. Nag kaniya-kaniya naman silang table gaya nga ng napag-usapan namin dito.

Nilibot ko ang tingin, wala kasi ni isa sa mga kasamahan ko sa chemistry ang umupo sa table namin. Lahat sila nasa kabilang mga subject na may problem din sila. So ako lang pala talaga ang bobo sa chemistry...

"Let's start." Agaw pansin ng kaharap ko.

Tumango na lang ako dahil nahiya ako bigla dahil na-ignore ko yung tanong niya sa 'kin kanina. Mukhang balewala lang din naman ito sa kaniya. Inabot ko na lamang yung papel at pinilit na mag focus sa pag sagot even though her question still running on my mind.

What do you think about me and you? Ano 'yon? In a romantic— nevermind!

Halos 30 minutes na rin ako nagsasagot, kapag naman may hindi ako naintindihan sa ibang tanong ay nag a-ask ako for help which is maayos naman niyang tinuturo at ipina-paliwanag sa 'kin. This is what I appreciate about her the most, matiyaga itong magturo kahit na paulit-ulit akong nagkakamali. Hindi halata sa mukha nito na mayroon siyang mahabang pasensya.

"Stop answering muna. Try this, it's my favorite cake here." Aniya.

Nag angat naman ako ng tingin sa kaniya at nakatapat na sa 'kin yung fork na hawak niya at meron na slice ng cake doon.

Nakatameme naman akong nakatingin sa kaniya. "Open your mouth, hon." Malambing niyang saad sa 'kin. Hinihintay naman nitong isubo yung cake na sinasabi niya.

It is a ube cheesecake cake at halatang matamis iyon. Nahiya naman ako dahil mukhang wala siyang balak na ibaba ang kamay unless isubo ko na. Tiningnan ko siya sa mata at tinaasan naman ako nito ng isang kilay.

Napangiti naman ito nang isubo ko na yung cake na sinasabi niyang i-try ko. Kasing tamis ng cake ang tamis ng kaniyang mga ngiti. Para akong lumilipad na ewan habang nakatingin sa kaniyang nakangiti ring pinapanood ang pag nguya ko.

"It's sweet, right?" Kapagkuwan kaniya.

"Oo, masarap, ang tamis," sagot ko rito at sunod sunod na tumango.

"Here," napalunok naman ako agad nang kumuha pa siya sa plate ng cake at itinapat na naman iyon sa 'kin.

Nakaramdam na ako ng hiya noong sinubo ko ito, parang tuwang tuwa ito sa ginagawa niya. I can feel my face turn red dahil doon. There's something going on sa iyan ko, para akong kinikiliti.

Nakatunganga itong nakatingin sa 'kin, inabutan pa niya ako ng tubig nang makalunok ako. Sa sobrang hiya ay nilihis ko ang tingin sa kaniya.

"You're murdering the unhealthy burger." Rinig kong sabi ni Arcane.

"Kung ikaw kaya murderin ko?"

"Tsk, get it done. So you can continue answering." Walang kabuhay-buhay na sagot naman ni Arcane.

"Maghintay ka, atat ka lang sa bebetime niyo ni Sofie."

Napa-pitlag naman ako nang maramdaman yung parang kuryenteng dumaloy sa kamay ko nang pisilin ito ni Geovana.

"You eat first before continuing."

"Ha? Eh matatapos na rin naman ako, nahihirapan lang ako dito sa may solving." Kaasar naman kasing subject 'to, may science na nga, may math pa. Dapat pala nag HUMSS na lang ako.

"Lemme help you..." Aniya at tinuro sa akin kung paano makukuha ang final answer.

Bakit parang kapag sa kaniya ay ang dali-dali lang ng ginagawa, pero kapag sa 'kin sobrang gulo sa utak.

"You just need to know the right formula for that and then it goes on." Tumango ako sa kaniya, "you also need to be careful putting symbols."

"Kailangan ba talaga i-memorize 'yon?" I asked her.

"It depends on you, but I know na may mga subject and prof naman that allows index card." Ang cute niya talaga kapag nagsasalita ng may tagalog. "You all cam right the formulas there." She added.

"Ang cute mo kapag nagta-tagalog." Saad ko. "A-anyway pala, oo meron nun." Pag sang-ayon ko sa sinabi nitong index card.

"Thank you. I'll speak tagalog more often then."

"Ha?" Takang tanong ko.

"Cause you said I am cute when I speak tagalog?" Patanong pa niyang ani.

"Oo." Sagot ko.

Yumuko na ako at tinignan ang papel ko, "Sasagot na ako," pag orient ko sa kaniya.

I heard her chuckle again. "Cute."

Ano ka ba! Huwag ganiyan, bawal 'yan.

"Hey," tawag nito sa akin.

"Hmm?" Tanong ko at kunyaring nag fo-focus sa papel at nag sasagot.

"Can we hangout when your exams done?"

"Oo naman." Sagot ko dito.

"Like, the two of us lang?"

"Oo nama—" napa-angat ang tingin ko sa kaniya nang matanto ang sinabi ko.

"Are you sure? It's okay if you don't want to."

"T-tara, my treat. Tutal tinuturuan mo naman ako." Hindi ko alam kung ano ba 'tong nasa tiyan ko kanina pa. Parang may kung anong lumilipad na nakikiliti ako. Libre ko na ang labas na 'yon, dahil ang laki naman ng naitutulong niya sa 'kin.

"Okay, so that's a deal." Titig na titig naman ito sa akin.

Inayos ko naman ang salamin ko. Baka mamaya may dumi ako sa mukha or what. At some time naman when we are together ay comfortable ako sa kaniya at mayroon din naman na hindi dahil nakaka-conscious ang mga tingin niyang ganiyan.

"May dumi ba ako sa mukha?" I asked her.

Sa ilang weeks na naming nagsasama sa tutor session ay naiiwasan ko naman ang ma-utal kapag siya ang kausap ko, that is my improvement. Sana naman ang utak ko sa mga subject na 'to ay may improvement din.

"Wala. You are just too beautiful and innocent." Ngumiti naman ito sa akin at muli ko na naman nakita ang magaganda niyang mga ipin na pantay-pantay.

"You look like an angel that I cannot stop staring at."

---

Ito muna! Balik na lang ako ulit after finals namin, thank you sa paghihintay at pagbabasa! Xoxo

Falling for Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon