2.

163 11 0
                                    

Looks and Glances

Pinasadahan ko ng tingin ang aking kabuuan sa full length mirror ko. Okay na sana lahat, maganda naman ako, maganda na yung uniform ko pero yung necktie ko, hindi ko alam kung paano siya iayos.

"Hays, bahala na nga!" Sambit ko sa sarili at kinuha yung bag ko sa kama.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba, naabutan ko ang mayordoma ng bahay namin na naglilinis na sa sala namin.

"Good morning, Manang" bati ko nang makababa.

"Magandang umaga din sa'yo, hija. O'sya kumain ka na doon" aniya at ngumiti sa'kin.

Super bait ni Manang, since bata ako siya na ang nag aalaga sa'kin. Nakangiting pumunta ako sa dining namin at tahimik na kumain ng breakfast. As usual, ako na naman mag isa dahil ang parents ko ay laging nasa office, may company kasi ang Daddy at Mommy ko. I understand it naman dahil they're doing that for my future too.

Napatigil ako sa pag nguya at tumayo. I went to our sala and hold Manang's hand.

"Ay diyos ko po!" Saad niya na halatang nagulat sa pag hawak ko sa kamay niya. "Ano ka bang bata ka! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Aniya.

I pout, "Hindi naman po, I'm sorry I just wanted you to join me eating my breakfast" minsan talaga, gaya ngayon ay hindi ko mapigilang mangulila sa parents. "Please, Manang..." Pakiusap ko and I really show my very charming face just to make her join me.

And I did it! Ngumiti siya sa'kin, "Ay sus, naglalambing lang pala yung alaga ko. Hali na at kumain para makapasok ka na sa paaralan mo" sabay kaming nagtungo sa dining at naupo.

Super dalang lang niya akong samahan kumain every breakfast kasi madami siyang gawain and knowing oldies, maaga silang gumigising and nag aalmusal kaya busog na siya when I woke up.

Naging masaya ang breakfast ko dahil ang daldal ni Manang and she's making me laugh all the time while we're eating. I know that she just doing that to make me feel better lalo na kapag alam niyang nami-miss ko ang parents ko.

I am an only child kaya ang boring ng buhay ko sa bahay, hindi ko din naman nakakasama ang parents ko. Laging mga kasambahay, si Manang at ang driver lang ang nandoon to look after me.

Dati naman noong bata ako lumalabas kami ng parents ko every saturday. Pero nang magkaroon ako ng isip ay doon na sila walang time sa'kin. Hindi naman ako nakakaramdam ng sama ng loob sa kanila kasi alam ko namang ginagawa nila 'yon for me, for my future, and nabibigay naman ng parents ko ang mga needs ko.

"Manang, papasok na po ako!" Paalam ko sa kaniya at lumabas na sa dining namin.

Agad akong lumabas nang makitang hinihintay na ako ng driver namin. "Good morning po," bati ko at pumasok sa kotse.

"Good morning din, Ma'am" ani Kuya.

"Hay, Kuya... Sabing 'wag na pong ma'am ang itawag niyo sa'kin, Alora na lang po" hindi naman na kasi sila others sa'kin kaya I want them to call me by my name. Isa pa, sila nga yung laging nandiyan for me kaya gusto kong itreat nila ako as their friend.

Nahihiya namang ngumiti sa'kin si Kuya driver at nag start na siyang mag maneho. Halos thirty minutes din bago kami makarating ng university. Pinarada ni Kuya ang kotse sa may parking lot.

"Salamat po sa paghatid" saad ko bago lumabas ng sasakyan.

I looked around sabay ayos ng salamin ko sa mata. Grabe, hindi ako magsasawang tumambay dito sa parking lot kung sakali dahil puro magagandang sasakyan ang nandito, may mga brand new sports car yung as in bagong labas lang tapos ang kintab pa ng kotse nila. Para akong nasa isang display'an ng mga kotse.

Falling for Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon