25.

73 3 38
                                    


"Hoy! Ano nga kasi yung pinagusapan niyo?" Kulit ko kay Chanelle.

Wala pa naman kaming teacher for second subject namin at ang seating arrangement namin ay katabi ko siya. Kanina pa ako nito dini-deadma.

"Wala nga, paulit-ulit, Alora?" Irap nitong saad sa 'kin.

"Eme ka eh 'no, wala-wala ka diyan!" Naiinis kong saad dito. Hinawakan ko pa ang braso nito at hinila-hila.

"Si Sofie ang kulitin mo huwag ako."

Sinimangutan ko ito, "Weh. Kanina ko pa 'yon kinukulit, pareho kayo!" Reklamo ko rito.

Hindi naman ako nito pinansin at nag sulat lang muli sa notebook niya. Sinandal ko ang ulo sa balikat niya at tinignan ang sinusulat nito. Notes lang sa lecture kaninang first subject namin.

"Alam mo, Chanelle Mae, mape-perfect mo ang quiz bukas diyan kapag sinabi mo na..." Pang u-uto ko rito.

She chuckle, "Kahit huwag ko na ma-perfect." Sagot nito sa 'kin na mas lalo kong ikina-simangot.

"Alam mo bebs, wala kang mapapala diyan kay Chanelle Mae," iiling iling naman na sabat ni Diya Mae na nasa harapan namin.

Nasa unahan kasi siya nakaupo, kahit matangkad ito ay hindi namin alam bakit diyan siya pinaupo nung second subject namin. Nasa dulo naman sila Sofie at Anjali, habang kami ni Chanelle nasa second row.

"Mag se-second subject pa lang hoy ngumangata ka na agad!" Saway ko rito nang makitang nakabukas na ang baon nitong biscuit.

"Tagal ni ma'am eh, kanina pa nga 'ko naririndi sa kaka-kulit mo kay Chanelle Mae," sinamaan pa ako nito ng tingin.

Sumubo ito ng biscuit niya at tumingin ulit sa 'kin. "Alam mo, bakit hindi mo na lang tanungin ng personal yung bebe mo? Para malaman mo, kapag sinabi niya, ibig sabihin, gusto ka nun!" Nandiri pa ako sa kaniya dahil kahit may laman ang bibig ay nagsasalita.

"Ay ga—" hindi na nito natuloy ang pag mu-mura nang batuhin siya ng crumpled paper ni Chanelle Mae.

"Puwede paki-lunok muna bago ka mag salita?"

Lumunok naman ito at tumingin sa 'kin, "Ayon nga. Kapag tinanong mo siya at sinagot ka niya, edi ibig sabihin gusto ka nun! Kasi hindi ka niya natiis. Pero kapag hindi niya sinabi, edi ibig sabihin labas ka na doon sa pinag-usapan nila." Aniya at kumagat naman sa biscuit na hawak niya.

"Alam mo wala akong nagustuhan sa lahat ng sinabi mo! So meaning kapag hindi niya ako sinagot, hindi niya ako gusto? Gano'n?"

"Ay bebs, malamang? Gano'n na gano'n nga!"

"Epal ka kahit kailan 'no?" Sinipa ko ang inuupuan nito.

"Ano yung naririnig ko? Si Cams in love?" Sabat ng kaklase naming lalaki na katabi ni Diya.

"Ano namang pake mo do'n?" Sagot ni Diya rito kaya natawa ako. "Chismoso ka!" Inirapan pa niya ito at inambahan ng palo na siya namang ikinatakbo nung lalaki.

"Epal, nakikisali sa usapan. Hindi naman close!" Naiinis nitong saad.

"G na G ka naman diyan!" Natatawa kong sambit sa kaniya.

Umayos naman ako agad ng upo nang pumasok na ang second subject teacher namin. Hindi naman masungit ang teacher namin dito, bagets-bagets lang dahil fresh graduate pa ata.

Nanahimik naman ang buong room dahil sa presensya niya. Attendance lang muna at recap noong pinagusapan kahapon tapos nag lesson na siya agad. May times na nag tataas ako ng kamay to recite dahil nabasa ko naman ang tina-tackle ni ma'am. Since it is understanding culture, society and politics ay alive na alive talaga kaming magka-kaibigan.

Falling for Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon