20.

66 4 27
                                    


"Teka, saan ba tayo pupunta?" Hila pa rin kasi niya ako.

Lumingon-lingon pa ako sa likod namin, baka sakaling makita ko sila Mommy. Lagot talaga ako doon kapag umalis ako sa table ng hindi nagpapaalam sa kaniya.

"Aray," mahinang daing ko nang mauntog ako sa likuran niya. Ang tangkad naman kasi tapos bigla-biglang hihinto.

"Good morning po." Narinig kong saad niya, tinignan ko naman ang kinakausap niya at nanlaki ang mata nang makita sila Mommy.

"Oh, good morning, darling!" Sweet na sagot naman ni Mom dito at nag beso pa. Tsaka lang naman ako nakita nito.

"Oh—" nahinto ang kung anong sasabihin ni Mommy ng putulin siya nito.

"Uh, Tita can I go outside with her po?" Magalang naman nitong sabi.

"How'd you know her, darling?" Usisang tanong ni Mommy. Siguro nagulat 'to nang may kausap or humihila sa 'kin dito knowing na introvert ako at a-apat lang ang kaibigan ko.

"She's my friend, Mom. We're schoolmates po." Ako na ang sumagot, alam ko naman na hindi uso ang mahahabang lintanya sa kasama ko.

"Really? Aw, I'm so glad you knew someone here and I am happy that you have a new friend, anak." Singit ni Daddy na may hawak pang wine glass.

"Sige lang, darling. Go wherever you want but near lang ah, para alam namin na dito-dito lang kayo." Sabi naman ni Mommy nang may malawak na ngiti.

"Thank you, Tita and Tito." Maiksing sagot nitong kasama ko at bahagya pang nag bow tapos ay muli akong hinila.

Hindi na ako nakapag-paalam sa magulang ko dahil busy na ulit ang mga ito makipag-kuwentuhan. Binaling ko na lang ang tingin sa harap ko at sa taong humihila sa 'kin. "Wow, infairness... Tita agad tawag." Wala sa sariling saad ko. I felt slightly awkward to her na lang naman since nakausap na niya 'yong parents ko.

Ewan ko, nawawala yung mga awkwardness ko sa tao when they already talk to my parents. Kumbaga, kampante na ako, gano'n. Ewan ko ba sa sarili ko.

"That's how business works." Sagot naman nito.

Sabagay, base sa karangyaan nila sa buhay, alam na alam na nila mga ganap sa ganitong event. Basta kakilala mo or ng parents mo, you already called them tito or tita.

"Teka, how'd you know my parents?" Tanong ko ulit. I think asking her too much will make me become comfortable to her. Hindi kasi kami gaanong nagkakausap, at kung magkasama man, sobrang bihira lang.

"I just saw you with them earlier, so I knew that they are your parents." Paliwanag nito nang makalabas na kami sa venue. Mukhang hindi ito ang entrance kanina kasi wala naman tao. Tahimik dito at walang flash ng cameras.

"Huy, ire-record ko 'yan ang haba ng sinabi mo." Natatawa kong saad na ikina-chuckle niya. "Pero saan nga tayo pupunta?" Ulit ko sa tanong ko kanina pa.

Hindi na ako nito pinansin at hinila na lang ako hanggang sa makalagpas na kami dito sa hallway na tahimik. Lumiko na kami at doon ko nakita ang likod nitong venue. Ang ganda! Garden siya at makikita mo ang mga bahay sa subdivision sa baba. Nasa tuktok kasi itong event place na pinuntahan namin. Pu-puwede kang mag sight seeing dito, I think it is much lovely if we go here at night, makikita na rin ang city lights sa 'di kalayuan kung gabi.

May mga round table at upuan din dito na gawa sa bakal, yung typical na garden table sa mga bahay. Graba naman yung aapakan mo at sa gilid ng garden na ito ay yung mga halaman at bulaklak.

May hagdan na nabibilang lang ang baitang na bumaba rin kami. "Naka-heels tayo, kaya ba?" Tanong ko sa kaniya. Graba ba naman ang aapakan namin, baka lumubog pa ang heels na ito.

Falling for Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon