21.

72 2 1
                                    


"You are friends with the Allegra pala, anak?" Tanong ni Dad.

Nandito na kami sa may kotse at binabagtas ang daan pauwi. Tahimik lang naman ako, as usual. Never naman ako nag ingay, puwera na lang kung kasama ko ang mga kaibigan ko.

"Ah, y-yes po." Hindi ko naman kasi masabi na kaibigan ko talaga sila. Since when ba kami naging kaibigan doon? As far as I can remember, dahil lang sa tutor kaya kami nagkakausap or may connection.

Siguro nga kung wala itong tutor, never mapapalapit yung landas ko sa kaniya. Charot! Ang OA pero kung walang tutor, hindi ko naman sila makakausap o makakasama.

At hindi ka rin sana bumaliko.

"You should invite them sa bahay." Muling saad nito.

"I'll try po."

Grabe ang hiya na naramdaman ko kanina. Noong sinundan ko kasi si Wesley papasok ay nakasunod din naman sa 'kin yung anim. Hinatid pa nga nila ako sa table ng parents ko para raw hindi ako mapagalitan and they'll properly introduce themselves.

Na-bother pa nga ako noong maging tahimik si Geovana noong nasa table kami ng parents ko. Hindi ko naman magawang itanong ang dahilan kasi nakakahiya.

Ilang minuto rin sila nandoon bago bumalik sa table nila kanina. Nag lunch lang din kami doon sa event tapos ay natapos na.

"Gusto mo bang sumama sa 'min?" Open topic ni Mom.

Napatingin ako sa kaniya, "Saan po?" I don't have any idea kung saan naman kami pupunta. Kung sa mall, oo naman syempre.

"Sa China, my love." Sagot nito sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. "May business trip kami doon. Hindi ba't may 2 weeks vacation kayo?"

Iniwas ko ang tingin kay Mommy at binaling na lang ito sa labas ng sasakyan. "Opo, may 2 weeks vacation po kami. Pero I don't know, Mommy." Aalis na naman pala sila.

Bakit hindi ko 'yon naisip 'no? Saglit lang naman sila lagi rito, kung hindi office sa business trip naman. Gusto talaga nila na palaguin pa yung company na meron kami.

"M-may enrollment pa po kasi kami... At a-advance study po sana ako." Saad ko muli.

Never naman kasi akong sumama sa kung saan sila may connection sa business. Nakakatakot na ma-left behind ako doon kung ano man ang gagawin nila kaya naisip ko na, it's okay to left alone in the house kesa sa ibang bansa pa.

Nang maka-uwi sa bahay ay agad akong umakyat sa taas upang makapagpalit ng damit at matanggal na rin ang makeup ko.

Nang matapos akong ma-satisfied sa damit kong pambahay ay humilata lang ako sa kama. I don't bother to go downstairs kasi alam kong nakakulong na naman ang magulang ko sa office or kuwarto nila. Business lang naman ang laging ginagawa noon. Hindi ba sila napapagod kata-trabaho?

Nagbasa lang ako ng chats sa group chat ng section namin. They are asking if kailan ang enrollment namin for second semester. Nang hindi ko mabasa ang sagot ay nag back na lang ako para tignan ang iba lang chat sa 'kin.

Geo
Hi, you home already?

Ayan nga at muli ko na naman naalala yung nangyari kanina! Nilalamon na naman ako ng hiya. Nag tipa na lang ako ng ire-reply sa kaniya.

Yes, kani-kanina lang. Kayo ba?

Geo
We're already home.
Anyways, about earlier, when are you free?

Tumibok na naman ng malakas ang dibdib ko. Parang nababaliw ito kapag ganitong nakakausap o nakikita ko siya. I think this is not good anymore.

I'm free until matapos itong sembreak.
Ikaw ba? Baka may gagawin pa kayo?

Falling for Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon