Chapter 12

846 35 5
                                    

Venus POV

"Kuya! Kuya tulong!" Sigaw ko mula sa labas ng bahay.

Nakita ko naman syang nagmamadaling tumakbo papunta sa akin, alalang alala ito na parang nasasaktan ako pero laking gulat nya ng makitang nasa gilid ako ng driver seat door habang si Ian ay nasa passenger seat.

"Ikaw nagdrive?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

I just smiled at him then nodded. Parang napakaimposible para sa kanya na nakapagdrive ako. Tsk!

"Buti pinagdrive ka ng isang to?" Muling tanong nito.

Wow ha? Ganun na ba kaimposible.

"Naks! Buhay na buhay pa yung kotse, walang kaskas o gasgas man lang ah"

Para itong siraulo na proud na proud pa.

First time kuya? First time?

Nakita ko namang lumabas si Ate Rhian kasama sila Manang.

Mukhang nagtawag pa nga ng mga kasama. Napatampal ako ng noo dahil pare parehas sila ng suot mukha, mga pawang nag-aalala.

"Anong nangyari? Narinig kong sumisigaw si Venus dito sa labas" tanong agad ni ate Rhian noong makalapit sa amin.

"May lagnat, papatulong sana ako magbuhat" ani ko saka ininguso ang pasahero ko (chos!)

"May lagnat?" Kunot noong tanong ni ate Rhian at binuksan ang pintuan sa gilid ni Ian.

"Ano bang pinag gagawa ng batang ito"

Tinawag nito si Kuya at pinabuhat si Ian papasok sa bahay. Hindi ko sya pwedeng dalhin sa condo nya dahil walang mag-aalaga sa isang to.

Nauna na silang pumasok habang ako'y kinukuha pa ang gamit namin sa likod. Naging instant katulong tuloy ako sa lagay na to.





"Kumain ka na" alok ko bago inihipan ang pagkain nya.

Malinis naman ang hininga ko kaya hindi sya dapat magreklamo dahil kakatoothbrush ko lang.

May gagawin pa daw sila kuya, ganun din si Ate Rhian kaya wala akong nagawa kundi alagaan ang mismong prof ko.

"Wag kang mag-alala malinis yan, kakatoothbrush ko lang din"

Alam kong hindi nya naman tinatanong o hindi nya ipinapakita pero gusto ko lang na maging malinaw, wag kamo syang maarte dahil nahalikan nya na ako.

Mali!

Erase! Erase! Erase!

Bakit ko nga ba iniisip ang bagay na iyon.

"Ito yung gamot mo, dito ko naman ilalagay iyong tubig mo, maglalagay na rin ako ng pagkain dyan sa side table tapos nag-iwan ako ng note sa tabi, kapag kailangan mo ako tawagan mo lang ako" bilin ko sa kanya habang sinusubuan sya.

Natawa naman sya sa ginagawa ko. May nakakatawa ba?

"Yes ma'am" may halong tawang pagkakasabi nito.

Ngumiti na lang din ako dahil kahit papaano ay lumuluwag na rin ang paghinga ko lalo na ngayon na nakikita ko syang masaya.

"Aalis na ako, yung bilin ko ha?" Muling paalala ko dito bago tumayo.

Nakita ko naman itong ngumuso sa akin.

"Bakit?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Saka ko lang narealize na ang dami mong bilin, mahirap ipasok sa isip ko at alam ko rin ang gagawin ko lalo na't mas matanda ako sayo"

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon