Chapter 30

461 14 0
                                    

Venus POV

Limang araw...

Limang araw na simula noong dalhin sya, limang araw na din akong umiiyak.

Sa totoo lang pagod na pagod na ako, pero kasi hindi pa rin nawawala itong sakit na nararamdaman ko.

Pinunasan ko ang aking luha noong may makita akong pagkain sa harap ko, kuya lang pala.

"Venus kumain ka na, kailangan mong kumain dahil mamaya last day na ni lolo, diba ayaw nyang nagkakaganyan ka?"

Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha, sana kagaya nya rin ako.

Sana matapang din ako.

Last day nya na, mamayang hapon na sya ililibing, at hanggang mamayang hapon ko na lang sya masisilayan.

"Kuya hindi pa kasi ako handa..." biglaang saad ko kasabay ng pagtulo muli ng aking mga luha.

"Kahit sino naman hindi inaasahan ito, kahit ako. Ganito na lang isipin mo na makakapagpahinga na si lolo, hindi na sya mahihirapan at kapiling nya na sya, ang May Kapal." Niyakap nya ako ng mahigpit sabay halik sa aking noo.

Hindi pa rin mawala sa isip ko na parang kailan lang noong lumipat sya sa bahay na ito, parang kailan lang magkasama pa kami pero heto na, ito na yung pinaka hindi namin inaasahan.

Sabagay tama si kuya, isipin ko na lang na makakapagpahinga na siya.

Kinain ko na iyong pagkain bago umakyat sa itaas.

Kailangan ko ng magpalit ng damit, kulay puti daw ang sabi ni kuya. Mabuti na lang at may white dress ako. Long puff sleeve yun, at lagpas tuhod. Sinamahan ko lang ng white heels bago ako bumaba.

Pagkababa ko ay ayos na ang lahat, kitang kita ko kung paano nila ayusin at buhatin si lolo papunta sa isang funeral car.

Sumakay ako sa kotse ni Ian, hindi kasi ako makapagmaneho at baka madisgrasya ako kung sakali.

Wala akong tulog, yung mata ko namamaga pa at wala pa ring hinto ang aking mga luha.

"Venus tumahan ka na" ani nya sabay abot sa akin ng isang kahong tissue.

Tinanggap ko iyon at muling tumingin sa labas, sa may bakanteng lote malapit sa amin kung saan parati kaming naglalaro ni lolo.

Lahat ng ala alang kasama ko sya pumasok sa isip ko, napabuntong hininga ako at tinanaw ang maliwanag na paligid, ang paligid na may ala-ala kasama sya.







"Taya! Taya na ang apo ko!" Natatawang saad ni lolo habang tumatakbo.

Pitong taong gulang ako nun, sa may park. Wala kasi sila mama kaya si lolo ang kasama ko.

"Lolo! Lolo maabutan ko na kayo!" Natatawang sigaw ko at patuloy na tumatakbo.

Kanina ka kami naglalaro dito, kanina pa rin kami tumatawa hanggang sa makarinig kami ng naglalaro ng ice cream.

"Ice cream lolo! Ice cream! Bili tayo!" Natutuwang turo ko sa manong na nagtitinda nito.

Tumango naman si lolo at lumapit sa mamang nagtitinda.

Ngayon ko na naisip ang plano ko.

"Taya ka lolo!" Saad ko sabay tawa ng malakas.

"Ay madaya ka, naisahan mo si lolo roon ah?" Tumawa sya sabay abot ng isang apa ng icre cream sa akin.

"Oh? Bakit nakalimutan nyo ata ako?"

Nakita ko si Kuya Joseph, dala dala ang bag at tumakbo papalapit sa amin. Mukhang galing lang sya sa school.

"Ako din lolo gusto ko ng ice cream" nagpapacute na sabi nito sabay nguso.

Natawa naman si lolo sa inasta nya ganun din ako.

"Nice! First honor ang apo ko ah!" Tuwang tuwang saad ni lolo habang buhat buhat ako.

Ito ang unang medalyang nakuha ko. "Lolo diba apat to?" Tanong ko sa kanya.

Naguguluhan man pero tumango ito.

Kinuha ko iyon at isinabit sa kanya ang isa, kay mama ang isa pa, kay papa at syempre kay kuya Joseph.

"Para sa inyo yan! Kasi kayo ang da best na pamilya para sa akin!" Natutuwang sambit ko.




Isang magandang umaga ang sumalubong sa akin sa unang pasok ko bilang 4th year.

Akmang palabas na sana ako ng bahay ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Magandang umaga apo" bati nya sa akin.

"LOLO!" Tumakbo ako papalapit sa kanya saka sya niyakap.

"Chineck lang kita baka hindi ka pumasok eh saka yung mga gamit ko pinaayos ko na dahil..."

"...dito na ako titira!"

Kakaibang saya ang aking naramdaman sa mga sinabi ni lolo.

Ibig sabihin hindi na ako mag iisa!

"O sya tara na at baka mahuli ka dahil hindi porke apo kita at ikaw na amg susunod na mag mamay ari ng school ay pwede ka ng mag palate!" Striktong saad nya.

Natawa ako dahil sa wakas...

Sa wakas ay may kasama na ako sa araw araw.






Saglit lang...

Saglit na panahon ko lang sya ulit nakasama tapos kinuha na naman sya agad sa akin, habang buhay...

"Venus umiiyak ka na naman, bakit?" Takang tanong nito.

Doon ko lang napansin na nakahinto na kami, nandito na kami...

Sa huling hantungan nya.

Bukod doon ay wala na akong maalala. Hindi ko alam kung bakit pero simula noong mahospital ako, tila nabura na rin ang ilan sa aking mga memorya.

Habang nakatayo, yakap yakap ang litrato ni lolo hindi ko mapigilan ang malalakas na hikbi galing sa akin.

Hindi ko talaga kasi kaya...

Hindi ko kayang mawalan ulit...

"Lolo..." paulit ulit na tawag ko sa kanya habang umiiyak.

Gusto ko syang yakapin ngunit hindi ko magawa, tila naistatwa ako sa aking kinatatayuan. Nanghihina ang aking katawan at ramdam ko na namumutla na ako.

"Venus ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni kuya habang inaalalayan ako.

Kahit namumugto na ang mata nya, kitang kita doon ang pag-aalala nya. Mula sa mainit na panahon, napalitan iyon ng ulan. Parang pati panahon ay nakikisabay sa aming kalungkutan.

'Lolo kung nasaan ka man, sana maging masaya ka at sana wag mong kalimutan kung gaano ka namin kamahal'

To be continue...

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon