Chapter 23

566 24 4
                                    

Venus POV

"Bakit ba nandito ka pa rin? Hindi ka ba mag aayos ng gamit mo?" Tanong ko sa lalaking nakahiga sa kama ko.

Simula noong matapos ang gabihan ay nandito na sya, wala atang balak na umalis. Mukhang dito pa talaga sya matutulog.

"Masama ba? Naayos ko na rin yun kanina" naantok na saad nito sabay yakap sa unan ko.

Napakakapal talaga ng mukha neto.

"Antok ka na hindi ba? Doon ka sa kwarto mo matulog" inis na ani ko at pilit na hinihila sya paalis sa kama ko.

"Mas malakas ako sayo kaya hindi mo ako mapapaalis dito" pang-aasar nito sabay hilata ng katawan nya.

Aba!

Sinusubukan ata ako ng isang to! Akala nya lang pero hindi ako papatalo sa kanya.

"Ayusin mo na iyang gamit mo, babantayan kita dahil baka magdala ka ng labas buong katawan mo" humarap ito sa akin upang bantayan lahat ng ilalagay ko sa maleta.

"Hindi tayo pupunta sa malamig na lugar para magbalot ako, malamang mainit doon at maliligo ako kaya hindi ko babalutin ang sarili ko" wika ko sabay ngisi.

Mukhang hindi naman nya nagustuhan ang sagot ko at tumalikod sa akin. "Bahala ka nga sa buhay mo"

Natawa ako sa inasta nya. Para syanf baby na nagtatampo.

"Nagtatampo ba ang baby na yan? Edi magtampo ka HAHAHAHA!"

Hindi nya na ako inimik, mukhang tampong tampo nga.

"Ian! Ian oy! Tulog ka na?"

Paulit ulit ko syang inuyog ngunit nananatiling nakapikit ang kanyang mga mata.

"Alam konh gising ka tanga! Ako pa niloko mo! Hoy! Sige sisipain kita kapag di ka nagmulat" pagbabanta ko rito.

Akala ko ay gigising na sya ngunit sa pagharap ko sa kanyang mukha ay syang pag-angat nito ng ulo na ikinatama ng labi nya sa aking labi.

"Bakit sisipain kung pwede namang halikan?" Pang-aasar nito.











Lumipas ang gabi, alas-7 na ng umaga noong magising ang lahat. Maging kami rin ni Ian na syang katabi ko.

Wala akong magawa kagabi kundi payagan syang matulog sa tabi ko pero...

Hep! Hep! Walang kababalaghang nangyari katulad ng iniisip ko.

"Ako muna ang lalabas dahil hindi nila alam na dito ka natulog" saad ko sa kanya habang pinupunasan ng towel ang basang buhok ko.

Maaga akong naligo, tulog pa ata sya noong naligo ako.

"Sana sinabi mong maliligo ka para sabay tayo" ani nya sabay kindat.

Dinampot ko ang isang maliit na unan sa gilid ko at binato sa kanya. Ganyan! Ganyan kadumi ang utak ng lalaking yan.

Pasalamat na lamang sya dahil sya pa rin ang laman ng puso. "Damak ng utak mo ha!" Reklamo ko sabay labas ng kwarto.

Bago pa man akong tuluyang makalabas ay narinig ko syang tumawa.

Tumawa na lamang sya hanggang tuluyang mabaliw.

Ibang klase!

Sa paglabas ko ng kwarto ay syang pagkakita ko kay Ate Rhian at kuya Joseph na lumabas sa iisang kwarto.

Pawang nakaligo na at nagdadahan dahan pa sila.

Ano yun? May nangyari ba? May pamangkin na ba ako?

"Hoy kuya!" Tawag ko sa kanya.

Napapikit naman ito, akala mo ay nahuli pero nahuli ko naman talaga sila.

"Good morning!" Mapang-asar na bati ko sa kanya.

Napakamot naman ito ng ulo, akala mo ay may ginawang masama o mali. Takot atang mahuli.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ni ate Rhian?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman ito ng pilit sa akin at inilinga linga ang ulo. Wala syang balak na sagutin pa ang tanong ko. Nais atang tumakas.

"Nagtanong lang naman ako sa kanya kung ready na sya" sagot nito ngunit sa sa iba nakatingin.

Narinig ko naman ang sigaw ni ate Rhian sa baba, mukhang narinig nya kami.

"Sinungaling yang kuya mo" natatawang sigaw nito.

Mabuti na lang at hindi pa nila nakikita si Ian dahil magiging baliktad ang nangyari. Ang pagkakaiba nga lang ay parang may nangyari sa kanila at sa amin ay wala.

Noong tuluyang makababa silang dalawa ay syang pagtawag ko kay Ian upang bumalik sa kwarto nya.

"Mabuti na lang at di tayo nahuli sa katigasan ng ulo mo" natatawang wika ko sabay tulak sa kanya pabalik sa kwarto nya.











Pagkatapos na pagkatapos mismo ng umagahan ay napagdesisyunan naming umalis na, hindi na nga sila nagluto at bumili na lang sa labas ng pagkain.

"Ano? Mag-iisang sasakyan na lang ba tayo?" Tanong ko dahil dalawa silang may hawak ng susi.

"Dito na kasi sa sasakyan ko" pilit ni kuya Joseph, ang kaso ayaw ni ate Rhian magpatalo.

"Sa akin na dahil hindi na masyadong nagagamit ito" pagpupumilit nya.

Napatampal na lang kaming dalawa ni Ian sa gilid habang pinagmamasdan sila magtalo.

"Hep! Hep! Isang sasakyan lang, mabuti pa yung kay Ian na lang para hindi na kayo magtalo"

Sa totoo lang ay ako ang nasstress sa kanilang dalawa habang nagtatalo, akala mo ay walang ginawang kababalaghan kagabi. Mas grabi pa sila sa bata.

Napatingin sa akin si Ian na parang sinasabing 'bakit-sa-akin-look'

Akala ko nga ay papayag na iyong dalawa pero pinaglalaban talaga nila yung gusto nila.

"Teka! Teka! Ang sakit nyo sa ears! Mabuti pa at sa sasakyan ko na lang! Period wala ng mag rereklamo!" Muling sabat ko sa kanila dahil naiirita na ako.

Yung maagang pagpunta namin doon ay baka abutin pa ng isang oras dahil sa pagtatalo nila.

Buong akala ko ay magiging magandang idea yun kaso...

"Aba di ako papayag! Mahal ko pa buhay ko!" Pangungunang reklamo ni Ian sa gilid ko.

Agad ko naman syang hinampas dahil nagsimula na naman silang magtalo.

Mga matatanda na yung kasama ko pero daig pa nila ang bata.

"Ayaw ko kaskasera ka"
"Mahal kita pero mahal ko rin buhay ko"
"Kampi man ako sayo ngayon Venus pero magpapaiwan na lang siguro ako"

Kanya kanyang reklamo nila. Hindi ko na masyadong marinig pa ang iba dahil napakadami at sabay sabay pa talaga sila.

Ganun ba talaga ako kawalang ingat sa pagmamaneho?

Nakakasama na sila ng loob.

"Ansama nyo sa akin ha!"

Super duper harsh sila at doon pa talaga silang tatlo nagkasundo?

"Ako na lang! Ako na lang magdedesisyon kung sino at kaninong sasakyan, period.!"

To be continue...

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon