Chapter 28

516 16 0
                                    

"Lolo! Mahal na mahal kitaaa!" Masayang pagkakasabi ng isang batang babae, yakap yakap ang pinakamamahal nyang lolo.

"Lolo diba promise mo paglaki ko ikaw magsasabit sa akin ng maramingg maraming medalllss"

Natatawa namang tumango ang kanyang lolo habang yakap yakap ang kanyang makulit na apo.

"Lolo ako din ha? Ikaw din ha? Kapag nagtrabaho na ako sa companya mo gusto ko ikaw mismo ang sasabit at magbibigay ng parangal sa akin kapag umaangat ang pwesto ko ha?" Yumakap din ang batang lalaki sa kanyang lolo habang sinasabi ang salitang iyon.

"Sige, tutuparin natin yan" natatawang saad ng kanilang lolo bago niyakap ang dalawang bata.

"Basta ang promise nyo sa akin ay magtatapos kayo ng pag-aaral at sa iingatan nyo laht lahat ng ipapamana ko aa inyo, ayos ba?"

Gaya nya ay sumang-ayon din ang kangang mga apo at nangakong aalagaan ang mga pamanang makukuha nila.

"Pero syempre lolo, dapat kapag lumaki at nagkaroon kami ng sarili pamilya at nagkaanak, dapat nandoon ka ha? Tapos lagi namin ikukwento sa kanila kung gaano kami kaswerte sa lolo namin" proud na wika ng batang si Joseph.

Tinawanan naman sya ng kanyang lolo dahil batang bata pa ito ngunit ang kanyang isip ay nasa pag-aanak na.

"Hindi natin masasabi yan pero ito ang lagi nyong tatandaan na kahit anong mangyari, mahal na mahal ko kayo hanggang sa kabilang buhay mamahalin ko kayong dalawa"

Venus POV

Akala ng lahat maayos at magiging maayos na ang buhay. Pero lahat ng yun ay isa lamang akala.

Sa bawat taong lumipas, sa bawat araw na magdaan, at sa bawat oras na pumatak marami akong natutunan. Sa bawat bagsak ng tao, tumatayo at pilit tayong tumayo upang matapos at maging maayos ang lahat pero...

...pero paano kung  sa bawat tayo mo? Babagsak at babagsak ka pa rin?

'Isang eroplano papuntang Pilipinas ang bumagsak sa karagatan ng Batanes dahil sa hindi inaasahang bagyo'

Ang oras ay bigla na lang tumigil at ganun din kami. Parang isang kutsilyo na naman ang tumarak sa aming mga puso.

Kutsilyong paulit ulit na sumasaksak sa amin.

"Hindi naman sila dyan nakasakay diba?" Nag-aalalang tanong ni Ate Rhian.

Kaba at takot ang aking nararamdaman matapos marinig ang balitang iyon. Napatingin ako kay Kuya Joseph na ngayo'y parang wala sa sarili.

"Hindi..." tanging salitang lumabas sa kanyang labi bago mawalan ng balanse sa kanyang kinatatayuan.

Gaya nya'y nanghihina na rin ako, nais kong umiyak ngunit wala pa namang sinabing patay ang lahat at walang natirang buhay.

Buo pa rin ang pag-asa kong makakauwi siya ng ligtas at maayos sa amin.

"Lolo..."

Sa screen ng t.v., doon namin nakita ang mga pangalan ng mga pasahero, sa bawat segundong pumatak, ay sya ring sabay ng pintig ng aking puso.

Habang tumatagal, ang pag-asang meron ako ay nawawala at naglalaho unti unti.

'Marcos Saldivar...'

"Si lolo..." napatingin ako kay Kuya na nakahawak sa mesa sa kanyang gilid, hawak hawak ang kanyang dibdib habang pumapatak ang kanyang mga luha.

Sya na lang...

...sya na lang ang natitira sa amin pero bakit? Bakit kailangang pati sya ay kunin sa amin?

"Wala pa namang balitang kasama sya sa mga nasawi, magdasal lang tayo at wag mawalan ng pag-asa" saad ni ate Rhian habang pinapatahan si Kuya.

Pang ilan na ba?

Pang ilang beses ko ko na ba syang nakitang umiyak?

Pang ilang beses na ba akong nasaktan? Pang ilang beses na bang tumulo ang luha ko? At pang ilang beses na ba akong nawalan ng mahal sa buhay?

Lahat ng tao sa bahay ay paulit ulit na nagdadasal, inaalalayan kami at pinapakalma.

Gustuhin ko mang maniwala pero parang imposible na...

...lalo na't ganito ang kabog ng aking dibdib.

"Venus magpahinga ka na" nag-aalalang saad ni Manang sa akin habang ang aking mata'y nakatutok lang sa magiging balita.

Lahat ay tulog na sa pagod at paghihintay, tanging ako na lang...

...ako na lang ang naghihintay sa balita at umaasa na wala sya sa mga nasawi.

"Mamaya maya po Manang, hihintayin ko na lang po yung resulta" pilit na ngiting ani ko sa kanya.

Wala naman syang magawa dahil gaya ng iba ay pagod na rin sya, nag aalala at natatakot sa posibleng mangyari.

"Sige iha, magpahinga ka na rin mamaya ha?" Paalala nito sabay yakap sa akin.

Parang gusto kong umiyak sa balikat nya at sabihing nais ko na ring ipahinga itong nararamdaman, nais ko ng mapalagay.

Tumango na lamang ako dito bago sya umalis at tumungo sa kanyang silid.

"Lolo, diba uuwi ka naman po sa amin?" Tanong ko sa kanyang litrato habang umiiyak.

Wala ng tao, wala ng makakarinig sa hikbi ko, wala ng makakakita sa mga luha ko.

"Lolo, umuwi ka ha?"

Akala ko lang, akala ko lang na uuwi sya, naghintay ako at umasa ngunit...

"Wala na sya..." garalgal na pagkakasabi ni kuya kinaumagahan.

Ang kanyang mata'y namamaga at ang kanyang labi't mukha ay malungkot.

Ang pag-ikot ng mundo ko ay parang huminto noong marinig ang salitang 'wala na sya'.

Nanghihinang bumagsak ako sa sahig sabay takip sa aking bibig.

"Venus..." nag-aalalang tawag nila sa aking pangalan ngunit para akong nabibingi.

Wala akong marinig kundi ang hikbi ko, ang mata ko'y nanlalabo dala ng mga luhang bumabagsak sa aking mata.

Akala ko ba tapos na?

Akala ko magiging masaya na kami pero...

...nakalimutan ko na ang lahat ng yun ay akala lamang, walang katotohanan.

Ang simpleng bakasyon na inaakala naming magiging masaya ay nauwi sa lamay, lamay ng natitira at pinakamamahal namin.

"Iuuwi na daw sya dito bukas" dugtong pa nito.

Ang kanyang katawa'y walang buhay, gaya ng akin alam kong gumuho rin ang kanyang mundo. Hindi namin inaasahan na magiging ganito ang lahat.

Ang bahay namin noong araw na iyon na dati'y masaya at puno ng kulay, naging malungkot at nawalan ng kulay.

Inaasahan namin ang pag-uwi nya pero hindi namin inaasahan na uuwi sya ng walang buhay.

To be continue...

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon