Chapter 52

380 16 0
                                    

Venus POV

Is it just me? Or I'm definitely having this weird feeling?

I'm not inlove with him and I'm sure about that dahil iba lang talaga ang pakiramdam ko. Is it because this is the first time na nakita ko syang ganito? And he's willing to help me be happy in just one day? Should I be happy with that?

Yes I am! But...

I can't deny the fact na naiilang ako at the same time nagtataka sa ikinikilos nya.

Diba dapat maging masaya ako atleast ngayon alam ko kung bakit sya galit sa akin at alam ko rin na may hangganan ang galit nya dahil sa ginagawa nyang ito.

Ibig sabihin we can be friends na ba?

I was just looking at my hand na hawak nya. He was holding it too tight pero hindi naman masakit kasi he was also holding it with care naman.

"You sure na dito ko banda pinark yun?" Takang tanong ko dahil paikot ikot na kami rito sa loob ng parking lot.

After kasi ng pagdadrama ko sa gitna ng parking lot, nawala na daw sa isip nya kung saan nya banda pinark ang sasakyan nya.

Dapat na ba akong mainis sa kanya? Kasi ngayon nya pa talaga nalimutan kung nasaan ang sasakyan nya.

"I'm sure, per--- ayon! Nakita ko na!" Tuwang tuwang wika nya habang nakaturo sa kotse nyang nasa likod lang namin kanina.

As in!

Nasa likod ng pinag iyakan ko kanina! And guess what? Inikot namin ang buong parking tapos kung saan kami unang nakapwesto kanina doon lang din nakaparada.

"Stupid" inis na bulong ko habang nakatitig sa kanya.

Kusa na akong bumitaw sa pagkakahawak nya sa kamay ko dahil sa inis at sakit ng paa ko.

Kaya minsan mas gusto kong sapatos ang suot at hindi high heels.

"Eto namang girlfriend ko napakasungit, daig pa ang mayroon" paglalambing nya.

Bigla na lamang nawala ang inis ko at napalitan ng tawa noong makita kung paano sya maglambing.

"Alam mo? Ang malas ng magiging girlfriend mo dahil ganyan ka pala maglambing HAHAHAHAH!" tawa ko habang pinagmamasdan sya na akmang yayakap.

Napairap na lamang ito. Mukhang nailipat sa kanya ang sungit na mayroon ako kanina.

"Ngayon ko narealize na mas ok palang masungit ka at nakapoker face dahil nakakakilabot kapag nakangiti ka" ani ko na ikinakunot ng noo nya.

Oo gwapo sya pero naiibahan ako tuwing ngingiti sya. Dahil ba nasanay ako sa mukha nyang masungit?

"Hindi talaga ako magagalit ngayon, hindi talaga" rinig kong pagpapakalma sa sarili nya.

Pinipigilan ko lamang ang tawa ko rito dahil mukha syang ewan sa ginagawa nya.

"Dapat ang girlfriend ay minamahal kaya hindi ako magagalit ngayon" mahina ngunit sapat na para marinig ko iyon.

Kakaiba pa rin talaga ang pakiramdam ko tuwing pumapasok sa isip ko na pumayag akong maging girlfriend nya. Para tuloy kaming nag 24 hours shota challenge dahil dito.

Kalmado itong tumingin sa akin at muling inilahad ang kamay nya sa harap ko.

"May rules syempre ito para naman gumana" panimula nya.

"Una, bawal mainlove sa tulad kong gwapo. Pangalawa, bawal ang pagsusungit at kahit anong pagsisimulan ng away at pangatlo, bawal maakit sa kagwapuhan ko" saad nya na ikinakunot ng noo ko.

Nasisiraan na ba sya?
Epekto ba to ng pagsinghot ng gas?
O baka nagdadrugs ang isang to.

Nak ng! Pumayag akong maging shota ng isang drug adik!

"I know what you're thinking. I'm just kidding ok? Now if you accept to be my girlfriend for a day then..." lumapit sya sa akin at muling inilahad ang kamay sa harap ko.

"...accept my hand and I'm willing to help you be happy"

Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ng bukal sa loob ko o tatanggapin ko ng masama ang loob ko pero chos!

Tumingin muna ako sa kanyang mata at nakangiting tinanggap ang kanyang kamay.

"Let's start the happiness"

Inalalayan nya ako papasok sa kanyang kotse. Hindi pa nagsisimula pero bakit nalakaramdam na ako ng ganitong kasiyahan? Para bang tiyak na tiyak ko na ang araw na ito ang pinaka magiging masaya at hindi makakalimutan.

Am I trusting him? Pinagkakatiwalaan ko sya oo pero bakit parang sobra naman ang tiwala ko sa kanya sa mga oras na ito?

He looked at me before starting the engine. I saw happiness in his eyes.

This is the first time I saw him this happy. Should I be happy too?

Am I the reason behind his smile right now? The smile in his eyes?

Napakarami kong tanong ngayon pero isa lang ang alam ko.

Kalimutan ang lahat ng yun at isipin lamang ang kasiyahan...

...sa isang araw lang.

Dapat pa rin akong magpasalamat dahil kahit isang araw lang mararamdaman ko ulit kung anong pakiramdam ng kasiyahan. Yung literal na saya.

We both agreed to act like a girlfriend and boyfriends that's why he's being sweet. Yung tamis na nakakalanggam talaga.

Kahit na nagdadrive sya, he was holding left hand tapos minsan titingin sa akin at biglang ngingiti. Alam kong mababaw lagi ang kasiyahan ko pero ito? I never experienced this kind of car date with Ian.

Si Ian kasi kapagnagmamaneho, nakatutok lang sya sa minamaneho nya. Sa daan lang sya at bilang sa daliri lamang sya tumingin sa akin ngunit lahat ng tingin na iyon ay walang ngiti. Kahit nung kami.

Seryoso sya oo pero...

No! Dapat hindi ko sya iniisip o ikinukumpara. Magkaiba sila, tama! Magkaiba sila!

"Do you want to know where are we going?" He ask.

I badly wanted to answer 'syempre hindi' pero naalala ko may kasunduan pala kami.

Umiling lamang ako bilang sagot.

"Dadalhin kita sa lugar na alam kong magugustuhan mo" taka akong tumingin sa kanya ngunit ngiti lamang ang iginanti nito sa akin.

Hindi na ako nagtanong pa dahil may tiwala ako sa kanya. Alam kong kahit hindi ko sya ganun kakilala, kahit na hindi ko sya parating nakakasama, kahit na galit sya sa akin
... hinding hindi nya ako ipapahamak at dadalhin sa lugar na ikakapahamak ko.

I have this feeling na nagsasabi sa akin I should trust him.

After a long ride we finally reached our destination.

It was a private beach with only one rest house. Mukhang sa kanila or should I say na sa kanya mismo.

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse at inalalayan sa paglabas.

Hindi naman nya sinabi na dito kami pupunta. Paano yan? Wala akong damit at napakalayo ng binyahe namin.

"I promised my sister that I'll buy this resort kapag tumanda na ako. This is the only resort na napuntahan namin with her so dito mismo sa entrance I've made a promised to her na I'll never bring anyone here except her, my family and the girl that I'll love. I even promised her na dito ako magpapakasal at ito mismong lugar na ito ang magiging takbuhan namin tuwing malungkot kami..."

Tumingin sya sa akin at inilagay ang kanyang kanang kamay sa aking balikat at marahan akong hinila papalapit sa kanya.

"...I want to share this place with my first girlfriend, and that's you"

To be continue...

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon