Chapter 29

505 15 0
                                    

Venus POV

Naghintay ako buong magdamag hanggang sa masilayan ko sya...

...masilayan ko muli ang kanyang mukha.

"Lolo..."

Habang yakap yakap ang kanyang litrato, naghihintay sa kanyang pagdating hindi ko pa rin lubos na maisip kung bakit?

Bakit kinukuha sila agad sa akin? May nagawa ba akong mali? Bakit? Bakit pinaparusahan ako?

"Venus magpahinga ka na" ani ni kuya saka umupo sa tabi ko.

"Tingin mo gusto ni lolo na makita kang nagdudusa? Na hindi mo inaalagaan ang sarili mo?" Muli syang nagsalita sabay upo sa aking tabi.

Ang kanyang boses ay tila napipiyok at paiyak na ngunit hindi nya pinapakita. Ayaw nya atang makita ko syang mahina.

"Naalala mo ba nung mga bata tayo?" Tanong nya habang nakatingin sa labas.

Pinunasan ko ang aking luha saka ako tumingin sa kanya. "Diba ang sabi sayo ni lolo noong nadapa ka? Bumangon ka? Na kahit ilang beses kang madapa, ang unang una mong gagawin ay bumangon tapos ang sabi pa nya sa atin na hindi masamang umiyak..."

Parang tinutusok ng karayom ang aking puso habang naririnig ang mga ala-alang iyon.

Nakita ko kung paano tumulo ang luha ni kuya habang inaalala iyon, tila nawalan sya ng boses dahil sa sakit at pangungulilang nararamdaman nya.

"...hindi masamang umiyak dahil ang pag-iyak ay parte ng buhay pati na rin ang sakit" pagtutuloy ko sa kanyang sinasabi.

Parehas kaming natahimik, parehas kaming umiiyak at parehas din kaming nasasaktan.

"Ito naalala mo pa ba? Nung sinabi ni lolo kung bakit umuulan?" Tanong ko sa kanya sabay punas sa aking mga luha.

Ngumiti ako sa kanya "dahil malungkot at umiiyak daw ang langit" parehas kaming natawa dahil magkasabay naming sinabi ang mga salitang iyon.

"Naniwala ako doon dati, hanggang sa nakapagtapos ako ng pag-aaral at pinag-aralan ang ulap at ulan" malungkot man, ngunit patuloy kaming pinapasaya ng mga ala-alang iniwan nya sa amin.

"Paano kung malungkot talaga ang langit?" Wala sa sariling tanong ko.

Natahimik sya ganun din ako hanggang sa isang door bell ang aming narinig dahilan para matauhan kami.

"Ano ho iyon?" Rinig kong tanong ni Manang Sheila sa lalaking naka puti at may hawak hawak na papel.

"Dito po ba nakatira ang mga Saldivar?" Tanong nito.

Tumungo agad si kuya sa may pinto at kinausap ang lalaki. Sa bawat patak ng segundo, ay sya ring pagbigat ng aking loob. Tila ibang iba ang nararamdaman ko.

"Lolo..."

Dali-dali akong tumakbo papunta sa pituan, wala akong pake kung madapa man ako pero gusto ko...

...gusto ko na syang makita.

Kahit na umaagos ang mga luha sa aking mata, kahit na wala na akong masyadong makita buhat ng mga luhang ito, gusto ko na syang makita.

"Lolo!!" Umiiyak na sigaw ko noong makita ko syang pinapasok sa bahay.

Gulat na napatingin sa akin si kuya dahil sa nakita nya kung gaano kabilis ang aking takbo.

"Venus!" Rinig kong sigaw ni Ian mula sa hagdan ngunit hindi ko na sya nilingon pa.

Gustong gusto ko na makita si lolo, gusto ko syang yakapin ng mahigpit na mahigpit, kahit na isa na lamang syang malamig na bangkay na naiuwi sa amin,...

...gusto ko pa rin syang yakapin, sa huling pagkakataon.

"Venus!" Rinig kong sigaw ni Ian sabay yakap sa akin.

Lumapit na rin sa amin si kuya, pinapakalma nila ako ngunit wala silang magawa...

"You can't..." naiiyak na saad ni kuya sabay yakap sa akin. "You can't hug him Venus, you can't hold him pero pwede mo lang syang titigan... yun lang"

I cried a lot, para bang walang katapusang luha ang lumalabas sa aking mata.










Lahat sila'y tulog na, habang ako? Habang ako sinasamahan si lolo.

He's my best buddy, my best friend, my dad and my lolo. Sya yung tumayong tatay sa akin noong mga panahong nangungulila ako sa ama at sya yung unang unang naging kaibigan ko noong bata pa ako.

Mahirap lang isipin na wala na sa piling mo iyong mahal mo sa buhay, parang... parang ang hirap tanggapin.

"Lolo naalala mo ba? Nung lumipat ka ulit sa bahay na to? Parang nakaraan lang yun tapos umalis ka ulit" pagkakausap ko sa kanya habang pinagmamasdan ang kanyang mukha.

Wala akong takot na nararamdaman, na baka magpakita sya? Na baka magmulto sya dahil baka ako pa ang pinaka masamayang tao kung sakali mang magmulto sya dahil...

...dahil muli kong masisilayan ang kanyang mukha.

"Sana pwede pang ibalik lahat ng oras lolo, sana buhay ka pa ngayon kasama namin..." napayuko na lamang ako habang pinipigilan ang aking mga hikbi.

"Lolo...lolo magkakasama na kayo nila mama ngayon, bantayan mo ako lagi ha? Lagi kang magpakita sa panaginip ko ha? Sabi mo diba kapag wala ka sa tabi ko at namimiss kita, alalahanin ko lang lahat ng ala-alang magkasama tayo?..."

"...sabi mo rin sa akin na pakiramdaman ko lang ang hangin, pumikit ako at isipin ko na niyayakap mo ako at hahaplusin mo ang puso ko?"

Umayos ako ng upo, pinunasan ang mga luhang patuloy na pumapatak sa aking mata bago ako pumikit. "Lolo miss na kita, miss na miss na kita..."

Hinintay ko na dumampi ang malamig na hangin sa aking balat at inisip na kasama ko sya ngayon.

"Mahal na mahal kita lolo, mahal na mahal..."

To be continue...

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon