Chapter 58

463 19 4
                                    

Venus POV

Masamang tumingin ang dalawang lalaking sa akin noong biglaang lumitaw sa monitor ang salitang 'YOU WIN'

Lumapit sa akin ang isang babae at binigay ang kulay puti ngunit makintab na ticket.

"You can choose one price at the counter" ani nito na ikinatango ko.

Inilagay ko ito sa aking bag at sinimulang lumipat ng ibang laro. Kahit nakatalikod ako sa dalawang lalaki, ramdam ko ang masamang tingin nila sa aking likuran. Feeling ko nga ay sinasaksak na nila ako sa kanilang mga isipan.

Karma nila yan sa pagiging mayabang. Ni hindi pa nga nagsisimula ang laro pero nagyayabang na agad sila na mananalo dahil isa nga lang daw akong babae.

Ha!

Hindi dapat nila minamaliit ang mga babae at mas lalong hindi dapat nila nila'LANG' ang mga babae. Kaaga aga pero nagiinit ang ulo ko sa kanila maging ang aking dugo ay kumukulo.

Pupuntahan ko na sana ang isang claw machine ngunit isang lalaki ang aking nabangga. Napahinto pa ako dahil sa lakas ng impact at dahil na rin sa biglaang pagkirot ng balikat ko dahilan upang mabitawan ko ang mga token na hawak hawak ko.

Pakshit! Ang sakit nun!

Siko nya yata yung tumama sa ano ko... sa bulubundukin ko!

Inis kong nilingon kung sino man yun ngunit aba! Wala man lang sorry sorry? Dire diretso lang ang mokong!

Dahil sa nangyaring iyon, mas lalo akong nainis. Wala bang manners lahat ng taong makakasalubong ko?

Nakakainis!

Padabog akong umupo at sinimulang damputin ang mga token na nagkalat sa sahig. Grabi talaga! Ni tumulong man lang sa pagdampot ay hindi nya nagawa! Talagang dire diretso lang sya at wala atang balak na lumingon.

Matalisod ka sana!

Akmang pupulutin ko na sana ang pinakahuling token noong may mapansin akong isang... notebook?

Teka?

Ito siguro yung tumunog noong magkabanggaan kami.

Hala! Shit! Nahulog nya ata!

Paano ko naman isasauli ito ni hindi ko nga kilala kung sino iyon.

Nagmamadali ko itong pinulot at halos patakbo na noong lumabas sa arcade para lamang mahabol yung lalaking nabangga ko.

Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa marating ko ang exit at...

"Anak ng!" Pasigaw na pagkakasabi ko noong may siraulo na namang bumangga sa akin.

Isa na namang malaking pakshit!

Sinisigurado ko na sakit ng katawan lang ang aabutin ko rito. Nabitawan ko iyong notebook dahil sa sakit na naramdaman ko.

Napansin ko na lang na nakabuklat na iyon at isang imahe ang bumungad sa akin.

Isang imahe ni...

"Ako yun ah?" Pabulong na wika ko habang pinagmamasdan iyon.

Dinampot ko iyon ngunit bago ko pa man mahawakan ay nagkauntugan na ang aming mga ulo.

"Bullshit!" Halos mamilipit ako sa sakit ng aking ulo.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata noong mapansing nakahawak iyong isang lalaki sa kanyang ulo at nakapikit pa rin.

"Maverick..." gulat ngunit mahina na pagkakasabi ko.

Nanatili ako sa ganung posisyon hanggang sa maging maayos ang lagay nya at unti unting lumapit sa akin.

"Miss? Are you ok?" Tanong nya.

Miss?

Hindi nya ba ako naaalala?

"Miss?" Pag uulit nya.

Saka lamang ako nakabalik sa sarili noong tawagin nya akong muli.

"Are you ok?" Muling tanong ko.

Tumango na lamang ako sa kadahilanang nagugulat at naguguluhan pa rin ako sa nangyayari.

Kailan pa?

Kailan pa sya nagising?
Anong nangyari sa kanya?
Bakit hindi nya ako naaalala?

Madaming katanungan ang gumugulo sa akin ngayon.

Tumayo ito at inilahad ang kanyang kamay sa aking harapan na akin namang tinanggap saka pinagpagan ang aking sarili.

"Miss, next time be careful" huling wika nito bago tuluyang umalis.

Hindi nya nga talaga ako naalala.

Huminga muna ako ng malalim habang pinoproseso ang lahat sa aking isipan. Gusto ko syang habulin pero paano? Anong sasabihin ko? Ni hindi nya nga ako maalala.

Gusto kong umiyak.

Sobrang tagal...

Napakatagal kong naghintay na makita sya ulit, marinig ang boses nya pero bakit parang nasasaktan ako?

Pinipigilan kong tumulo ang aking luha. Hindi dito, hindi na ako iiyak pero hindi ko mapigilan.

Aalis na sana ako ngunit kamuntik muntikan ko ng maapakan ang nalaglag nyang notebook.

Hindi sa pakealamera ako pero...

...gusto ko lang makita muli ang mukha kong kanyang iginuhit.

'Ang babae sa aking panaginip'

Panaginip?

Binuklat ko iyon at nakita ko ang iba't ibang imahe na kanyang iginuhit. Kuhang kuha nya ang aking mukha pero bakit? Bakit hindi nya ako maalala?

Sa bawat pahinang aking tinitignan, mukha ko ang aking nakikita.

Napansin kong hindi pa sya nakakalayo kaya nagmamadali ko syang hinabol. Mukhang binigyan agad nila ako ng isang paraan para malapitan at makausap ko sya.

Lakad takbo ang aking ginawa para mahabol sya. Napakaraming tao sa itaas pero masyadong mabuti sa akin ang tadhana at hinayaan akong malapitan sya.

Noong maabutan ko sya ay agad ko syang kinalabit. Mabuti na lang at humarap ito bago tinanggap ang air pods na nakapasak sa kanyang tainga.

"Excuse me, You drop this" ani ko sabay abot ng notebook.

"Oh! Thank you very much, this book is so important to me"

Gusto kong maiyak sa harapan nya. Gusto ko syang yakapin na lang bigla pero... natatakot ako.

"Can I ask? Is your name Maverick?" Halatang nagulat pa ito ngunit kalauna'y ngumiti ito at tumango.

"Yeah, wait? Do we know each other?"

Kilala natin ang isa't isa, at dahil rin sa akin kung bakit ka nawalan ng ala-ala.

Kasalanan ko naman kaya wala akong karapatang pilitin, masaktan at magreklamo kung hindi nya talaga ako maalala.
Gusto kong sabihin na oo.

"By any chance do you know someone named Venus?" Muling tanong ko.

"It's kinda familiar but no, why?" Mukhang naguguluhan na sya sa akin.

Hindi nya ba talaga ako maalala?

"Are you a filipino?" He asked.

"Yeah"

"Then you know how to speak tagalog right?" He asked again.

Tumango na lamang ako sa kanya bilang sagot.

"Can I ask one last question?"

"Oo naman" biglaang pagsagot nya sa akin.

He still know how to speak tagalog pero kahit pangalan ko ay hindi nya maalala.

"Do you still remember me?"

To be continue...

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon