Chapter 49

448 16 1
                                    

Venus POV

"I'm not! Sa ating dalawa ikaw ang nahilig mambara" sambit ko.

Alam nyo para akong nawalan ng gana sa pagkain kaso habang pinagmamasdan ko itong ice cream, parang gusto ko ng next batch.

"You know let's just stop this, I'm being nice here" wika nya pero ang mga kilay nya ay nakasalubong pa rin.

"Ano bang kailangan mo?" Takang tanong ko ngunit hindi ito sumagot.

"Umiyak ka ba?" Tanong kong muli.

Hindi naman sya makatingin sa akin at pinahid ang namumula nyang mata.

"Bakit? Concern ka ba?" Nakakaloko itong ngumiti sa akin ngunit inirapan ko lamang ito.

Chismosa lang talaga ako, nahawa kasi ako doon sa magpinsan.

"Hindi kasi may muta ka"

Napangiwi naman ito sa sinabi ko na ikinatawa ko.

"Alam mo? Pwede naman palang hindi tayo mag away sa isang araw no?" Wala sa sariling wika nito.

Mukhang nagulat sya sa sinabi nya at agad itinikom nito ang kanyang bibig.

"Pwede naman, basta alisin mo yang pagiging masungit at sarcastic mo" pagsang ayon ko rito.

"Pwede naman talaga basta wag kang manlait" tinignan ko ito ng masama dahil sa sinabi nya.

"I'm not, sinasabi ko lang yung totoo Hades" nakita ko itong napabuntong hininga.

Akala ko titig na sya pero mukhang mag sstory telling pa. Bago pa man sya mag story telling sa harap ko, syempre umorder na rin sya at ang gago gaya gaya ng nais.

"Same order na lang sa kanya." Sabay turo sa akin. Tumango naman iyong waiter at umalis na.

"Alam mo ba kung bakit ako masungit at sarcastic?" Tanong nito.

"Syempre hindi" sagot ko.

Tumingin naman sya sa akin ng matalim. Feeling ko tuloy sinasaksak nya na ako ng libo libong patalim sa isip nya.

"What? Sinasagot ko lang naman yung tanong mo" inosenteng pagkakasabi ko.

"Nevermind"

Napasimangot naman ako sa sinabi nya. Gusto ko pa namang malaman! Pabitin tong lalaking to ah?!

"Syempre joke lang, sige tuloy mo na" natatawang ani ko.

Mukha naman syang pikon na pero wala naman syang magawa.

"Dahil sayo" saad nya sabay tingin sa akin.

Tinuro ko ang sarili ko dahil sa sinabi nya. "Ako?"

Tumango naman ito. Bakit parang kasalanan ko kung bakit sya ganun?

Kasalanan ko na naman.

Alam kong unti unti ng nagbabago ang itsura ko noong sabihin nya dahil sa akin.

Naaalala ko na naman kasi yung nakaraan ko. Dahil doon, pakiramdam ko kasalanan ko lahat ng nangyayari sa mundo.

"Noong grumaduate ako, bago ka dumating sa kompanya namin. Lahat ng oras ko sinayang ko para lang makapasa sa exam, lahat ng oras ko nasayang dahil sa pagtutok ko para maging head ng engineering department. Kasi yun yung pangarap ko para maging proud si papa sa akin"

Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras. Kita ko yung panghihinayang, galit, inis at lungkot sa mga mata nya.









Hades POV

Napatingin ako sa kanya habang nakikinig ito ng kwento ko.

Sari sari ang nakikita ko sa kanyang mata, ganun na lamang din ang lungkot at gulat nya noong sabihin ko sa kanyang sya ang dahilan.

Hindi ko maintindihan itong puso ko. Pakiramdam ko naguguilty ako sa sinabi ko pero alam kong ito lamg ang paraan para maging magaan itong nararamdaman ko...

Kailangan ko lang ilabas ito. Galit ako sa kanya pero habang tumatagal hindi ko lubos maisip kung bakit unti unting nawawala ang galit na nararamdaman  ko.

Nitong mga nakaraang buwan, tuwing kausap ko sya sinusubukan kong magalit tuwing kausap ko sya. Hindi ako nagagalit dahil kasalanan nya kung bakit nasa ibaba pa rin ako, pero nagagalit ako dahil paunti unting kumakabog itong puso ko tuwing kaharap ko sya.

"...Kasi yun yung pangarap ko para maging proud si papa sa akin..."

Nakita ko ang malalim na paghinga nito habang nakikinig sa akin.

-flashback-

"Kasalanan mo! Kasalanan mo kung bakit namatay ang kapatid mo!" Sigaw ni papa sa akin habang hawak hawak nito ang kwelyo ko.

Hindi...

Hindi ako ang dahilan...

Highschool ako noong mamatay ang kapatid kong babae. Nakalimutan ko syang sunduin dahil nagmamadali akong umuwi para ipakita ang grades ko kila mama at papa pero hindi ko naman alam na mararape sya at papatayin ng mga adik.

"Tama na! Maawa ka sa anak mo!" Sigaw ni mama habang pilit na inaawat si papa.

Alam kong wala akong kasalanan doon pero bakit pinaparamdam nila sa akin na ako ang responsable sa nangyari sa kapatid ko?

Unang una hindi ba dapat sila ang sisihin ko dahil inaasa nila sa akin ang paglalakad ng malayo para lang masundo ang elementarya kong kapatid.

Ang rason nila parati ay hindi nila maharap.

Tumatak iyon sa isip ko at simula noon nawalan na ng pagmamahal at pake sa akin si papa.










"So proud of you anak" masayang wika ni mama habang sinasabitan ako ng medalya. Kanina ko pa sya hinihintay pero kahit anino nya ay hindi ko nakita.

Graduate na ako ng college, exam na lang at makakapasok na ako sa kompanya ni papa. Gusto kong maging proud sya sa akin...

...ulit.








Result of civil engineer board exam.
.
.
.
5. Hades Alonzo
.
.
.

Halos magtatalon talon ako sa kwarto ko noong makita ang pangalan ko.

Worth it yung pagpupuyat ko para lang mag-aral!

"Ma! Pa! Nakapasa po ako!" Nagmamadali akonv bumaba at malakas na sinisigaw ang pagkapasa ko ngunit pagdating sa kusina, para lamang akong hangin.

Hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin, tuloy tuloy lamang ito sa pagkain na para bang hindi nya ako nakita.

"Congrats anak" bati ni mama.

Gusto ko din iyong marinig kay papa.






"Congrats engineer Alonzo!" Bati nila sa akin at masaya akong sinalubong sa opisina.

Sa wakas at kaunti na lang matutupad ko na ang lahat.

Interview na lang para sa head at alam kong magiging proud na sya sa akin.

"Dito sa opisina, ipakita mong maganda ang relasyon natin para hindi sila magtaka" walang ganang ani ni papa sa akin at nauna ng umakyat.

Ayos na yun, kahit papaano mararamdaman ko ulit na may papa ako.

Hindi ako tumigil sa pag aapply at paghintay na magresign ang head namin hanggang sa...

"Application for head of engineering department is now open"

To be continue...

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon