Chapter 36

392 15 3
                                    

Venus POV

Matapos ang usapan namin sa loob, agad naman akong hinila ni Ian papunta sa office nya.

Mabuti na lang at walang nakakita sa amin at liblib na lugar ang dinaanan namin dahil delikado pa rin, baka bigla na lang kaming pagpiyestahan ng mga tao.

"Did you do it?" Nakataas ang kilay nito habang tinatanong ako.

Hindi ako sumagot, I don't want to talk to him at isa pa, kanina pa ako nagpupumiglas na makawala sa kanya because I don't want to be with him lalo na ngayon.

"ANSWER ME!" sigaw nito at hinawakan ako sa balikat.

Kitang kita ko ang galit sa kanyang mata.

Wow!

At ako pa ang suspect nya ngayon?

"I didn't do it" mahinanong sagot ko kahit nasasaktan nya na ako.

Ayaw ko na, sobrang sakit na.

"Gumaganti ka ba? Just because I fucking dump you, gagantihan mo ako ng ganito?!" Sigaw nyang muli at idiniin ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Tangina! Ano ba! Nasasaktan ako!" Patuloy akong gumagalaw at pilit na tinatanggal ang kanyang kamay sa aking balikat.

Akala ko dahan dahan nya akong bibitawan pero itinulak nya ako dahilan para mabigla ako.

Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon, sobrang galit nya at nakakuyom pa rin ang kanyang kamao.

Kapal din ng mukha nyang magalit, sa aming dalawa ako dapat ang galit dito.

"You fucking do that para maging bayani ka? Saving me? I don't need that! Dahil unang una baka ikaw pa ang may gawa ng lahat ng yan!" Sigaw nyang muli saka sinuklay ang buhok gamit ang kanyang kanang kamay.

Nag-uumpisa na akong mainis, nag-uumpisa na ring tumulo ang luha ko at nanginginig na rin ako.

Parang kahapon lang, umiiyak ako, nasasaktan ako tapos ngayon dinadagdagan nya pa.

"Unang una hindi ko ginawa yun! Dahil bakit ko gagawin yun? Bakit ko ipapahamak ang sarili ko? Tingin mo ba magpapakatanga pa rin ako sayo? Sinabi ko dito..." tumigil ako sa pagsasalita at itinuro ang puso ko.

"...sinabi ko dito na kalimutan ka na, na tanggalin lahat ng pagmamahal na mayroon ako para sau dahil hindi mo deserve yun! Hindi mo deserve itong pagmamahal ko at mas lalong hindi ko deserve na masaktan! And now you're asking me kung bakit ginawa ko yun? Hindi ko ginawa yun because I love you, ginawa ko yun dahil gusto kong lumayo, gusto kong lumayo sayo!"

Idinuro ko sya kasabay nun ay ang pagbagsak ng nanginginig kong tuhod.

"Tangina tama na! Tama na! Pagod na pagod na ako! Sobra na!" Niyakap ko ang aking tuhod at patuloy na umiyak.

Bakit kailangang parati akong masaktan? Bakit parang lahat na lang kasalanan ko?

Ano bang kasamaan ang ginawa ko? Bakit kailangang magsuffer ako ng ganito.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan! Dahil wala ka namang pakealam sa akin! Dahil sarili mo lang ang iniisip mo!"

Kahit na nanghihina, pinilit kong tumayo. Pinili kong umalis at pinili kong lumayo.

Yung malayong malayo sa kanya.

Nagmamadali akong lumabas ng gate, wala na akong pakealam sa itsura ko, sa sasabihin ng tao dahil pagod na ako.

Pumara ako ng taxi at nagmamadaling sumakay. Si manong driver nga ay nagtataka sa itsura ko, malamang mukha akong ginahasa.

Gulo gulo ang buhok, gusot gusot ang damit at iyak ng iyak.

"Salamat po" ani ko sabay abot ng bayad.

Agad akong bumaba ng taxi at pumasok sa bahay.

Babatiin sana ako ng guard pero nakita nya ang itsura ko. Puno ng pagtataka kung bakit siguro ganito ang ayos ko at kung bakit napakaaga kong umuwi

Pagpasok ko at taka ring nakatingin sa akin ang ibang katulong pero wala akong pakealam at wala na rin akong pakealam.

Dire diretso lamang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa aking kwarto.

Agad akong kumuha ng maleta, inilagay iying mga damit na kailangan ko, iyong mga gagamitin ko kagaya mg powerbank, laptop, charger at yung wallet ko.

Nagpalit na rin ako ng damit at itinali ng ponytail ang buhok ko. Kinuha ko agad ang susi ng kotse ko at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Gusto ko munang lumayo, wala akong gustong makausap at ang tanging gusto ko ay panandaliang peace of mine.

Kung dito sa bahay, ayaw ko rin dahil galit rin ako kay Kuya, ayaw ko namang guluhin pa at dagdagan ang pag-aalala sa akin nila Samuel, Chloe at Maureen.

Wala muna akong gustong makausap. Kahit na saglit lang, ilang araw lang gusto kong mapag-isa.

Umalis ako ng bahay at tinahak ang mall. Bumili ako ng bagong phone, bagong simcard dahil naka shutdown iyong cellphone na ginagamit ko. Delikado na dahil baka bigla nila akong ilocate o ipalocate at malaman kung nasaan ako.

Matapos kong magpagas at bumili ng extrang gas, bumili ng pagkain, mga gamitat ng kung ano ano pa, dire diretso lang ako sa pagmamaneho. Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho, dire diretso lang, wala akong tama at exact na destinasyon. Tinahak ko ang isang hindi pamilyar na daan hanggang sa mapadpad ako sa isang gubat.

Para akong nagcacamping mag-isa, mabuti na lang at may dala akong tent dahil nagbabakasali akong pumunta sa walang taong lugar.

Naputol ang sementadong daanan, hindi na sementado pero may daanan patungo sa isang liblib na lugar. Mukhang tago at imposibleng mapuntahan dahil nakakatakot ang dilim, ang mga nagtataasang mga puno at ang masukal na daanan.

Halos isang oras din ang lumipas na oras pero nandidito pa rin ako sa gitna ng kagubatan. Akala ko nung una na aabutin ako ng ilan pang oras ngunit sa kalayuan, may nakita akong liwanag, may nakita akong kalsada.

Hindi ko alam kung dapat ba akong masiyahan o malungkot dahil akala ko umikot lang ako at babalik na naman ako sa siyudad pero hindi...

...mali ako.

Muli kong tinahak ang kalsadang iyon, nais kong marating ang dulo ng daan.

Isang oras muli ang naging byahe ko hanggang sa may nakita akong simbahan.

Mukhang luma na at mukhang panahon pa ng kastila.

Ipinarada ko ang kotse ko at pinasok ang simbahan.

Maayos pa sya, matibay at mukhang naalagaan.

Malinis ang loob nito at doon ko masasabing may tao rito, mukhang hindi nga ako nagkakamali dahil isang tinig ang nakapagpahinto sa akin noong nasa gitna na ako ng simbahan.

"Sino ka?"

To be continue...

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon